CHAPTER 31 I'm sorry

514 19 2
                                        


DARA's POV

Kasama ko si Avah ngayon na nago-grocery. Sinamahan ko sya. Nagpapaka-wife ang bestfriend ko. at habang namimili kami, nagra-rant ako sa kanya about sa nalaman ko.

"Ang kapal talaga ng mukha nya! Never kong in-expect na ganun ang gagawin nya?" Sabi ko habanag tulak ko yung push cart.

"And so?" sabi nya habang busy'ng-busy kung anong pipiliin nyang brand ng cream cheese.

"Huwag yan, hindi masarap yan. Yung isa ang piliin mo." Sabi ko. Natikman ko na kasi yun.

"Ok. Ano nga yung kinukwento mo?"

"Seriously, Avah?"

"Hahaha. I'm just kidding. Chill ka lang, okay?" Tapos tumingin-tingin na naman sya ng dadamputin nya.

"Chill? How? Alam mo bang sya yung dahilan kung bakit hindi ako nakapunta sa wedding ceremony mo? Sabi nya kasi magmeet kami at ibabalik nya na ang painting ko."

"Kaya pala pareho kayong wala. Akala ko naman nag date na kayong dalawa kaya hindi ka na nakasipot. Ano ng plano mo?"

"Tatapusin ko yung mural na ginagawa ko tapos babawiin ko yung painting ko sa kanya. And then, babalik na ako sa Spain."

"So, walang reconciliation na mangyayari bago ka umalis? Forever aso't pusa ang peg nyong dalawa?"

"Paano kami magkakaayos kung sya mismo hindi maka-move on sa mga ginawa ko sa kanya. Bahala nga sya. Basta kailangan kong mabawi yung painting ko sa kanya."

"Hindi mo ba naisip na yung painting na yun ang gumagawa ng way para maging okay na kayo ni JD? Come to think of it, Dara. Diba that painting was supposed to be your gift to Sandy, but something came up. Baka nga si Sandy pa ang may pakana nun eh."

"What do you mean?"

"Gusto na kayong pag batiin ni Sandy. Nagkaroon ulit kayo ng communication ni JD dahil sa painting."

"Imposible."

"Alam mo ba minsan, sinasabi ko kay Sandy na multuhin nya kayong dalawa para tigilan nyo na yung drama nyo. Nakaka-stress kayo! Buti na lang hindi pa ako preggy, dahil ayaw ko kayong paglihian. Baka magmana ang magiging anak ko sa inyo, parehong matigas ang ulo!"

Pagkatapos naming mag grocery, dumiretso na kami sa bahay nila para naman tulungan ko syang magluto. Wala din kasi si Basty nasa work pa.

"Hi, Hon! Yes, I'm with Dara. Sinamahan nya ako kanina mag grocery tapos tutulungan nya akong magluto. Talaga? Okay. Bye. I love you too." Pagbaba nya ng phone nya kilig na kilig pa rin ang bruha.

"Edi kayo ng sweet."

"Inggit ka lang."

"Me? Excuse me! Bakit naman ako maiingggit? Mas masarap kaya ang buhay ng single."

"Hindi rin. Ikaw kasi, kung itinigil nyo na yang drama nyong dalawa ni JD, eh di sana may karamay ako sa nararamdaman kong kilig ngayon."

"Huwag mo ngang mabanggit ulit ang pangalan ng kumag na yun. Lalo lang kumukulo ang dugo ko. ano bang sinabi ni Basty?"

"Damihan daw natin yung lulutuin natin for dinner kasi baka maparami daw yung kain nya at maubusan ka daw nya. Hahah."

"Buti na lang kayong dalawa ang nakatuluyan. Bagay talaga kayo, pareho kayong matakaw."

Natapos na kaming magluto at ang sabi ni Avah pauwi na rin daw si Basty.

*Beep!

I think nandyan na si Basty.

"They're here!" Aniya

"Huh? They? Sino kasama nya?" Hindi ako pinansin ni Avah at dire-diretso lang syang lumabas para salubungin ang asawa nya.

"Hi, Dara." Bati ni Basty pagpasok nila. Tumango lang ako at ngumiti.

Pero nawala yung ngiti ko at napalitan ng pagka-kunot ng noo nang makita ko kung sino ang nasa likod ni Basty.

"Bebs, I think I have to go. It's getting late na baka mahirapan pa akong umuwi." Pagpapa-alam ko kay Avah.

"Huh? Diba dito ka matutulog?"

"No. I changed my mind." Tapos dinaanan ko sya kasi nasa may bandang pintuan sya.

Pero hindi natuloy yung pag alis ko ng hinawakan nya yung braso ko.

"Don't touch me." Sabi ko na pilit inaagaw yung braso ko sa kanya pero lalo lang nyang hinihigpitan.

"Dara, let's talk. Please." Hindi pa man ako nakakasagot, hinila nya na ako papunta sa garden nila Avah.

"Dara... look, I'm sorry." Hindi ko sya pinansin. Bumuntong hininga sya. "Dara, please. Kausapin mo naman ako." Halatang-halata ang frustration sa boses nya pero hindi ko pa rin sya nililingon.

"Okay, If you don't want to look at me, just please listen." He heaved a deep sigh before he start to talk again. "I'm sorry, okay? I'm really really sorry for what I've done, for hurting you, for everything. Call me stupid, jerk, idiot, dumbass, asshole, anything. You can slap me or punch me if you want. Just please forgive me. I'm sorry, I didn't know. You didn't tell me about your past."

Napalingon naman ako sa sinabi nya. Tatanungin ko kung paano nya nalaman pero nagsalita ulit sya.

"How did I know? Well, I just found out. But why you didn't tell me?"

"Para saan pa? May magbabago ba kapag sinabi ko? Maniniwala ka ba? Sa tingin ko, hindi. Kasi ikaw yung klase ng tao na kung ano ang gusto mong paniwalaan yun lang ang tatanggapin mo."

"Dara, please. I want to make it up to you. I want us to start again. Ano bang gagawin ko para mapatawad mo ako?"

"Wala, JD. Wala kang gagawin."

I saw disbelief written on his face after what I said. Pero nagbago bigla yung hitsura nya.

"Hindi ako susuko, Dara. Remember that. I'll do anything para mahalin mo ulit ako. Kung kainakailangang bumalik ulit ako sa umpisa, gagawin ko. Huwag ka ng umalis, it's getting late and it's dangerous for you if you go outside. Ako na lang ang aalis, pakisabi na lang kila Basty. " tsaka sya umalis.

+++

Square One (DaraGon Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon