CHAPTER 08 Out of Guilt

653 24 1
                                    


JD's POV

Sht! Nasaan na kaya yung babaeng yun? Matatadtad ko talaga ng halik yun pag nagkita kami. Pinag-aalala nya ako.
Magte-text pa sana ulit ako ng may bigla na lang huminto sa harap ko at pag-angat ko ng ulo ko, nakita ko sya. Tumayo agad ako tsaka niyakap sya.

"Pinag-alala mo ako." Sabi ko

"I'm sorry." Sabi nya tapos kumalas na ako sa yakapan namin. "Anong nangyari sa mukha mo? Bakit may pasa ka?"

"Napaaway ako kanina. Habang hinihintay kita, may babaeng lumapit sa akin at nagtanong kung anong oras na tapos bigla na lang may lumapit na lalaki tsaka ako sinuntok. Akala nya nilalandi ko yung girlfriend nya. Tss!"

"Bakit di ka lumaban? Knowing you, hindi ka papatalo." Knowing me? She remember?

"Inisip kita eh. Baka makita mo akong nakikipag-basag ng mukha. Alam kong ayaw mong makita na nakikipag away ako." Syempre, joke lang yun. Bugbog sarado sakin yung lalaki noh? Ako? Hindi lalaban? Psh!

"Baliw ka!" Nakita ko namang nag aalala sya.

"You're late. May punishment ka, remember?" Sabi ko.

Nagbibiro lang ako pero hindi ko inaasahan na seseryosohin nya. Nilapit nya ang mukha nya sa akin tsaka ako hinalikan.
Napangiti ako between our kisses. Sobrang saya ko ngayon. Siguro unti-unti nya na akong naaalala.

SANDY's POV

Naglalakad kami ni JD papunta sa parking lot kung nasaan yung kotse nya.

"Anong ngini-ngiti-ngiti mo dyan? Dadalhin na ba kita sa mental?" Tanong ko sa kanya. Di na kasi naalis yung ngiti nya. Hindi ba sya nangangalay?

"I'm just happy. Hindi ko akalain na totohanin mo yung about sa..."

"Shut up! Ginawa ko lang yun dahil na-guilty lang ako kanina. At tsaka, sa Spain normal lang yun, minsan nga ganun ang greetings nila eh."

Tapos nagulat naman ako ng bigla nyang nilapit ang mukha nya sa akin.

"Edi normal lang pala na i-kiss kita bilang greetings?"

"Bakit? Nasa Spain ba tayo? Spanish ka ba? At tsaka sinabi ko lang yun para i-explain sayo na walang feelings yung kiss na yun."

"Ah talaga?" Sabi nya tapos hinagis nya sa akin yung susi ng kotse nya. Buti nasalo ko naman.

"Huwag mo sabihing.."

"Ikaw ang mag-drive, masama ang katawan ko dahil sa pambubugbog sakin kanina. And you promised na gagamutin mo yung sugat ko. Ikaw kasi ang tagal mong dumating, pa-chix ka masyado." Tapos pumasok na sya sa sasakyan nya. Ako naman no choice.

Dumiretso kami sa condo nya, sinabi nya yung way kaya nakarating kami.

"Ganda naman dito. Ikaw lang mag-isa dito?" Sabi ko.

"Yep."

"Nasaan parents mo?"

"Singapore. With my sister."

"Aah. Ang lungkot mo naman pala." Tapos pagtingin ko sa kanya, nakahiga na sya sa sofa. Aba! Balak pa yatang magpabuhat nito.

"Hoy! Huwag ka matulog dyan, dun ka sa kwarto mo. Hindi kita kayang buhatin, tandaan mo kung gaano ako kapayat."
Tapos tumayo naman sya at pumunta sa kwarto nya ako naman sumunod lang.

"Nasaan yung first aid kit mo?"

"Nasa kitchen."

"Magbihis ka muna tsaka maghilamos na rin bago ko linisin yung sugat mo... mukha kang yagit!" Tapos lumabas na ako para kunin yung first aid kit nya.

Pagbalik ko nakahiga na sya sa kama nya at nakapikit. nakapagbihis na sya pero hindi sya naghilamos. May tinatago din palang ka-dugyotan ang lalaking to.

"Bakit di ka naghilamos?" Tanong ko nung makalapit na ako sa kanya. Pero di nya ako sinagot. "Hoy! Ano, pipi ka na rin?"

"Tss. I'm tired." Tingnan mo tong lalaking to! Tinapik ko nga yung pisngi nya pero hindi dun sa may part na may pasa. Teka bakit parang...

"Hala! Ang init mo! Gusto mo bang dalhin kita sa hospital?"

"I don't want to. And besides, sinabi mong gagamutin mo ako." Kasi kasalanan ko nga diba? Grabe tong taong to, ang lakas maka-konsensya.

"Kukuha muna ako ng planggana na may tubig, pupunasan kita." Pinatungan ko ng basang bimpo yung noo nya para bumaba yung lagnat nya tapos nilinis ko na rin yung sugat nya sa may bandang kilay. Wala lang sa kanya kahit na nililinis ko yung sugat nya. Hindi ba sya nasasaktan? Buhusan ko kaya ng alcohol yung sugat nya? Wahahah. Joke lang.

Bakit ganun? Kahit na madami syang pasa at may sugat pa sya sa mukha, ang gwapo pa rin nya? Hustisya po!!!

Napahinto naman ako sa pagtitig este pag lilinis ko ng sugat nya ng bigla syang nagsalita mabuti na lang hindi sya dumilat kasi mahuhuli nya akong tinititigan ko sya. Baka sabihin pa nya, pinagnanasaan ko sya. Psh!

"Di ka pa uuwi? Sorry hindi kita maihahatid." Sabi nya.

"Papauwiin mo ako ng ganitong oras? Dito na lang ako matutulog. Aalagaan na lang kita, tutal kasalanan ko naman kung bakit ka nagkasakit." Dumilat na sya at ngumiti sa nasabi ko.

"Sweet." Sabi nya. "Ouch!" Diniinan ko kasi yung bulak sa sugat nya.

"Sweet ka dyan! Na-guilty nga lang ako hindi ako concern. Magka-iba yun!" Tumawa lang sya. Ganito ba to pag nagkakasakit? Lalong lumalala ang tama sa utak.

"Di ka ba hahanapin sa inyo?"

"Wala parents ko, nasa Spain."

"Aah." Tapos pumikit na ulit sya. Sakto namang tapos na rin ako sa ginagawa ko.

"Matulog ka na."

"Sandy, tabihan mo ako dito."

"Aba! Take advantage ka naman! Hindi porket may sakit ka pagbibigyan kita sa gusto mo. Doblehin natin yung kumot mo para hindi ka na ginawin."

"Sige na! Kasalanan mo naman kung bakit ako nagkasakit eh."

"Talagang ipamumukha pa?" at hindi ko naman maintindihan ang sarili ko at tumabi ako kay JD.

"Hug me."

"Grabe ka na talaga! Gusto mong madagdagan yung pasa at sugat mo sa mukha??"

"Nilalamig ako."

"Pagbibigyan kita, pero i-promise mo na wala kang gagawing masama sa akin."

"Paano pag hindi ako nakapag-pigil?" Aba! May sakit na nga nakakapagsalita pa ng kung ano-ano.

"Then I'll hit you where it hurt the most."

"Wow! Marunong ka ng mag martial arts? Kailan ka pa naging interisado?"

"Hindi mo naitatanong, black belter kaya ako ng taekwondo sa Spain. Naku! Matulog ka na nga!"

"Sana paggising ko bukas, ikaw pa rin yung katabi ko."

"Sana wala kang gawing masama para maka-gising ka pa bukas. Good night." Tapos niyakap ko sya kasi nga giniginaw daw sya. Naku! Ano ba tong nararamdaman ko sa taong to? Hindi pwede to. Naaawa ka lang, Sandy.

***
A/N: And the Denial Queen award goes to *ten tenenen!!!! S-A-N-D-Y!!!! Wooooah! Deny pa more!

Square One (DaraGon Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon