CHAPTER 07 Date

662 24 2
                                        


SANDY's POV

Today it's friday, at gaya ng ibang estudyante tinatamad akong pumasok ngayon hindi dahil may Friday sickness ako, kundi dahil ayaw kong makita ang pagmumukha ng JD na yun. Nasisira agad ang araw ko!

Pero kailangan kong pumasok kasi may quiz daw kami.
As usual, todo-greet pa rin yung mga nakaka-salubong ko, at mukhang hindi pa rin sila maka-get over sa nalaman nilang news. Haist.
Ako din eh, hindi pa rin ako maka-get over kaya nga hindi ako maka-ngiti ng maayos sa kanila. Tsk! Nasisira tuloy ang image ko as Ms. Congeniality dahil sa jerk na JD na yun.
Dumiretso naman ako sa classroom at nakita ko naman si Avah na nakikipag-chikahan sa mga classmates namin.

"Hoy! Ang aga-aga nakikipag-chikahan ka na!" Bati ko sa kanya.

"Good morning din. Hahah. Hindi kaya ako nakikipag-chismisan, nagu-group study kami para sa quiz mamaya."

"Ay wow! Group study daw pero bugbog na sa hampas yung katabi mo kakatawa mo."

"Aish. Syempre may nakaka-tawa syang sinabi. Ikaw nagging girlfriend ka lang ng isang JD nagging masungit ka na. Nahahawa ka na sa ugali nun... oyyy!" Sabi nya sabay tusok sa tagiliran ko.

"Stop that! Hindi ko nga boyfriend yun."

"Kaya ba kinalimutan mo ako at iniwan mo ko dito kahapon tsaka sumama sa kanya. Hmp! Nakakatampo!"

"Huwag ka na magtampo, papakopyahin naman kita mamaya eh." At dahil sa sinabi ko, lumiwanag ang mukha nitong si Avah

Sakto namang dumating na rin ang prof namin kaya umayos na kami ng upo. Pero hindi pa man kami nagsisimula may kumatok sa pinto at ang mga chararat kong classmate ay automatic na nagtilian. -_-

"Mr. Del Fierro, do you need anything?"

"I want Ms. Cassandra Jimenez. I mean, I want to talk to her." Napaka-bossy! Prof kaya yang kausap mo!!

"Where is Ms. Jimenez?"

"I'm here Sir." Sabi ko while raising my right hand

"Mr. Del Fierro wants talk to you. Paki-bilisan lang kasi may quiz pa tayo."

"Yes Sir." Tapos lumabas na ako.

"Ahyiiiee" pahabol naman nila Avah bago ako lumabas.

"Anong kailangan mo? Bilisan mo dahil narinig mo naman yung prof namin na may quiz pa kami." Kiniss nya ako sa cheek. "Yuck! Para saan yun?" Sabi ko habang pinupunasan ang pisngi ko.

"Ang cute mo kasi baby. Anyway, 6pm. Everyone's Park."

"Huh?"

"Don't be late or else I'll kiss you."

"Anong meron?"

"A Date?"

"At paano ka naman nakakasiguro na dadating ako?"

"Cause I said so? I'll wait you there. Bye, baby." Tapos umalis na sya.

Bumalik na ako sa loob, itong si Avah sinalubong agad ako ng tanong.

"Anong sinabi sayo ni JD?"

"Date." Tapos biglang kinilig ang bruha. "Umayos ka nga! Baka pagalitan ka ng prof natin. Tsaka kilig-kilig ka dyan, hindi naman ako sisipot."

It's 5pm at uwian na namin. At katulad ng sinabi ko kanina, hindi ako sisipot. Dahil unang-una, bakit naman ako pupunta kung di ko trip ang ka-date ko. At pangalawa, kailangan ko ng tapusin yung thesis ko kung gusto kong grumaduate.
Dumiretso na ako sa library, pinatay ko yung cellphone ko para sure na walang iistorbo sa akin.

8pm na ng mapag-desisyonan kong umuwi na. Siguro naman, umuwi na rin sya diba? Mabuti na lang nakasakay agad ako ng taxi. Pag-open ko ng phone ko, sunod-sunod na dumating yung message ng unknown number sa phone ko...

[Don't forget our date. 6pm. Everyone's park. Don't be late or else I'll kiss you.]

[You're 10 minutes late...]

[Where the hell are you? Bakit hindi mo sinasagot mga tawag ko?]

[fck! Answer my calls. I'm worried.]

[kanina pa ako dito. Just tell me kung hindi ka pupunta para hindi na ako naghihintay dito.]

[Pucha naman Sandy. Nasaan ka na ba? Sabihin mo naman kung may plano ka pang siputin ako! Urg! Bakit di mo kasi sinasagot mga tawag ko? Anong oras na, delikado na sa daan. Nag-aalala na ako sayo.]

Nagu-guilty ako sa mga nabasa kong text message.

"Manong, paliko na lang po sa may Everyone's Park. Salamat." Ang hindi ko lang alam, eh kung nandun pa sya. bahala na nga!

(To be continued..)

Square One (DaraGon Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon