JD's POV
After kong mabili ang painting nya, bumalik na agad ako sa hotel. Kakatapos ko lang maligo ng tumunog yung cellphone ko.
Fr: Unknown number....
'Good evening. Is this Mr. Ayala who purchased a painting today? Are you available to talk right now?'
Pasimple akong napangiti nung mabasa ko ang text. Oo. Iniba ko ang pangalan ko, isinulat ko lang sa isang papel ang number ko. Hindi ko binigay ang calling card ko. Sinadya kong paabutin ng 15 minutes bago ako magreply sa kanya.
'I'm sorry, but I'm not available to talk to you right now. So I'll contact you later with a text message.'
After an hour... nakabalik na ako sa Manila. Bukas ko na lang sya ulit ite-text.
-
JD: I'm Mr. Ayala. What is this about?
Dara: Good morning. You purchased my drawing yesterday. I'm the artists, Sandara Jimenez. First of all, I'd like to thank you for enjoying and adoring my work. But, I'm afraid that I have to ask you to cancel your purchase today.
JD: Why?
Dara: Actually, that piece wasn't for sale. I'm really sorry, but please cancel your purchase.
JD: I'm afraid that I can't help you with that. I love this piece too much.
Dara: If you like my work, I can exchange it with any of my other pieces regardless of the size.
JD: No. I want to keep that one.
Dara: Are you still unavailable to talk on the phone? I'd like to talk to you to explain this directly.
JD: I can't talk to you over the phone.
Dara: By any chance, can I meet you in person? I'll come meet you where you are.
JD: It'll be difficult for me now. I'm already here in Manila.
Dara: It's ok. I will have an appointment there tomorrow. Please reconsider. I'd like to ask you sincerely.
JD: I'll contact you later.
DARA's POV
Nandito ako ngayon sa Manila kasi bukas ikakasal na si Avah sa boyfriend nya. At invited ako, syempre. Bukod sa art exhibit ko, yung kasal din ni Avah ang dahilan kung bakit bumalik ako ng Pilipinas.
Okay na rin si Mama kaya malaya na akong nagagawa ang gusto ko. Sana lang hindi ko makita si 'He-Who-Must-Not-Be-Named' Valdemort lang ang peg. Hahah.
Pang ilang try ko na toh. Ang hirap naman maka-singit sa schedule ni Mr. Ayala. Napaka-busy'ng tao.
Me: Mr. Ayala?
Mr. Ayala: Yes, Ms. Jimenez?
Me: I'm here now in Manila. Are you free tonight?
Mr. Ayala: I wanted to see you since I'm in town anyway but I'm afraid that I can't meet you tonight. Let's meet up next time.
Nawawalan na ako ng pag asa. Pero hindi ako pwedeng sumuko. Kailangang maibalik ang painting na yun sa akin.
After 3 hrs nakatanggap ako ng text galing kay Mr. Ayala...
'Tomorrow. People's park. 12pm.'
Shocks! Bakit dun? Ang dami namang lugar eh. 'Okay, Mr. Ayala. Thank you.' Then I click send. Mabuti na lang, 3pm pa ang start ng wedding kaya may time pa.
"Babawiin mo lang yung painting, Dara. At tsaka wala namang alam si Mr. Ayala sa past mo." Sabi ko sa sarili ko. Baliw na ako. TT-TT
People's park...
Dalawang oras na yata akong naghihintay rito pero walang dumarating na Mr. Ayala.
Mr. Ayala: Have you arrived?
Me: Yes. Aren't you here yet, Mr. Ayala?
Mr. Ayala: I'm sorry. I wanted to meet you, but I'm afraid that I can't make it today because I've got an emergency meeting.
Me: Oh, that's okay. Your work is more important. Please contact me when you're free.
Mr. Ayala: I'd like to ask you something.
Akala ko ba may meeting? Bakit nagtatanong sya? Hindi ba dapat busy sya??
Me: Go ahead.
Mr: Ayala: What does this drawing mean to you? Why do you want it back so desperately?
Me: Because it's not just a drawing to me. It's like a part of me.
Mr. Ayala: Part of you?
Me: It's also the most precious memory I have that I never want to forget. I can't believe what I just told you since I've never even met you. Contact me when you're free. Please.
Late na ako kaya tinext ko na si Avah na baka hindi ako makaka-abot sa entourage. Nagdahilan na lang ako na inaatake ako ng hika pero susubukan kong maka-punta pa rin kahit sa recepton na lang.
Nagtampo sya sa akin nung una pero pumayag sya kasi wala na syang maggagawa dahil mas importante pa rin daw ang health ko.
"Laking abala na ang ginagawa ng Mr. Ayala na yan sa akin. Pati sa kasal ng bestfriend ko, hindi ako nakapunta. At nakuha ko pang idahilan ang hika ko."
Pagdating ko sa reception, saktong kinakausap nila Avah at ng groom nya ang bisita kaya lumapit agad ako sa kanya.
"Avah."
"OMG! Bebs, na-miss kita!"
Tapos niyakap nya ako ng sobrang higpit. Grabe tong babaeng to, amazona pa rin. Ibang klase maka-miss, damang-dama ko.
"Sorry kung hindi ako naka-abot sa entourage mo kanina." Pagso-sorry ko sa kanya pero bigla nya akong hinampas. Brutal!
"Alam mo bang nagtatampo talaga ako sa ginawa mo? Pero mas ok na rin na maaga kang inatake ng asthma mo, at hindi yun nangyari during the ceremony kasi baka masira mo ang araw ko. Pero na-miss talaga kita." Sabi nya ulit sabay hampas.
"Obvious nga eh. Na-miss ko rin yung hampas mo na konti na lang tatalsik na ako. Hahaha. Ipakilala mo naman ako sa hubby mo."
"Ay, oo nga pala. Honey, this is my bestfriend, Sandara. And Bebs, this is my hubby Basty. Ang gwapo no? Aminin mo, ang galing kong pumili."
Natawa naman ako sa sinabi nya. Tapos nag-shakehands kami.
"Nice to meet you for the first time. Ginayuma ka ba ni Avah kaya ka nya napasagot o dinaan ka sa dahas?" Natawa naman yung si Basty.
"Grabe ka! Bestfriend ba talaga kita? Syempre maganda at sexy ako kaya yan na-inlove sa akin." Psh. Ang kapal talaga.
"Sorry kung hindi ako naka-abot kanina." Sabi ko ulit.
"It's okay. Pero sa partner mo dapat kanina, mukhang hindi." Nakunot naman ang noo ko sa sinabi ng asawa ni Avah.
Oo nga pala, sino pala ang partner ko dapat? Tapos lumingon sya sa table sa gilid namin, at nandun yung tatlo.
+++
TBC 😊
BINABASA MO ANG
Square One (DaraGon Fanfic)
FanficSQUARE ONE .... When everything went back to ground zero. Paano kung isang araw maggising ka na lang na 'In a Relationship' ka na with someone na kakakilala mo lang. Hindi man lang kayo dumaan sa getting to know each other stage at ligawan portion...
