CHAPTER 14 Drunken monster

510 23 1
                                    

JD's POV

After naming manggaling sa Bora, bigla na lang syang naging cold sa akin.
Everytime na lang na yayain ko syang maglunch tumatangi sya. Kapag kinakausap ko sya, ang tipid nyang sumagot at umiiwas sya ng tingin.
Kapag tinatawagan ko sya, hindi nya sinasagot. Dati hindi daw nya napapansin, tapos naging drained daw hanggang sa nalaman kong nagpalit na pala sya ng number. After the incident, hindi ko na sya nakikita. Sabi Avah, madalas na rin ang pag absent nya.

Sabi ko sa kanya lalayuan ko na sya. But damn! I can't.
Kung iniiwasan nya ako dahil bumabalik na ang memory nya. At naalala nya yung nagawa ko noon, magso-sorry na lang ulit ako sa kanya.
I know, I sound pathetic and desperate. What should I do? I love Sandy. I want her back.

"Bro, uwi na tayo." Sabi ni Sky.

"Tsk! Kakarating lang natin dito tapos uuwi na agad tayo? Boring nyo."

"Yun na nga eh. Wala pa tayong isang oras dito, lasing ka na."

"Ako? Lasing? Nakalimutan nyo na ba na mataas ang alcohol tolerance ko? Ano? May amnesia din ba kayo katulad ni Sandy? F*ck! I said her name again."

SKY's POV

"Bigyan nyo pa nga ng alak to. Yung hard." Narining kong sabi ni Lei.

"Gago ka ba? Pinapatigil ko na nga tapos um-order ka pa."

"Brokenhearted eh. Hayaan mo na. Baka gustong makalimot."

"Eh siraulo malasing yan eh. Ikaw umawat pag nagwala dito yan."

"Hindi yan."

After 10 minutes...

"Hoy Lei, diba sa inyo naman tong bar na to? Order mo naman ako ng babae." Sabi ni JD.

"Ano akala mo sa bar ko, beerhouse?"
Tapos tumayo naman to si JD, pasuray-suray na maglakad.

"Puntahan mo nga yun." Utos ko kay Lei

"Chill. Bakit ba kabado ka?"

"Ganyan din sya nung nagbreak sila ni Sandy noong college tayo."

"Deja Vu! Hahaha."

"Bastos!" Napalingon kami bigla ni Lei sa sumigaw na babae.

"Gago ka ah! Bakit mo binabastos girlfriend ko?" Sabi nung lalaki. Lumapit na kami ni Lei.

"She's not your girlfriend. Sandy is mine." Sabi ni JD. Lasing na talaga tong lokong to.

"Bro, sorry. Wag mo ng patulan, lasing na eh. Kami ng bahala sa kanya." Sabi ko dun sa lalaki. Tapos hinila na namin si JD. Pakshet ka JD! Ang bigat mo!

"Sabi ko sayo gagawa ng gulo to eh."

"Kaya nga ako chill eh, kasi nandyan ka. Hahah."

"Ul*l!"

"Tara! Pare, uwi na tayo sa condo mo. Dun na lang tayo uminom." Sabi ni Lei.

"Hindi ako uuwi hanggang hindi dumadating si Sandy."

"Sandy na naman? Iniwan ka na nga ng tao eh. Bakit hindi mo matanggap? Gwapo ka JD, pero tanga ka! Ouch! T*ng ina! Bakit mo ko sinuntok?" Ayan napapala mo. Buti naman hindi gumanti si Lei.

"Sandy, sorry!" JD

"Tawagan na nga natin si Sandy. Baka mamaya patayin na ako nito. Kawawa naman yung gwapo kong mukha. Maraming iiyak na babae. Paano na yung date ko bukas?"

"Bigay ka pa kasi ng bigay ng alak. Ayan tuloy napala mo."

"Sandyyyyy!"

"Oo na JD! Tatawagan na!" Sabi ni Lei habang kino-contact si Sandy.

+++

Itutuloy... 😉

Square One (DaraGon Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon