SANDY's POV
"Good morning Manong guard!"
"Good morning sa inyo!"
"Good morning!"
Bati ko sa lahat ng makakasalubong ko. Halata sa mga mukha nila ang pagtataka pero binabati rin naman nila ako pabalik.
"Magandang umaga sayo Bebs!" Bati ko kay Avah sabay yakap sa kanya.
"Ack! Bitawan mo ako, hindi ako makahinga!"
"Ay sorry! Hehe."
"Wow! Na-miss ko yang smile na yan. Tagal kong hindi nakita. Lagi kasing nakakunot yung noo mo kapag nandyan si xsvyxhsvab" Hindi natuloy yung pagbanggit nya ng name ni 'He who must not be named' kasi sinubuan ko sya ng sandwich.
"Don't ruin my day."
"Psh. Bitter! Anyway, sarap ng sandwich, gawa mo?" Tumango lang ako bilang sagot. "Akin na lang huh." Sabi nya sabay kagat sa sandwich.
Sandwich kooo! Huhu. Hindi pa ako nagbe-breakfast. Bibili na lang ako mamaya pag hindi pa dumating yung prof namin.
*Kruuuu!
Tumutunog na yung tyan ko. Nagugutom na ako.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Avah, bigla kasi akong tumayo.
"Wala pa naman prof natin. Bibili muna ako ng sandwich. Kinain mo kasi baon ko."
"Baon mo ba yun? Akala ko kasi para sa akin talaga. Next time kasi dalawa na dalhin mo para hindi ka nawawalan. Pasabay pala pabili ako ng water." Psh. Sya na nga tong kumain ng baon ko, inutusan pa ako! tibay din ng buto nito!
Habang naglalakad ako papuntang canteen, nagsisi ako bigla. Sana hindi na ako lumabas, sana tiniis ko na lang yung gutom ko, sana hindi ko talaga pinakain yung sandwich ko kay Avah. Edi sana hindi ko sya makakasalubong ngayon.
Hindi ako pwedeng lumiko kasi wala akong lilikuan. Obvious naman kapag bumalik ako bigla at tsaka baka magkasabay pa kami. Haist. Huwag ko na nga lang syang titignan kapag malapit na sya.
At ayun, hindi ko nga sya tiningnan pero nakahinto naman ako sa pwesto ko. Nakalimutan kong utusan ang mga paa kong maglakad.
"Sandy!" Tapik sa akin ng schoolmate kong babae. Hindi ko sya kilala pero ako kilala nya.
"H-ha?"
"Panyo mo nabitawan mo." Sabi nya sabay abot ng panyo ko.
"Talaga? Hehe. Salamat." Sabi ko. at sa huling pagkakataon, tiningnan ko sya maglakad papalayo.
"Wala na ba kayo ni JD? Hindi kasi kayo nagpansinan eh." Akala ko concern to? Tsismosa pala. -_-
"Alis na ako. Salamat sa pagpulot ng panyo ko." Sabi ko sabay alis.
Pagdating ko sa canteen. Bumili ako ng sandwich tsaka yung tubig ni Avah. Uubusin ko muna tong sandwich ko bago bumalik sa room, mahirap na baka hingiin ni Avah.
"Sandy, anong oras na? Nakalimutan ko kasi yung relo ko eh." Tanong nung janitor.
"9am po." Patay! 9am na! Baka nandun na yung prof ko.
"Sige salamat."
Kumaripas na ako ng takbo papunta sa classroom. Nang makarating na ako. Nandun na nga yung prof namin. Nakatalikod sya. Pumayat tsaka bumata yata yung prof namin.
"Sorry Sir." Hingal na hingal na sabi ko sabay punta sa upuan ko.
Nagtataka naman ako sa mga classmates ko kasi nakatingin silang lahat sa akin, pati si Avah. Hanggang maka-upo ako, ganun pa rin ang tingin nila sa akin.
"Oh tubig mo! Anong meron?" Tanong ko kay Avah habang nakataas yung isa kong kilay.
Pero hindi na ako nasagot ni Avah ng may umismid sa harap namin.
0_0
Anong ginagawa nya dito? So, dito sya papunta nung nakasalubong ko sya? Dapat pala hindi ako bumalik agad.
"After you answer your seatwork, you can pass your paper to Avah. And Avah, pakidala na lang sa table ni Sir Ramos." Sabi nya kay Avah ako naman nakatingin lang sa kanya.
"Bakit ako? Si Sandy na lang." Pinandilatan ko ng mata si Avah. Kainis! Alam na ngang iniiwasan ko si JD eh.
"Sir Ramos assigned you." Sagot nya ulit. Hinahabol ko yung mata nya kung titingin ba sa akin pero hindi.
"Wala pang paper si Sandy." Ingay mo Avah. Letse ka!
Kumuha naman sya ng paper tapos pinaabot nya sa classmate ko. Akala ko lalapit sya para iabot sa akin. Teka nga! Bakit ba ako nag-eexpect pa? Eh diba nga ito yung gusto ko?
Pagka-hawak ko ng papel, nilapag ko agad sa desk ko tsaka pumangalumbaba ako at tinitigan ito.
"I'll go ahead." Sabi nya.
Yung mga classmates kong babae nagwe-welga pero ako hindi gumagalaw sa pwesto ko.
"Hindi mo ba kami babantayan? Baka magkopyahan kami." Sabi nung isa kong classmate na nasa harapan.
"There's no need to do that. You're old enough to know what's right or wrong. I still have my class. Excuse me." Ano daw? Tapos narinig kong sumara yung pinto. Ibig sabihin umalis na sya. Naririnig ko naman yung tantrums ng mga classmates ko.
Inangat ko yung ulo ko para ma-confirm na umalis na nga sya. Nang ma-confirm ko, bumuntong-hininga ako.
"Lalim ng sigh na yun ah." Napalingon naman ako bigla kay Avah. Nakangiti sya na parang kinikilig.
"Bakit ka nakangiti dyan?" Tanong ko.
"Wala lang."
"Oy Sandy, break na ba kayo ni JD?" Tanong bigla ng classmate ko. Tinitigan ko lang sya
"Kasama ba sa tanong ng exam yan?" Tanong naman ko.
"Eh kasi hindi kayo nagpapansinan eh. Tsaka hindi nagtagal si JD dito umalis agad sya."
"Eh diba nga may klase pa daw sya. Tsaka hindi nila kailangan mag-PDA sa harap nyo. School to hindi to park kaya wag kayong umasa na magiging sweet sila dito." Sabi ni Avah.
Taray! Pwede na syang lawyer. May silbi naman pala yung sandwich ko. hahah.
"Oo nga. Tsaka nakita nyo ba yung titig ni JD kanina kay Sandy? Nakakatunaw! Kyaaa!" Sabi nung classmate kong isa sabay kinilig bigla.
Anong pinagsasabi nila? Eh hindi nga ako matingnan sa mata kanina eh. Baka si Avah yun kanina akala nila ako.
"Thank you." Sabi ko kay Avah tapos sumagot na ako sa papel.
+++
2 chapters updated for today. Ganda ng mood ko eh. Hihi
BINABASA MO ANG
Square One (DaraGon Fanfic)
FanfictionSQUARE ONE .... When everything went back to ground zero. Paano kung isang araw maggising ka na lang na 'In a Relationship' ka na with someone na kakakilala mo lang. Hindi man lang kayo dumaan sa getting to know each other stage at ligawan portion...
