DARA's POV
Mr. Ayala: Good morning Ms. Sandara, I'm free today. Can we meet? I can give back the painting to you.
Paano to? May lakad kami ni Sky. Sana pumayag syang sumaglit kami.
Me: Okay Mr. Ayala, just text me the address.
SKY Calling...
"Buenos dias, Dara! Nandito na ako sa hotel lobby." [Good morning]
"Buenos dias, Sky. Sige pababa na ako."
"Sorry. Kanina ka pa?"
"Hindi naman. Saan mo gustong kumain?"
"Ikaw na bahala. Uhm..after nating kumain pwede bang may dadaanan lang ako? May ime-meet lang ako."
"Sino naman? Manliligaw mo?"
"Hindi no! Actually, binili nya yung isa sa painting ko, kaya lang binabawi ko. Nakakahiya nga eh."
"Ha? Bakit mo naman binabawi?"
"Eh hindi ko naman kasi ipinagbibili. Sakto kasing wala ako nuung naka-usap nung buyer yung isa sa mga nag-a-assist dun."
"Mabuti na lang mabait yung nakabili at pumayag na bawiin yung painting mo."
"Akala mo lang, alam mo bang ilang beses kong pinilit yun. Lagi na lang daw syang busy tapos one time, sabi rin nya mag meet daw kami sa isang park pero hindi nya ako sinipot."
"Sobrang importante naman ng painting na yun sayo. Anong klaseng painting ba yun?"
"Isang butterfly. Gustong-gusto ni Sandy ang butterfly kaya nag-paint ako. Ganun ka-importante sa akin yun." Bigla namang lumalim yung inisip nya.
"Bakit?"
"May picture ka ba nung painting mo?"
"Oo. Wait lang." Tapos pinakita ko sa kanya yung painting ko. Mukha naman syang nagulat.
"Sino ba yung buyer mo? Anong pangalan?"
"Mr. Ayala, kilala mo ba?"
"H-ha? Hindi. Pero sige, i-meet natin sya."
"Thank you, Sky."
SKY's POV
Yun yung painting na nakita ko sa condo ni JD. Kaya siguro ayaw nyang paki-alaman ko. Wala daw pakialam pero may pinaplano. Nag-iba pa sya ng identity. Tsk! Huwag kaya naming puntahan ni Dara? Pag-tripan ko kaya?
Nandito na kami ni Dara sa isang restaurant, nagkwentuhan lang kami.
"Sa makalawa na alis mo. Hindi ka ba mag-e-extend?"
"Para saan naman ako mag-e-extend?"
"Para saming mga kaibigan mo."
"May internet naman. O kaya, kayo na lang yung pumunta sa Spain para maiba."
"Pwede rin. Kamusta na parents mo? Strict pa rin ba sila?"
"Kay Sandy lang naman sila strict kasi favorite nila yun. Nakakatawa no? Kasi kahit na twins kami, may favoritism. Pero okay lang, atleast kami ni Sandy super close."
"I hope you don't mind and sorry if I'm going to ask this question. Bakit ka nagpanggap na ikaw si Sandy?"
"It's okay. Nung nasa Spain kami, ramdam ko kung gaano kalungkot si Sandy. Parang ayaw nya talagang iwanan ang Pilipinas. And as her twin sister, I'm always there for her. Hindi ko sya iniwan, kahit ultimong pagtulog magkatabi kami. One day, sobrang excited akong gisingin sya kasi that day is our birthday at dun ko sana ibibigay yung painting ko bilang gift. Pero hindi ko sya magising. Akala ko, pinaglalaruan nya lang ako pero nung hinawakan ko yung pulse nya, hindi na tumitibok." Napahinto sya sa pagkukwento para huminga ng konti.
"Sobrang bilis lang ng pangyayari. Lahat kami nagulat sa bigla nyang pagkawala. At ang sobrang nasaktan dun si Mommy because Sandy is her favorite. Hindi kinaya ni Mommy ang depression nya, when she saw me, inakala nyang ako si Sandy. You know how painful it is? na sa tabi mo namatay ang kapatid mo tapos hindi ka pa ma-recognized ng sarili mong ina. Cassandra killed herself and not because of the car accident that everyone knows. Ipinalabas lang yun ni papa para mapagtakpan namin yung nangyari kay mama at para mapaniwala na ako talaga si Sandy na nagka-amnesia lang. Pumayag akong gawin yun because I really love my Mom. Hindi ko na inisip na may mga kaibigan. At never sumagi sa isip ko na may boyfriend, I mean ex sya. Kaya nga ako todo iwas sa inyo noon lalo na kay JD."
"I'm sorry. Hindi namin alam."
"It's okay, wala kang kasalanan."
"Stop crying. Baka akala nila nag aaway tayo." Nakatingin na kasi sa amin yung mga tao.
"Sorry." Sabi nya sabay punas ng luha nya. Inabutan ko naman sya ng tubig.
"Paano kung hindi mo mabawi yung painting?"
"Actually, matagal ko ng gustong sumuko kundi lang dahil kay Sandy. Pero kung ayaw talaga ibigay ni Mr. Ayala, siguro susuko na ako. At tsaka malapit na rin naman akong umalis."
"Tara!" Sabi ko sabay hawak sa wrist nya.
"Saan tayo pupunta?"
"Sa favorite na puntahan ni Sandy."
Pagdating namin dun, kumunot ang noo nya.
"Seriously? Favorite nya tong puntahan? Eh ano namang makikita dito bukod sa pader na puro vandal lang ang nakasulat?" Natawa naman ako sa kanya.
"Magandang place to dati."
"Bakit dito kayo pumupunta?"
"Para mag vandal. Dyan nya nilalabas lahat ng gusto nyang sabihin pag nalulungkot sya. Tingnan mo, may mga sulat sya sito." Tapos binasa nya.
'I love you, Jake Gabriel Del Fierro!'
'Even though you're really strict, I still love you.'
'I really miss you! Sending my hug and kisses to Spain.'
"Akala ko kung para kanino yang isinulat nya, yun pala para sayo. Sabi nya nun, may kakilala syang magaling na artist at ipapa-mural daw nya dito lahat ng mga masasayang memories nya kasama ng mga taong mahal nya."
"Sinabi nya yun?"
"Yep. Paano ba yan? Mukhang binigyan ka ng trabaho ng kapatid mo bago mamatay. Kaya kung ako sayo, kalimutan mo na yung painting sa Mr. Ayala na yun."
"That girl." Sabi nya ng naka-ngiti habang nakatitig sa wall.
"May naiisip ka na bang gagawin?"
"Meron na."
"Matapos mo kaya ng 2 days yan? E diba aalis ka na?"
"Babalik kaagad ako ng Pilipinas para mapagbigyan yung hiling nya."
"Talaga?"
"Oo. Kaya promise me that you will help me."
"Sure. Pero may hihingiin akong condition sayo."
"Ano yun?" Tanong ko.
+++
Nag double update ako today... Wala lang. Masaya lang ako. Hihihi
BINABASA MO ANG
Square One (DaraGon Fanfic)
FanfictionSQUARE ONE .... When everything went back to ground zero. Paano kung isang araw maggising ka na lang na 'In a Relationship' ka na with someone na kakakilala mo lang. Hindi man lang kayo dumaan sa getting to know each other stage at ligawan portion...
