CHAPTER 33 I'm worried

485 21 1
                                    


At sa sobrang desperada kong maibalik na ang painting sa akin, pumayag ako sa gusto ni JD.

Kung hindi sya tutupad sa usapan, ibig sabihin hindi sya totoo sa sinasabi nya. Actually, ready naman na akong patawarin sya.

Pareho kaming may mali sa sitwasyon at tsaka tama si Avah, nakakapagod na din. Gusto ko, pagbalik ko sa Spain wala na akong mabigat na nararamdaman pa sa puso ko.
Pero 1 hour na ang nakalipas, wala pa sya. 30 minutes na nga akong late bago ako makarating at akala ko nandito na sya.

"Sabi na nga ba at hindi ako sisiputin nun eh. Kunwari pa syang sincere sa pagso-sorry nya pero ang totoo, niloloko nya na naman ako."

Avah calling...

[Dara, may nangyari kay JD!]

"A-ano nangyari?"

[Car accident. Papunta na kami sa ** Medical Center. Go there if you want.] Tumayo agad ako at nag-para ng taxi.

Pagdating ko sa ospital agad akong lumapit sa information desk.

"Patient Jake Gabriel Del Fierro. Yung na-car accident, kakadala lang sa kanya ngayon dito."

"4th floor po, Maam." Tapos sumakay ako ng elevator.

Sa elevator...

Hindi ko mapigilang mag eavesdrop sa dalawang nurse nag uusap. Kasi kaming tatlo lang ang nasa loob.

"Kamusta yung bago nyong patient ni Doc? Yung na car accident."

"Ayun! Kakaakyat lang sa 4th floor. Nagtamo ng fracture sa binti tapos nagka internal bleeding pa. Hinihintay lang yung lab results tapos ooperahan din asap."

"Kawawa naman."

"Sinabi mo pa. Wala pa ngang kamag-anak o kaibigan ang dumadalaw."

Tapos lumabas na yung mga nurse na nag uusap. Naiwan naman ako at hindi ko napigilang umiyak. Sana hindi pa huli ang lahat.

Nang makarating ako sa tapat ng kwarto nya. Dahan-dahan kong pinihit yung doorknob. Nakita ko sya na natutulog at walang ibang taong nandun. Sobrang amo ng mukha nya. Pagkalapit ko sa kanya umiyak agad ako...

"Kaya pala hindi ka nakarating kasi ito na yung nangyari. JD, sorry sa lahat ng ginawa ko. Hindi ko naman alam na aabot sa ganito eh. Hindi ko ginusto na mangyari ang lahat ng to. Siguro nga nainis ako sa ginawa mo pero matagal na kitang pinatawad. Tine-test ko lang talaga yung temper mo. Sa totoo lang, hindi talaga kita kayang tiisin. Sana hindi pa huli ang lahat. Promise, hindi na kita susungitan. Mahal na mahal kita, JD. Kahit na napaka-short tempered mo, bossy, idiot, jerk, stupid, asshole. Please gumising ka na. Hindi ko kaya pag pati ikaw mawawala."

"I heard that."

"Gising ka na! Thanks God. Akala ko mamamatay ka na."

"What are you talking about? Hindi pa ako mamamatay."

"Sabi nung mga nurse kanina sa elevator. Sabi nila critical daw yung lagay nung naaksidente."

"At inisip mo na ako yun?"

"At bakit hindi? Eh naaksidente ka rin diba?"

"Tsk! Mild accident lang yung nangyari sa akin. Hindi pa ako mamamatay. Papunta na kasi ako sayo habang nagda-drive ako napalakas yung preno ko kasi may biglang tumawid na aso."

"Akala ko nga hindi mo na ako sisiputin eh."

"Pwede ba yun? hindi ko maggagawa yun sa babaeng mahal na mahal ako."

"Asa. Hindi kaya."

"Talaga? Eh kakasabi mo lang kaya kanina habang umiiyak ka."

"Narinig mo lahat? Nagpapanggap ka lang na natutulog?"

"Actually, natutulog talaga ako. Nagising lang ako ng may marinig akong umiiyak. Dahan-dahan kong dinilat ang mata ko para malaman kung sino. Nung makita kong ikaw pala, nagtulog-tulugan muna ako at hinayaan kong pakinggan lahat ng sasabihin mo." Tiningnan ko sya ng masama.

"Napakasama mo talaga! Sana natuluyan ka na lang talaga."

"Psh. Kung makaiyak ka nga kanina parang Aray!... teka... Aray sorry na... Oy wag dyan May pilay ako dyan." Pinaghahampas ko nga.

"Alam mo bang muntik na akong mamatay sa nerbyos kanina? Halos lumipad na ako papunta dito sa hospital." Sabi ko habang umiiyak. Hinila nya naman ako papalapit sa kanya tsaka niyakap.

"I know. Kaya sorry na. Promise, iingatan ko na yung sarili ko para hindi ka na mag alala sa akin. Stop crying. I love you, Dee."

"I love you too."

"Ehem!" Humiwalay naman ako ng may marinig akong tumikhim.

Nandito na pala sila Avah, Basty, Sky, at Lei.

"Ang sweet naman ng lovebirds." Kantyaw ni Avah.

"K-kanina pa kayo dyan?" Nahihiya kong tanong.

"Hindi naman. Yung I love you lang ni JD yung naabutan namin. Sayang! Hindi ko na-capture yung moment. Ang pagbabati ng aso at pusa." Sabi ni Avah habang pumapalakpak pa. May asawa na pero childish pa rin. -_-

"Kailangan mo palang mamatay muna JD para magka-ayos kayo. Kung alam ko lang matagal na sana kitang sinagasaan." Sky.

"So, kailan ang kasal?" Tanong ulit ni Avah.

"Hoy, Bruha! Sabi mo malala yung nangyari kay JD."

"Heheh. Joke lang. Pag di ko kasi sinabi yun, alam kong hindi ka pupunta agad."

"I hate you!"

"Your welcome. Hahaha."

"Kamusta ka na pinsan?" Tanong ni Basty kay JD.

"Pilay lang naman. At tsaka, feeling ko pwede na akong madischarge. May mag aalaga naman sa akin eh."

"Sino?" Tanong ko sa kanya.

"Ikaw."

"Asa. At bakit naman kita aalagaan?"

"Because you love me."

"You're full of yourself, Mr. Del Fierro."

"I'm just proud because you love me."

"Ah. Hello, may ibang tao po dito. Pwede bang mamaya na yang PDA na yan." Saway ni Avah

"Hayaan mo na sila Hon. Ngayon lang nating nakita na di nag away ang dalawang yan."

"Ang tahimik mo yata ngayon, Lei?" Tanong ni JD. Oo nga kanina pa hindi umiimik ang isang to.

"May nakasalubong kasi akong Doctora kanina, ang ganda nya. Na-love at first...aray!" Binatukan kasi sya ni Sky.

"Don't us, Lei! Yan din yung sinabi mo nung nakita mo yung nurse kanina." At nagtawanan na kaming lahat. Nakaka-miss din pala ang ganito.

Naramdaman ko namang dumampi yung kamay ni JD sa mukha ko. May luha pala sa pisngi ko, pinunasan nya lang.

"Why are you crying?" Nag aalalang tanong nya.

"I'm just happy. Ayos na ang lahat."

"Bilisan mo ng magpagaling para makapag-celebrate na tayo." Sabi ni Basty

+++

OMG! Sila na ulit! Sana sa totoong buhay din hahaha. 😍

Square One (DaraGon Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon