CHAPTER 28 Gullible

485 18 1
                                    


SKY's POV

Pagpasok ni JD sa kwarto nya binalibag nya yung pinto. Asar-talo ang g*go!

"Ayos ba Lei?"

"Sira ulo ka, Brad! Sagad! Hahaha."

"Kailangan kong gawin para tigilan na ni JD ang ka-dramahan nya."

"Ano bang pina-plano mo?"

"Abangan mo na lang. Kailangan ko ng taga-subaybay sa palabas ko."

"Ang arte mo!"

Kinabukasan...

Tinawagan ko si JD

"Bro, busy ka ba?" Tanong ko sa kanya.

[Oo.]

"Sige. Huwag na lang pala. Ako na lang ang pupunta mamaya. I just cancel the meeting to..."

[What?!]

"Importante kasi."

[Gaano ka-importante para hindi mo na naman siputin yung client?]

"Nakasalalay ang future natin dito, Bro. Ganun ka-importante yun." Pigil ako sa tawa ko habang sinasabi ko yan.

[Ano ba yun?] Iritang tanong nya sa akin.

"Akala ko ba busy ka? Huwag na lang..."

[No. Just spill it!]

"Okay. Ganito kasi yun, kailangan mong dalhin yung mga gamit na nasa likod na ng kotse mo sa ibibigay kong address sayo."

[What?!]

"I know. Ang advance ko diba? Alam ko kasing you can't resist me."

[Ul*l!]

"So, ayun na nga. Dalhin mo yung mga gamit na yun kasi kailangang-kailangan na. Bye, Salamat Pare. I love you." Binaba ko na at tsaka ako natawa. Hahaha. Uto-uto talaga!

JD's POV

Tiningnan ko kung anong nakalagay sa compartment, pagtingin ko, puro pintura.

"That freak!"

Tapos pumunta na ako sa loob para magdrive.
Pagkarating ko sa sinabing address ni Sky, wala naman akong ibang nakita kundi bakanteng lote. Pinagloloko ba ako ng mokong na yun?

Lumabas ako ng sasakyan ko para ma-confirm ko kung yun nga talaga yung address na sinabi nya.

Pagtingin ko, may babaeng busy sa pagpa-paint sa di kalayuan. Yung tindig nya parang si Dara pero imposible kasi sabi nga nila Lei, hinatid na nila si Dara sa airport last saturday ah.

Bumalik muna ako sa kotse ko para kunin yung mga pintura tapos naglakad na ulit ako dun papunta sa babae. Nung nakalapit ako, nagulat ako ng malaman kong hindi pala ako nagkamali sa inakala ko. Si Dara nga.

"Nandyan ka na pala pakilapag na lang dyan sa tabi. Tingnan mo malapit na akong matapos." Sabi nya habang patuloy pa rin sya sa ginagawa nya.

Ako naman, hindi kumikilos sa kinakatayuan ko. Nakatitig lang ako sa kanya. Ang ganda nya kahit ang dungis nya dahil sa mga pintura. Teka! Ano ba tong pinagsasabi ko?

(A/N: Dara's look here is messy bun hairstyle, wearing plain white tee plus faded blue ripped jeans na nakatupi yung dulo tapos naka-sneaker. Yun lang. Sana po ma-imagine nyo.)

"Sabi ko ilap... Ikaw? What are you doing here?" Naalis naman ako sa pagkatulala ko nung marinig ko ang masungit nyang boses.

"Ikaw ang dapat kong tanungin nyan. Akala ko ba nakabalik ka na ng Spain."

"Oo nga. Pero bumalik ulit ako dito. Pinaki-usapan ako Sky na gawin ko to. Eh ikaw?"

"Pinadala nya sa akin ang mga to. Psh! That guy. Naisahan nya na naman ako."

"Salamat. Makaka-alis ka na."

Calling Sky...

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na si Dara pala yung kikitain ko?"

[Nagtanong ka ba? ano naibigay mo ba?]

"Oo."

[Good. Nalaman ko kasing may ari ng isang publishing magazine yung client natin at about sa mga successful Filipino ang fine-featured nila. At naghahanap sila ng ico-cover para sa bagong issue ng magazine nila kaya nirecommend ko si Dara sakto naman na kilala pala nya si Dara.]

"Pero marami namang iba dyan."

[Bakit maghahanap pa ako ng iba kung nandyan na rin naman sa harap ko yung hinahanap ko. Gusto mo talaga yung nahihirapan ako eh. Besides, big fan ng client natin si Dara. At huwag kang mag isip ng kung ano dahil it's for our future.] Tapos binaba nya na.

Bumalik naman ako dun sa babaeng pinaka-kinaiinisan ko.

"Bakit mo ginagawa to?" Tanong ko

"Ginagawa ang alin?" Tinuro ko yung ginagawa nya.

"Dahil may nag request sa akin na gawin ko to. May angal ka ba?"

"Bakit hindi ka tumanggi?"

"Paano ako makakatanggi sa hiling ng kapatid ko? At huwag mo na nga akong kausapin kasi lalo lang akong nagtatagal sa ginagawa ko." Is she referring to Sandy? Ano namang kinalaman ni Sandy sa pine-paint nya?

Umalis na ako at hindi pa ako nakakalayo ng konti may lumapit sa kanyang dalawang lalaki.

"Hi Miss, kailangan mo ng tulong?"

"Hindi na. Baka masira nyo lang yung ginagawa ko."

"Ang sungit mo naman miss. Ikaw na nga ang ino-offeran ng tulong."

"Hindi naman ako humihingi. Aish! Bakit ba ang daming asungot ngayong araw?"

"Anong tinawag mo sa amin, Miss?"

"Hindi ako nakikipag usap sa slow." Nanlaki yung mata ko nung itapon nila yung pintura kay Dara kaya lumapit ako.

"Anong ginawa nyo sa kanya?" Sabi ko pagkalapit ko.

"Obvious na ngang tinapunan ako ng pintura, stupid." Bulong ni Dara pero narinig ko naman.

"Eh bastos magsalita eh. Sino ka ba? boyfriend ka ba nya?"

"No." Tipid kong sagot.

"Eh hindi naman pala eh. Bakit mo sya tinutulungan?"

"Napadaan lang ako hindi ko kasi nakita yung ginawa nyo sa kanya eh. Tinatanong ko lang kung anong ginawa nyo sa kanya."

"Bwisit! Akala ko tutulungan ako." Dara

"Kaya mo na yan!" Bulong ko sa kanya.

"Ano, Miss? Babawiin mo ba yug mga sinabi mo sa amin?"

"Matapos nyo akong tapunan ng pintura, ine-expect nyo pa rin yan?" Nakuha pa nyang magtaray.

"Kung ganun masasaktan ka..." Sasampalin na sana sya nung isa kaya lung inunahan ko na ng suntok tapos sumunod pa yung isa. Sisiw! Tumba silang pareho.

"Ayos lang yung tinapunan nyo sya ng pintura, gusto nyo tulungan ko pa kayo. Pero yung manakit kayo ng babae, ibang usapan na. Wala ba kayong mga nanay? Alis!" Pag alis nila. Hindi ko alam yung ginawa ko pero hinila ko sya.
"Get in." Sabi ko nang makarating kami sa tapat ng sasakyan ko.

"Hindi pa tapos yung ginagawa ko."

"Look at yourself! You look like a clown. At tsaka hindi mo matatapos yung ginagawa mo ngayon."

+++

Square One (DaraGon Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon