01
"Good morning, Sandy!"
"Hi, Sandy!"
"Congrats, Sandy"
"Wow! Sandy, ang blooming mo naman."
O diba ang famous ko sa school namin, lahat binabati ako. hahaha. Joke lang. Ganito lahat ng mga makakasalubong ko sa school. Pwede na nga akong bigyan ng award bilang Ms. Congeniality eh. Haha.
Pero di ko gets ngayon kung bakit iba yata yung bati nila sa akin. I mean parang may something sa mga smile nila. Tapos may nag-congrats pa sa akin kanina. May hindi ba ako alam?
"Saaaaandy!" That's Avah, bestfriend ko.
"Ang ingay mo, nakakahiya. Nasa loob tayo ng school." Saway ko kay Avah.
"That's okay. Sanay naman na lahat ng tao sa akin. Anyway, congrats sayo Bebs."
"Huh? Ano bang meron? Nilabas na ba yung result ng exam?"
"Hindi pa. Pero mas interesting pa sa result ng exam yung nalaman ko. kyaaa!"
"Ano nga yun? Ang weird ng lahat ng tao ngayon huh."
"Ano ka ba! We're just happy for you. Ikaw kaya ang weird. Hindi ka pa ba napapadaan sa bulletin board?"
"Hindi pa."
"Kaya pala. Mabuti na lang na-picturan ko." Tapos nilabas nya yung phone nya at may pinabasa sya sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko...
'SANDY IS MINE AND MINE ALONE. Don't come near her or else I'll cut your throat.'
"Oh my god! He's here." Sabi ni Avah.
At kung kanina nanlaki yung mata ko sa nabasa ko, ngayon naman naniningkit na ito dahil sa taong nakikita kong papalapit sa amin.
Pagkalapit na pagkalapit nya sa amin, bigla nya akong hinalikan sa noo.
Yung schoolmates namin including Avah, kilig na kilig. Ako naman no reaction lang.
"Good morning, baby." Sabi nya habang ngiting-ngiti. What the heck!
"Halika nga sandali. Mag-uusap tayo." Sabi ko sa kanya sabay hila sa kamay nya at dinala ko sya lugar na hindi masyadong matao.
"Anong pag-uusapan natin at kailangan dito mo pa ako dinala? Sweet." Sabi nya.
"What the heck, JD! Ano to? Anong kalokohan to? Bakit sinabi mong I'm yours? No one can have me!" Bigla namang sumeryoso ang mukha nya.
"Hindi kalokohan toh, Sandy. I'm dead serious."
"No you're not. Lasing ka ba? Paano ka magiging seryoso, eh kakakilala ko lang sayo."
"But I know you."
"Itigil mo na to, JD. Wala akong nararamdaman para sayo."
"Tsk! Basted agad? Tara na, ihahatid na kita sa classroom mo." Tapos bigla nyang hinawakan ang kamay ko.
"Bitawan mo nga ako! Hindi ako pilay, kaya kong pumunta sa classroom mag-isa." Binatawan nya naman ang kamay ko.
"Mood swing." Tapos bigla nyang ginulo ang buhok ko tsaka umalis na.
-
Ang boring ng lecture namin. Bigyan ko na lang kayo ng konting background about sa mga kilalang tao dito sa school.Nangunguna ang bestfriend kong si Avah, na president ng Student Council. Pareho kaming graduating student. Ako naman, I'm just no one until JD came. Nasira ang nananahimik kong buhay. At yung kanina, si Jake Gabriel Del Fierro o mas kilala sa nickname na JD. Kahit na transferee sya, Kilala sya sa buong school kasi nga gwapo, mayaman at medyo bad boy. Yung hilig ng ibang babae ngayon. Kaibigan din nya yung anak ng may ari ng school na to na si Lei Kazuo.
At bakit nya pinagpipilitan na boyfriend ko sya? Aba malay ko sa kanya! Naging usap-usapan lang ang pagtransfer nya dito dahil daw sa girlfriend nya. Malay ko bang ako pala yun?
Kriiing~
At dahil fiction ang story na to, uwian na namin. Haha
"Grabe! Gutom na ako. May naintindihan ka ba sa lecture kanina?" Tanong ni Avah sa akin
"Ako pa tinanong mo? Syempre wala."
"OMG! Sandy, you're boyfriend is here." Avah said.
Kinilabutan naman ako bigla sa sinabi nya. At kilala ko kung sino yung tinutukoy nya.
"Why you took so long? Nakalabas na lahat ng classmates mo, ikaw nasa loob pa rin ng classroom nyo. Gutom na ko." Sabi ng nag-aalburutong si JD.
"Sinabi ko ba kasi sayong hintayin mo ako?"
"Nope. Pero dahil girlfriend kita at boyfriend mo ako, hihintayin kita."
"Sana pala mas tinagalan ko sa loob para mas matagal kang naghintay dito at lalo kang magutom. Sayang!"
"Kung paghihintayin mo ako ng mas matagal, papasukin kita sa loob at ikaw ang kakainin ko." Sabi nya. Nanlaki naman ang mata ko dun.
"Anong sabi mo?"
"Nothing. Halika na nga! Kakain pa tayo."
Ayoko sanang sumama pero kinaladkad nya ako.
Dinala nya ako sa isang Italian restaurant at sya na ang nag-order ng food sakin."Pizza?" Dismayang sabi ko.
"Why? Diba favorite mo yan?"
"Huh? Kailan pa? Chicken joy kaya ang favorite ko. Sana kasi tinanong mo ako kung saan ko gusto kumain. Hindi yung bigla mo na lang akong dadalhin kung saan. Hindi naman ako magpapalibre sayo eh."
"May amnesia ka nga pala." Sabi nya.
"Huh? Ano yun?"
JD's POV
"Wala." Sht!
"May sinabi ka eh."
"Wala nga."
"Sabihin mo muna kung ano yung sinabi mo." Ang kulit naman nito. Kung hindi ko lang to mahal eh.
"Fine! I said your beautiful. Happy now?" natahimik naman sya sa sinabi ko tapos tumingin sa labas. Cute! "Let's go, dadalhin na kita sa Jollibee." I was about to stand up pero nagsalita sya
"Paano to?" Tanong nya sa in-order ko.
"You don't like pizza, right? Hayaan mo na lang dyan."
"Huh? Pero sayang. Sige na nga, dito na lang tayo kumain. Ikaw naman ang magbabayad eh."
After namin kumain, sinabi ko na ihahatid ko na sya pauwi pero tumanggi sya. Haist. Gaya pa rin ng dati.
"Bakit ba ayaw mo magpahatid?" Tanong ko sa kanya. Kunwari hindi ko alam.
"Hindi pwede! Magagalit parents ko, strict sila."
"Bakit? Nasa right age ka naman na." Sabi ko. Gusto ko lang syang asarin. Haha.
"Walang ganun sa kanila. Basta hangga't hindi pa ako tapos ng college, BAWAL PA! Kaya pag nalaman nila na may instant boyfriend ako na gaya mo, naku! Goodbye earth ka na." Natawa naman ako sa sinabi nya.
At dahil sa makulit ako, pipilitin ko pa rin sya.
"Uhm. Hanggang sa gate na lang ng subdivision nyo? Bawal pa rin?"
"Sige na nga, ang kulit mo! Bago na lang mag-gate ng subdivision namin. Tsismoso kasi yung guard doon eh, baka i-chismis nya kila Daddy na may naghatid sakin. Baka ma-praning ang mga yun."
And that! I won! I miss this!
+++
dprincessnel: Mabuhay! Sana magustuhan nyo ang new story ko. Hello nga pala sa mga co-Applers ko.... (kaway-kaway guys!)
#KeepCalmAndSupportDARAGON
![](https://img.wattpad.com/cover/79373680-288-k844142.jpg)
BINABASA MO ANG
Square One (DaraGon Fanfic)
FanfictionSQUARE ONE .... When everything went back to ground zero. Paano kung isang araw maggising ka na lang na 'In a Relationship' ka na with someone na kakakilala mo lang. Hindi man lang kayo dumaan sa getting to know each other stage at ligawan portion...