CHAPTER 25 Someone's jealous

513 23 1
                                        


DARA's POV

"Salamat. Paano mo pala nalaman na nandito ako." Sabi ko kay Sky pagkakuha ko ng panyo.

"Syempre, sinundan kita. Baka kasi mag-suicide ka eh."

"At bakit ko naman gagawin yun? Mahal ko ang buhay ko noh."

"Naisip ko lang naman."

"Kung gusto kong magpakamatay, dapat noon ko pa ginawa diba?"

"Hindi ko alam ang takbo ng utak mo."

"Tss. Salamat sa panyo. Isasauli ko pa ba?"

"Marami ako nyan, remembrance ko na lang sayo yan. Itago mo ha."

"Gusto mo ba magpa-autograph pa ko sayo tapos ipa-frame ko? hahah."

"Ayan! Maganda ka kapag tumatawa."

"So, sinasabi mong panget ako?"

"Pag umiiyak, panget ka."

"Ang sama mo! Nag-thank you naman ako sayo ha."

"Tara na nga! Malamig dito sa labas tsaka baka hinahanap ka na ng amazona mong bestfriend. Pinababantayan ka nya samin diba?"

Pagbalik namin sa loob, tama nga si Sky, sinalubong agad kami ng magaling kong bestfriend.

"Kayong dalawa! Saan kayo nanggaling? Anong ginawa nyo? At bakit ayaw nyo akong sagutin huh?"

"Dire-diretso kaya yung tanong mo paano ko masasagot?"

"Ganun ba? Sorry naman."

"Nagpahangin tsaka nag kwentuhan lang kami. Right, Dara?"

"Oo. At bakit mo ba ako hinahanap?"

"Akala ko kasi tinakasan mo na naman ako eh. Kakanta ka kasi mamaya."

"Ano?! Nababaliw ka na ba?"

"Sa ganda kong ito, tatanungin mo ako nyan?"

"Ayoko. Hindi ako kakanta."

"Wow! Marunong ka rin palang kumanta Dara. Naalala ko tuloy nung high school nung hinarana, ay wag na pala." Lei.

"Kakanta ka, wether you like it or not. Kabayaran mo yan sa hindi mo pagsipot kanina." Tapos umalis na sya.

"Aish. That girl!"

"Thank you for coming to our wedding. I'm so overwhelmed na nasingit nyo ang sched nyo kahit na sobrang busy kayo. Well, dapat lang."

Nagtawanan naman yung mga bisita sa sinabi ni Avah. "Kaya nagtampo talaga ako nung hindi nakasama sa entourage yung bestfriend ko kanina. I hate you Dara." Sabi nya habang nakatingin sa akin. Napatingin na rin tuloy yung mga bisista sa akin. "At dahil dyan, kakantahan nya tayong lahat. Gusto nyo bang marinig ang napakalamig nyang boses?"

"Yes!" Sagot ng lahat. At take note, kasama sila Sky at Lei dun.

"Oh, come here na bestfriend." Tapos hinila na ako ni Lei papunta sa gitna.

"How dare you!" Sabi ko kay Avah habang inaabot nya yung mic sa akin.

"Your welcome. Hahaha. I love you."

NP: A Smile in your heart (A/N: Si Dara talaga yung kumanta nyan. Nahanap ko. hahaha.)

Pagkatapos kong kumanta iniabot ko na yung mic sa emcee tapos umalis na ako ng hindi nagpapaalam.

"Hatid na kita." Si Sky ulit.

Tumango ako. Tiwala naman akong walang gagawing masama si Sky sa akin kahit na may dugong playboy to.

"Bakit nag iba yung expression mo nung kumakanta ka?" Tanong nya habang nagda-drive.

"Palagi naming kinakanta yun ni Papa sa amin ni Sandy." Tumango lang sya. "Sky, dito na lang ako."

"Dito? Hatid na kita hanggang sa inyo."

"Wala na yung bahay namin, ibinenta na ni Papa nung bumalik na kami sa Spain. Sa hotel lang ako nag-s-stay kasi saglit lang ako dito sa Pilipinas."

"Saang hotel ka nag-s-stay?"

"Bakit inaalam mo?"

"Kasi ihahatid po kita." Oo nga pala. Hahah. Sinabi ko na kung saan ang hotel.

"Kailan pala ang balik mo sa Spain?"

"Sa Saturday na."

"Ang bilis naman?"

"I know."

"Alis tayo bukas? Busy ka ba?"

"Hindi naman. sige."

JD's POV

Kinabukasan...

Pumunta sa condo ko si Sky, may ibibigay daw sa akin...

"Bakit may ganito ka dito? At kailan ka pa nahilig sa painting?" Sht! Nakita nya yung painting ni Dara.

"Wala kang pake! Huwag mo ngang hawakan yan, baka masira mo."

"Edi wag! Ang sungit talaga nito kahit kailan."

"Ano bang ibibigay mo?"

"Yung panyo mo. Nakalimutan ko ibalik kagabi."

"Diba sabi ko, wag mo ng ibalik."

"Hindi naman nya nagamit. Yung panyo ko yung binigay ko. Hindi mo naman sinabi sa akin na chix pala yung umiiyak."

"Psh. Hindi ko nga nakita yung mukha."

"Really?" He asked while grinning

"What's with that smile? You're creeping me out. Mukha kang tanga!" Tanong ko kay Sky.

"Wala naman. Masaya lang ako kasi may date kami ni Dara ngayon."

"Date?"

"Single ako, single din sya. Bakit selos ka?"

"Wala akong paki-alam kahit sino pang i-date nya. Mag ingat ka dun, baka lokohin ka rin nya."

"Pare, mabait si Dara at nararamdaman ko yun.  Yung nangyari sa inyong dalawa siguro may dahilan lang sya kung bakit nya naggawa yun."

"Kahit ano pang idahilan nya hindi na ako maniniwala. Kinalimutan ko na yung nangyari sa aming dalawa."

"Talaga? Eh bakit ang bitter mo pa rin?"

"Sino? Ako?"

"Alangan namang ako? Bahala ka na dyan, aalis na ako."

"Where the hell are you going?"

"May date nga ako diba? Kakain lang kami tsaka mag uusap, huwag kang mag alala, iki-kiss kita para sa kanya."

"Ul*l!"

"Atleaast hindi duwag. hahah. Bye, pare!"

Tinawagan ko yung secretary ko na ipa-cancel lahat ng appointment ko buong-araw.

+++

Square One (DaraGon Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon