Pag uwi ko, nagulat ako sa bumungad sa akin..
"Papa??" O_O
"Bakit parang nakakita ka ng multo?" Tanong ni nya sakin.
"N-nothing. Kailan pa po kayo nakabalik?"
"Kanina lang. Saktong pag alis mo ng bahay, dumating ako. Have a sit. May pag uusapan tayo." Sht! Bigla akong kinabahan.
"A-ano pong pag uusapan natin?"
"Diba sabi kong layuan mo sya? Bakit nakikipag kita ka sa kanya? At pinapasok mo pa sya sa bahay." Alam ko kung sino ang tinutukoy nya. Si JD.
"H-how did---"
"How did I know? Hindi mo yata ako kilala, marami akong mata sa paligid. Lahat ng ginawa at pinupuntahan mo, alam ko."
"S-sorry po."
"My gahd! Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Saglit mo lang gagawin to, hindi mo pa ako mapagbigyan. Gaano ba kahirap ang hinihiling namin sayo? Don't tell me, are you fell in love with that guy? Aren't you?"
"N-no Papa. We're just friends. Nothing more than that."
"Stay away from him bago pa masira ang plano at bago ka pa matulad sa kapatid mo."
"How is she? How's Mom?"
"As usual. But the Doctor said na unti-unti na syang nagrerespond sa mga gamot na binibigay sa kanya."
"Thank God."
"Alam kong nahihirapan ka na sa sitwasyon mo, lahat naman tayo. As a family, ang kailangan natin magtulungan. Stay away from that guy. Kung ayaw mong pabalikin ka namin ng Spain."
"Yes Papa."
"Ayusin mo ang sarili mo." Tapos tumayo na sya.
***
1 week na akong hindi pumapasok. Yun lang ang alam kong way para iwasan si JD. Kahit ano naman kasing sabihin ko dun, sya pa rin ang masusunod. Dine-activate ko ang facebook ko, nagpalit ako ng number, at binilin ko na sa maids na kapag pumunta sya sa bahay sabihin na wala ako. well, wala naman talaga ako sa bahay. So, kahit halughugin nya yun, wala syang mahahanap.
*Kriiiing~ kriing~
"Yes po Manang?"
[Maam, may nangyari po dito sa bahay?]
"Huh? Anong nangyari? Pinasok ba tayo ng magnanakaw?"
[H-hindi po. A-ano po...]
Ramdam ko naman ang nerbyos ng kausap ko sakabilang linya.
"Wait! Manang, kalma po. Ano pong nangyari?
[Nagpunta po dito yung lalaking gwapong masungit, hinahanap po kayo. Sinabi ko pong wala kayo dito. Pero ayaw pong maniwala, nagpumilit pong pumasok. Nagsisigaw po habang hinahanap kayo. Nung malaman po nyang wala po talaga kayo nagwala na po sya, pinaghahagis po nya yung mga gamit dito at binasag yung vase collection ng mommy mo. Sa sobrang takot po namin, tumawag na po kami ng pulis.]
The nerve of that guy!
"Tama lang po yung ginawa nyo. Pumunta po muna kayo dito sa ospital para magbantay, ako na pong bahala pumunta sa presinto. Wala naman po bang nasaktan sa inyo?"
[Wala naman po.]
"Sige po."
Hinintay kong dumating si manang tapos umalis na agad ako at pumunta sa presintong sinabi nya.
Nakipag areglo ako sa mga pulis, sinabi kong hindi na ako magsasampa ng kaso kaya pinalabas na sya. Pagka-kita ko sa kanya, ang itim ng aura nya. Hindi ko na lang yun pinansin kasi galit din ako sa kanya.
Lumabas ako ng presinto at pumunta ng parking lot. Ramdam ko namang sinusundan nya ako. Nang makarating na kami sa tapat ng kotse ko, nagsalita sya.
"I'm glad you came." Sabi nya sabay smirk.
Ramdam ko ang tensyon sa aming dalawa.
"Anong pumasok sa kokote mo at ginawa mo yun?"
"Kung hindi ko pa ginawa yun, hindi ka magpapakita sa akin."
"At proud ka pa?! Kung hindi ka nanggulo sa bahay, hindi sana ako mahihirapan ng ganito."
"So, it's my fault again? Bakit ba hindi ka nagparamdam bigla? Last time we're together, okay pa tayo. Tapos biglang ganito? Hindi ka na pumapasok, nagpalit ka pa ng number, wala ka pa sa inyo."
"I need space." Sabi ko. Hindi ako makatingin sa kanya.
"That's bullsh*t, Sandy! Space for what? May naggawa ba ako? Tell me!" Frustrated na tanong nya
"Kailangan kong makapag-isip-isip."
"Tell me, Sandy. Nagsisisi ka ba na naging tayo?" Hindi pa rin ako makatingin sa kanya.
"This is nonsense. Pagod na ako JD, next time na lang tayo mag usap pag parehong malamig na ang ulo natin."
"And then what? Lalayuan mo na naman ako? Iiwasan?"
"Please. Not now. Sobrang dami ko ng problema, wag ka namang dumagdag pa. Nahihirapan na ako."
"Sa tingin mo ba hindi rin ako nahihirapan?"
"Nag-tresspassed ka sa bahay, nagwala, nanira ng gamit. Saan ka nahirapan dun? Alam mo, Mr. Del Fierro, nakakapagod yang ugali mo, yung pagiging bossy mo, short-tempered na wala naman sa lugar, nakaka-inis yung pagiging possessive mo. Space lang ang kailangan ko, kasi sakal na sakal na ako sayo. At sa ginawa mo kanina, mas pinadali mo ang pagde-decide ko na tapusin na toh."
"WHAT?? Tell me, parents mo na naman ba ang dahilan? Pinalalayo ka na naman ba nila sa akin?"
"Hindi. It's my decision. I'm breaking up with you." Nakita ko namang nagulat sya sa sinabi ko. Nagtaka ako ng bigla syang nag smirk.
"And what made you think na papayag ako?"
"I don't need your permission, it's my decision because I have my own f*cking life. Now, get your own, dumbass!" Sumakay na ako sa sasakyan at pinaharurot yung sasakyan.
Habang nagda-drive ako, panay tulo ng luha ko. Hininto ko muna yung sasakyan kasi hindi ko na kayang kontrolin yung emosyon ko.
*Kriiing~
Daddy's Calling...Huminga ako ng malalim bago ko sagutin ang phone, baka makahalata eh.
"Yes, Dad."
[Where are you?]
"May inasikaso lang po. Bakit po?"
[Dara, you're Mom is looking for you. Pumunta ka na agad dito.]
At yun ang nagpahagulgol sa akin. I need to pretend again.
+++
Kinikilig talaga ako dyan! Sheeeet!!! Hahahahah. 👉🏻🍎👈🏻
BINABASA MO ANG
Square One (DaraGon Fanfic)
FanficSQUARE ONE .... When everything went back to ground zero. Paano kung isang araw maggising ka na lang na 'In a Relationship' ka na with someone na kakakilala mo lang. Hindi man lang kayo dumaan sa getting to know each other stage at ligawan portion...