EPILOGUE
After 1 year...
Nagluto ako ng adobo at balak kong dalhin sa bahay nila JD. Sabi nya hindi daw sya pumasok sa office tinatamad daw syang lumabas ng bahay kaya dun na lang sya nagta-trabaho sa bahay nila. Iba talaga ang naggagawa pag boss.
Actually, I don't know how to cook pinanuod ko lang yung nasa youtube kanina at sinundan ko. Hindi ko na tinikman kasi tiwala naman ako sa lasa dahil sinunod ko naman lahat ng sinabi nung chef.
Pagdating ko sa kanila, sinalin ko muna sa pinggan para naman presentableng tignan. Nakiki-alam na ako ng mga gamit nila dito, feel at home lang. Hahaha.
Nang makapasok na ako sa loob ng office nya, wala naman sya dun. Nilapag ko sa table yung dala kong adobo para hanapin sya. Bakit kasi mukhang library tong office nya sa bahay? Ang laki-laki.
Pumunta ako sa may bookshelf baka kasi andun sya naghahanap ng books. Nung malibot ko na buong library este bookshelf, wala akong nakitang JD.
"Badtrip! Tinataguan yata ako nun ah." Saktong pagka-ikot ko para sana kunin ulit yung adobo sa table nya, nagulat ako ng bigla nya akong hinalikan.
"Hi." Sabi nya habang naka-ngiti.
"Hi mo mukha mo! Saan ka nanggaling? Tinataguan mo ba ako?"
"Hindi ah. When you texted me na papunta ka na dito naligo agad ako. Ano na naman yung dinala mo? Super roasted chicken?" Tanong nya habang papalapit kami sa table nya kung nasan yung adobo ko. Hinampas ko nga. Tinawag nyang sunog na inihaw na manok yung adobo ko!
"Ouch! What was that for?" Tanong nya pero natatawa naman sya. Nang aasar talaga ang isang to.
"How dare you to call it super roasted chicken? Adobo yan!"
"Huh? Really? Akala ko super roasted chicken. Bakit kasi parang tuyong-tuyo na? Hindi tuloy mukhang adobo." Sabi nya at hindi pa rin maalis yung nakakaloko nyang mukha habang tinititigan yung niluto ko.
"Sige. Insulto pa. Buti nga pinagluto pa kita. Hindi ka man lang mag thank you kasi nag effort ako para sayo. Wala ka talagang kasing-sama! Sana hindi mo matapos yang ginagawa mo." Bigla naman syang sumimangot at umupo dun sa swivel chair nya at itinuon ang tingin sa folder na nasa desk nya.
Oh? Nagtampo?. Sya naman kasi inaasar ako eh.
"Hindi ka ba kakain?" Tanong ko pero hindi nya ako sinagot.
Galit nga yata? Diba dapat ako ang magalit kasi ininsulto nya yung luto ko? hay naku! Bipolar talaga.
"Sorry na. Huwag ka ng magalit. Bati na tayo." Hindi pa rin nya ako pinapansin. Inangat nya yung folder at tinakpan yung mukha nya. Aba! Hinahamon ako nito ah.
"Grabe ka. Nasabihan ka lang ng kung ano, nagtampo ka na. Ikaw nga tong nagsimula, nilait mo yung niluto ko para sayo."
Tinignan nya ako saglit tapos binalik nya ulit yung tingin nya sa binabasa nyang folder.
Di na ako nakatiis, Lumapit ako sa kanya...
"Hindi mo talaga ako papansinin? Sorry na nga eh." NR pa rin. Binaba nya na yung binabasa nya at tumingin naman sa laptop nya. "Sorry na, please. Kausapin mo na ako."
Naiinis na ako kaya pinilit kong ikutin paharap sa akin yung swivel chair nya kahit ang bigat nya.
"What the?!" Sabi nya. Di nya kasi in-expect yung ginawa ko. hahah. Huminga ako ng malalim tapos nginitian ko sya.
"I love you." Pero poker face pa rin sya.
Hala! Walang talab? Dati naman pag sinabi ko yun okay na kami eh.
BINABASA MO ANG
Square One (DaraGon Fanfic)
FanficSQUARE ONE .... When everything went back to ground zero. Paano kung isang araw maggising ka na lang na 'In a Relationship' ka na with someone na kakakilala mo lang. Hindi man lang kayo dumaan sa getting to know each other stage at ligawan portion...
