CHAPTER 24 Sky's Plan

498 24 3
                                    



JD's POV

Pumunta ako sa People's Park, mas maaga pa sa sinabi kong oras kay Dara. At kung maaga na akong pumunta, mas maaga pa pala sya. Ganun sya ka-desperadang mabawi ulit ang painting? Ano bang meron sa painting na yun?

Dalawang oras na kaming nasa People's Park at hindi pa rin ako nagpapakita sa kanya dahil wala akong balak. Hinintay kong mag text sya pero wala kaya ako na lang ang nagtext.
Nung sinabi kong hindi ako makakapunta, nakita ko kung gaano sya ka-dissapoint. After nun, umalis na ako dahil pupunta na ako sa kasal ng pinsan kong si Basty at si Avah na bestfriend nya. Alam kong pupunta sya at alam ko ring partner ko sya. Sinadya yun ng alien couple at akala nilang hindi ko malalaman?

Kaya nga wala lang sa akin kung male-late ako sa kasal nila kasi alam kong wala rin naman akong partner. At wala rin akong planong maglakad dun, unless kung ako mismo ang ikakasal.

Dumating na sya sa reception, akala ko hindi na sya pupunta. Siguro pinilit to ni Avah. Pero ano bang paki-alam ko?

Habang kinakausap kami ng bagong kasal, may babaeng lumapit. Napatinigin kaming lahat sa babaeng dumating. Tapos inalis ko na agad ang tingin ko, mahirap na baka sabihin niya tinitingnan ko sya dahil nami-miss ko sya. Tiningnan ko yung dalawa sa gilid ko, at nakatingin pa rin sila kay Dara.

Ako naman, kahit hindi naka-tingin, nakikinig ako sa usapan nila. Hindi ako tsismoso, sadyang malakas lang silang mag usap.

Nag-sorry sya sa dalawa at sinabi nyang hinika sya kaya hindi naka-attend. Napa-smirk naman ako dahil dun. Artista talaga. Ang galing umarte at gumawa ng dahilan.

Nagulat na lang ako ng bigla na lang syang naka-upo sa tabi ko? Ano namang pakulo ng asawa ng pinsan ko? Maya-maya nagsalita si Sky pambasag-katahimikan.

"So, bakit wala ka kanina?" Tanong ni Sky.

"Inatake kasi ako ng asthma ko."

"Liar!" Sabi ko.

Habang busy'ng-busy akong nakatingin sa mga picture nya kanina sa People's Park habang naghihintay

"I don't owe you an explanation." Sagot nya sa akin pero di ko sya pinansin.

"Sa amin wala. Pero dyan sa katabi mo, meron." Sky.

"At bakit? Sya ba ang partner ko?" Walang sumagot sa kanya. Maya-maya nagsalita ulit sya. "Buti na lang pala hindi ako umattend."

"As if I also want you to become my partner." Sa isip ko lang dapat yun pero napalakas yata.

"Bakit hindi mo alam na sya pala ang partner mo? Nakasulat naman sa invitation ah."

"Hindi ako binigyan ng babae na yun."

"Pero ayos lang kasi late din naman si JD dumating." Lei.

"Change topic. Yung INTERESTING naman."

"Okay. So, kamusta naman ang buhay sa Spain?" Lei.

"Ayos lang naman. Bumalik na ulit ako sa pagpa-painting."

"Wow! Talaga? Marunong kang mag paint? Pwede mo bang pinturahan yung condo ko? ang panget na kasi sa mata yung kulay eh." Pasimple akong natawa. Sira ulo talaga to kahit kailan.

"Art painter ako, stupid."

"Hahaha. Ayan, na-stupid ka tuloy."Sky.   

"Alam ko naman yun. Binibiro ko lang si Dara."

"Kailan ka pa nakabalik?" Sky.

"Last week lang tapos dumiretso akong Davao kasi may art exhibit ako dun."

"Tapos hindi mo man lang kami in-invite? Nakaka-sakit ka ng damdamin."

"Wala naman akong contact sa inyo."

"Alam mo bang nandun din si JD sa Davao nung nakaraan. Hindi ba kayo nagkita?"

Kung alam nyo lang na binili ko yung isa sa painting na gawa nya.

"Masyado kasi akong busy'ng tao kaya wala na akong panahon para alamin isa-isa kung anong kaganapan sa mga dating schoolmates ko."

"Aw! Pre, schoolmate daw?"

Alam kong nakatingin si Lei sa akin pero hindi ko sila pinansin.
Bigla naman syang tumayo, nabu-bwisit na siguro. Pero pinigilan sya ni Sky.

"Saan ka pupunta? Diba sabi ni Avah dito ka lang?" Sky.

"Kukuha ng pagkain. Ang alam ko kasi, wedding ang ipinunta ko dito. Hindi police station para i-interrogate nyo. Daig ko pa criminal sa mga tanungan nyo."

"Grabe, ang sungit mo naman Dara. Alam mo ba si Sandy sobrang bait nun sa amin."

Napahinto ako sa ginagawa ko sa cellphone ko. Kailangan ba talagang banggitin pa si Sandy?

Tumayo na ako at dumiretso sa labas para mag-yosi. Magpapa-hangin lang, masyadong nakaka-suffocate sa loob.

Pabalik na ako sa loob ng marinig akong nagsasalita. At nakita ko si Dara na nakatingin sa langit.

"Masaya ka ba dyan? Ang daya mo talaga! Sabay tayong pinanganak kaya dapat sabay din tayong mawawala. Excited ka masyado." Tumawa sya pero malungkot yung tunog ng tawa nya.

"Nakaka-tawa kasi pag nakikita nila ako, ikaw pa rin ang naaalala nila. Pero huwag kang mag alala dahil hindi naman ako nagagalit sayo, mas galit ako sa sarili ko kasi wala akong magawa para makilala nila ako bilang si Dara at hindi si Sandy...."

Hindi ko na pinatapos yung mga sasabihin nya at umalis na ako kasi umiiyak na sya. At ayokong makakita ng babaeng umiiyak.

Pagbalik ko, tinanong agad ako nung dalawa kung saan ako nanggaling. Hindi ko sila sinagot pero iniabot ko yung panyo kay Sky.

"Anong gagawin ko dito? May panyo ako, pre."

"Ibigay mo to dun sa babaeng narinig kong umiiyak sa labas."

"Huh? Sino?"

"Hindi ko alam. Narinig ko lang."

"Hala! Baka multo yun." Sabi ni Lei.

"Ibigay mo na."

"Bakit ba kasi hindi ikaw ang nagbigay? Nandun ka na rin lang."

"Ayoko nga. Baka mapagkamalan pa akong may gusto sa kanya. Tsaka sanay ka sa ganyan. Ikaw na magbigay, sabihin mo wag na isauli. Pumunta ka na."

SKY's POV

Kinuha ko yung panyong inabot nya tsaka umalis. Hindi ko alam kung bakit tinitiis ng dalawang to ang isa't-isa, eh obvious naman na mahal pa nila ang isa't-isa.

It's been 5 years, at alam kong naka-move on na sya kay Sandy. Imposibleng hindi. Kahit pa sabihin natin na hindi talaga sya si Sandy, mamahalin ba nya si Dara ng ganun-ganun lang?

Hindi tanga yung puso, yung tao lang. Ayos ba? syempre alam ko yan, ganyan talaga pag inspired. May girlfriend na ako eh, at hindi alam nung dalawa. Next time ko na lang sasabihin sa kanila.

Kung noon, ayaw naming maki-alam ni Lei sa problema nilang dalawa, iba na ang usapan ngayon. Nakakasawa na ang paulit-ulit nilang pag aaway tapos babalik ulit sila sa umpisa.

At dahil ako ang inutusan nyang lumapit kay Dara, naka-isip tuloy ako ng kalokohan para matapos na ang drama ng lovebirds. Pagseselosin ko si JD para umamin na.

+++

Ay besh Sky... Hulog ka ng langit!!! Hahah. 👏🏻

Square One (DaraGon Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon