CHAPTER 12 Cat and Dog

586 27 2
                                        

Kinabukasan..

JD's POV

"Nasaan na daw sila Sandy?" Tanong ko kay Sky.

"Nagriritwal pa daw sila. Mauna na daw tayo sa resto tapos i-order na rin daw natin sila ng pagkain."
Hindi sana ako papayag kaya lang nagpumilit na si Lei kasi gutom na daw sya. Tsk!

After 10 minutes...
"Wow! Chicks!" Sabi ni Lei tapos sumipol pa. Tsk! Manyak talaga.

"Oh nandyan na pala sila eh." Sabi naman ni Sky kaya napalingon ako.

What the fck! Ano yang suot nya? Tiningnan ko yung mga lalaki sa resto at lahat halos nakatingin sa kanilang dalawa pati na rin itong sila Sky at Lei.
Tsk! Ito ang ayaw ko eh.

"What the hell are you wearing?" Paglapit na paglapit nila, ayan agad ang tanong ko kay Sandy.

"Swimsuit? Kasi sa pagkaka-alam ko nasa beach po tayo." Sarcastic nyang sabi.

"May extra akong damit dun, magpalit ka."

"Ptf. KJ! Bahala ka sa buhay mo. Hindi ako magpapalit dahil sinabi mo lang. Bakit naman kita susundin? Ano ba kita?" Sabi nya sabay upo.

"I'm your BOYFRIEND."

"Correction, Del Fierro! acting boyfriend. Ikaw lang naman ang nagca-claim na boyfriend kita."

"But you kissed me." Sabi ko.

Nanlaki naman ang mata nya.
Tiningnan ko naman yung mga kasama namin sa table, lahat nakatingin sa aming dalawa. Tahimik lang silang nakikinig sa amin. Tsk! Mga tsismoso. -_-

"Hehe. Nagjo-joke lang sya, hindi totoo yun." Psh. Nagde-deny pa!

"Oh really? You're the one who initiated that kiss. Nakalimutan mo na ba? Gusto mong i-re-enact natin?" I said while grinning.

"Heh! Magtigil ka! Kainis! Hindi maka-move on dun, sabi na ngang walang feeling yun eh." Sabi nya ng naiinis. She's too cute. "What? Kung maka-tingin kayo parang I commit a sin. Kumain na nga tayo. Bine-beast mode nyo ako." Sabi nya sa tatlo. Ako naman ngiting-ngiti lang.

SANDY's POV

After namin kumain, tumakas na ako. kukulitin na naman kasi ako ng JD na yun eh. Tinanong nya kung saan daw ako pupunta, sabi ko mag-c-cr lang pero hindi ko na sya binalikan.
Idagdag nyo pa yung isang hipon na tingin ng tingin sa lugar namin, I mean sa tatlo especially kay JD. Hindi ako nagseselos o ano? Nakaka-irita lang talaga kapag may nakikita akong malalanding hipon sa paligid. Although, favorite ko ang sinigang na hipon.

Bahala sya sa buhay nya! Para syang nanalo sa lotto kapag inaasar nya ako.

Buti naman hindi na sya nag tanong pa tungkol kagabi kasi hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko.

Nag-ikot-ikot muna ako, at nung medyo naiinggit na ako sa mga taong nakatampisaw sa dagat, napagpasyahan kong mag-swimming na rin.
Nakapag-lotion na ako, naglagayan kami ni Avah kanina kaya matagal kaming bumaba. Pinili kong lugar yung hindi masyadong matao para walang iistorbo. Haha.

At habang ine-enjoy ko ang pagbabad sa dagat, may bigla namang nagsalita sa tenga ko.

"Hey!" Sino pa nga ba?

"Anong ginagawa mo dito?"

"Let me think." Sabi nya sabay hawak sa baba nya. "Magsu-swimming?" Sabi nya habang nakangisi.

"Tsk! Alam ko. Pero ang lawak-lawak ng lugar bakit dito ka pumunta?"

"Dito ko gusto eh. Bawal na ba? nabili mo na ba to?"

"Oo! Kanina lang. Hindi ka ba na-inform?" At talagang mag-aaway kami sa katirikan ng araw habang nakababad sa dagat?

"Tsk! Sungit. Meron ka ba?" Ang daming pwedeng itanong yun pa?

"Pervert!"

"I'm just asking. Anong manyak dun?" Sabi nya habang natatawa.

"Eh ano namang..." Naputol ang pagbabangayan namin ng may biglang tumili.

Napalingon ako sa lugar kung saan yung tumitili and I saw someone na nalulunod.

"May nalulunod" Sabi ko. Lalanguyin ko na sana kasi kami lang ang tao na pwedeng tumulong dun, pero may pumigil sa akin.

"Where are you going?" Sabi nya, kapit-kapit ang braso ko habang naka-kunot pa ang noo nya.

"May nangangailangan ng tulong ko." Ok. Medyo tonong superhero ang nasabi ko pero hindi ito oras mag-joke, ano ba Sandy?!

"Stay here. No. Umahon ka na. Wait for me there." Tinuro nya sa akin yung puno sa na malapit sa shore tapos lumangoy na sya papunta dun sa nalulunod. Ako naman, sinunod ko na ang utos ng tatay este ni JD.

At habang sinasagip nya yung nalulunod, isa lang ang na-realized ko... hanggang waist ko lang yung lalim ng tubig. Imagine, 5'3" ang height ko guys. -_-

Pagkalapit ni JD sa pwesto ko, ibinaba nya na agad yung babae. Teka! Namumukhaan ko to ah. Sya yung girl na tingin ng tingin kay JD sa resto kanina.

At sa tingin ko may foul play na nagaganap. Ayoko man mag-isip ng kung anuman sa sitwasyon na ganito pero...

"Alis dyan! Ako na ang magre-revive sa kanya. Nag-training ako sa mga ganito kaya mas alam ko ang gagawin." Sabi ko kay JD nung akmang i-c-CPR nya na yung girl.

Hindi naman sya nagreklamo. Nagpalit na kami ng pwesto. I-c-CPR ko pa lang yung girl pero umubo-ubo na sya. Tapos naggising na sya. Ahh... alam na this!

"Miss are you okay?" Tanong ni JD sa babae.

"What happened?" Sus! What happened daw? Ipaalala ko nga.

"Nalunod ka sa hanggang baywang na taas ng tubig. Next time kung gusto mong magpakamatay dun ka sa medyo lagpas tao ang taas." Tapos umalis na ako.
Maya-maya narinig kong sinusundan ako ni JD.

"Hey! Wait!" Hindi ako tumigil. Napapansin ko kanina pa to pala utos ah.

"Hindi ka hihinto? Kapag naabutan kita, hahalikan kita!" Sht! Ayoko nga! Kaya ayun, huminto ako. Kainis na pangba-blackmail yan!

"Bakit naman ganun yung sinabi mo sa babae? Sya na nga tong nalunod eh."

"Seriously? Tanga lang ang malulunod sa ganun kababaw. At bakit sumunod ka pa? Sana sinamahan mo na yung babaeng yun. Kailangan nya ng CPR mo."

"You sound like a jealous girlfriend?" Bulong nya sa akin sabay lagay ng kamay nya sa waist ko.

"Ako? Selos? Asa! Hindi ako marunong magselos sa hipon." Tumawa sya and my heart melted. No. Wala lang to.

"Gusto mo ikaw na lang i-CPR ko?"

"Bakit? Ako ba yung nalunod?"

"You're blushing." Napahawak naman ako sa pisngi ko.

"Huh? Hindi noh! M-mainit lang k-kaya... ganito talaga ako rosy cheeks. Oo tama!"

"Okay. Sabi mo eh. Pero hindi naman masama ang umamin eh." Tapos hinalikan nya ako sa cheek.

Wait. Kanina ko pa napapansin ah... Lumayo ako sa kanya at tiningnan sya ng masama. Tsansing na itu!

Naglakad ulit ako papalayo. Naiinis ako, may something akong nararamdaman eh. Masama to at kailangan ko tong iwasan.

"Sandy, wait for me!" at binilisan ko pa ang lakad. Medyo patakbo na ata ang lakad ko eh. Iiwasan ko na talaga to.

***
A/N: Ayan! Medyo okay na yung update ko ngayon. Nakita ko kasi crush ko kaya may pinanghuhugutan ng kilig itong si author. Chos! Landi......

Square One (DaraGon Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon