I heard JD is back! Akala ko bukas pa pero nagulat ako ng tinext ako ni Avah na nakabalik na pala sila ni Basty. Dumiretso daw sila sa company nila kasi may emergency meeting daw.
Nakakatampo kasi hindi man lang nya sinabi sa akin pero mas nami-miss ko sya kesa sa naiinis sa kanya kaya pupunta ako sa company nila. Gusto ko syang yakapin.
"Good afternoon, Maam Sandara." Bati nung receptionist sa akin.
"Good afternoon din."
"Nandyan na po sila Sir JD. Nagme-meeting lang po sila. Diretso na lang po kayo sa office nya, pahintay na lang po sya dun."
"Salamat."
Pagkasakay ko sa elevator ay pinindot ko na ang button sa 17th flr. Noong una, tatlo lang kaming nakasakay, pero habang humihinto sa bawat floor, padagdag ng padagdag ang mga nakakasakay ko hanggang napunta na ako sa likuran.
At lalong sumikip yung pwesto ko nang biglang magsi-tabi ang mga tao papunta sa gilid at pwesto ko, sapat na para magkaroon ng maluwag na space sa gitna.
Tss. Sino ba tong mga sumakay na to at kailangan pang may special treatment? Hindi ko makita kung sino yung mga sumakay kasi nasa pinaka-likod ako at tsaka hello, ang liit ko kaya. 😢
"Good Afternoon, Sir JD. Good afternoon, Maam Soee." Bati nung mga empleyado. So, si JD yung sumakay.
Pinilit kong sumilip sa taong nakatalikod sa unahan at may katabi sya... yung Soee. Malamang hindi nya ako napansin kasi nga nasa dulo ako. At tsaka hindi nya naman binati pabalik yung mga empleyado nya. Suplado!
Ayoko syang tawagin kasi ayokong maka-agaw ng atensyon. Bumaba na sila nung Soee sa may 12th floor. Hintayin ko na lang sya sa office nya.Pagdating ko sa 17th floor, umupo ako sa may upuan dun sa gilid. Ayoko namang pumasok sa loob ng office nya baka magalit sya.
Habang hinihintay ko si JD. Naalala ko si Soee, kahit nakatalikod sya kanina at hindi ko masyadong nakita ang mukha nya, kitang-kita na alagang-derma at spa ang porselana nyang kutis at yung hubog pa ng katawan nya, kahit sinong lalaki mapapalingon eh.
Nakaramdam ako ng konting inggit nung magkatabi sila ni JD. Masakit mang aminin pero bagay silang tingnan. At alam kong wala akong karapatang magselos kasi hindi naman kami ni JD.
"Hey, Dara! You're here. Bakit hindi ka pumasok sa loob?" Si Lei.
Buti na lang dumating sya kahit papano hindi mapapanis yung laway ko. 45 minutes na kasi akong naghihintay dito.
"Wala naman si JD dyan eh."
"Hindi pa ba tapos yung meeting nila. Kanina ka pa ba dyan?" Sasabihin ko ba?
"Hindi naman. Nabalitaan ko kasing nakabalik na pala sya from Singapore kaya pinuntahan ko sya."
"Singapore? Ah... oo tama! Sa Singapore sya pumunta. Hehe." May tinatago ba tong si Lei sa akin? Lalo tuloy akong naiinis kasi mukhang wala akong mapapala sa pagpunta ko dito.
"Mauna na ako, Lei. Pasabi na lang kay JD na dumaan ako." Sabi ko na lang at tsaka ako umalis.
Pagkasakay ko ng elevator, pinagtitinginan ako ng mga taong nasa elevator. Siguro, dahil na rin sa itsura ko. Hindi na kasi maipinta ang pagmumukha ko. Naiinis na kasi talaga ako.
Pagdating ko sa lobby sakto namang nakita ko si JD at si Soee na kakapasok lang ng building. So, lumabas pala sila? Akala ko ba may meeting sila? Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at nagtago ako sa halaman na malapit sa tabi ko.
Nagtatawanan sila habang hinihintay ang pagbukas ng elevator. Nung nakapasok na sila ng elevator, dali-dali akong umalis sa pinagtataguan ko at lumabas na ng building nila.
At ang nakadagdag pa ng inis ko, wala akong masakyang taxi. Pati ba naman taxi, paghihintayin ako? tsk!"Dee!" Nung marinig ko yung boses na yun, lalong nagmadali akong mag-para ng taxi pero puro may sakay.
"Dee!" Sabi nya na naman pero hindi ako lumingon. Kunwari hindi ko sya naririnig.
"There you are!" Sabi nya habang hawak-hawak ako sa braso ko. Parang nakahuli sya ng isda sa boses nya."Hindi ka man lang nagpasabi na darating ka."
"I'm sorry." Sabi ko ng hindi pa rin sya nililingon.
"Kung hindi pa ako tinawagan ni Lei na nandito ka, I wouldn't know that you're here. You should have called me."
"Nasa meeting ka daw kaya hindi na kita tinawagan baka kasi MAISTORBO KO PA KAYO." In-emphasize ko talaga yun.
"No. Hindi ka nakaka-istorbo."
Pinilit nya akong ipaharap sa kanya. At nung makita nyang namumuo yung mga luha ko...
"Sht! Why are you crying?" Tanong nya tsaka nya hinawakan yung pisngi ko at pinunasan yung mga luha ko.
Niyakap nya ako sandali tapos pumasok kami sa building nila. Nakayuko lang ako dahil ayokong makita ako ng mga empleyado na umiiyak. Naka-akbay si JD sa akin habang naglalakad kami. Pagdating namin sa tapat ng elevator sumakay agad kami pero nakakapag-taka na walang ibang sumakay bukod sa akin."They're giving us privacy." Bulong ni JD sa akin nung sumara na yung elevator.
Pagdating namin sa office nya, magkatabi kaming naka-upo sa couch.
"Kanina ka pa ba naghihintay sa akin?"
"Tinawagan ako ni Avah na dumating na daw kayo ni Basty kaya pumunta ako dito para makita ka at yayain ka sanang kumain. Kaso wrong timing yata kasi mukhang nakakain ka na."
"Hindi pa ako kumakain."
"So, anong ginawa nyo sa labas ng Soee na yun?"
"Hinatid lang namin yung client. Wait. Nakita mo kami?"
"Sorry. Hindi ko sinasadya. Hindi ko dapat nakita yun."
"Are you mad at me?"
"Hindi. Hindi ako galit sayo."
"Then are you jealous?" Tumingin ako sa kanya pero inalis ko rin yun.
May dapat ba akong ika-selos? Wala, Dara! Hindi kayo, kaya wala kang paki-alam. Malaya si JD na gawin ang gusto nya dahil single sya. Pero bakit ba ako nagkakaganito?
"I'm sorry for the way I acted a while ago. I shouldn't do that. Wala kasi akong karapatang magalit o pigilan ka kung sino man ang babaeng gusto mong kasama. But I've realized..."
"You realized what?" Tiningnan ko sya at halatang-halata sa mukha nya na gusto nyang marinig yung sunod na sasabihin ko.
"I've realized that I don't want to see you with other girls aside from me. I'm jealous. Alam ko na yung feeling kung bakit nagiging dragon ka kapag nagseselos ka." Nginitian nya lang ako. "Huwag mo kong ngitian. This is a serious matter, Del Fierro." Pinisil nya yung ilong ko.
"I'm just glad dahil nalaman kong nagseselos ka pala kaya ka nagkakaganyan."
"Syempre, mahal na mahal kita eh."
"What did you just say?"
"Te amo, JD." Sabi ko. nahihiya kasi akong ulitin.
Eh sabi naman ng Daddy nya hindi sya nakaka-intindi ng Spanish kaya trinanslate ko lang sa Spanish.
"Te quiero mucho, Dara." [I love you so much, Dara]
"Me entiendes?" [Do you understand me?] Try ko nga baka yun lang ang alam nya.
"Por supuesto, mi amor" [Of course, my love]
"Como? I mean, paano?"
"I am studying Spanish for you. So, are you officially my girl?"
"Haha. Oo."
"Yes! Thank you, My love!"
"Thank you din kasi hindi ka sumuko sa akin."
+++
A/N: Ayeeee! Official na sila! Sana in real life din! Wahahaha.
May bago ako story, MADLY SMITTEN
Medyo mature story na sya. Tsaka di na sya KPop related. Sana po suportahan nyo. Labyu 😘😘
![](https://img.wattpad.com/cover/79373680-288-k844142.jpg)
BINABASA MO ANG
Square One (DaraGon Fanfic)
FanfictionSQUARE ONE .... When everything went back to ground zero. Paano kung isang araw maggising ka na lang na 'In a Relationship' ka na with someone na kakakilala mo lang. Hindi man lang kayo dumaan sa getting to know each other stage at ligawan portion...