CHAPTER 27 Jealous

497 21 2
                                    

JD's POV

Kanina pa ako naghihintay dito sa coffee shop pero walang anino ni Dara ang dumating. Paalis na sana ako pero biglang may umupo sa harap ko.

"What are you doing here?"
Tanong ko kay Sky na kadarating lang.

"Nagda-drive ako nang makita kitang mukhang tangang naka-upo dito kaya pinuntahan kita. Paalis ka na ba?" Nilingon-lingon ko naman yung paligid ko. "Looking for someone? Hindi ko sya kasama, hinatid ko na sya. Napagod kasi eh." Kumunot naman yung noo ko sa huli nyang sinabi.

"I'm not asking."

"Sinasabi ko lang. Anyway, bakit ka pala nandito? Hindi ka ba sinipot ng ka-date mo?"

"Shut up, Sky!" Biglang nag beep yung phone ko. It's Dara.

Dara: Hi, Mr. Ayala. Sorry for not coming to our meeting place because I'm with my friend earlier. And I just realized how rude I was for convincing you to give back my artwork. I will not bother you about the painting anymore. Sorry again Mr. Ayala. I hope you'll understand.

"Oh? Bakit ganyan kahigpit yang hawak mo sa cellphone mo?" Hindi ko pinansin ang tanong ni Sky, tumayo na ako tsaka umalis.

After 2 weeks...

Nandito si Sky at Lei sa Condo ko, nag iinuman kami pero nag uusap kami about sa business.

"You'll going to meet our new client tomorrow. Siguraduhin mong pupunta ka na." Sabi ko.

"Oo pupunta na ako."

"Sira ulo ka, bakit hindi ka sumipot nung nakaraan?"

"Hinatid namin si Dara sa airport nun. Hindi ba nagpaalam si Lei sayo?" Bigla namang nag iba yung mood ko. Nainis ako at medyo nanghinayang.

"Sabi mo huwag ko ng sabihing aalis na si Dara." Lei.

"Oo nga. Pero sinabi ko sayong sabihin mong hindi na ako makakapunta sa meeting. Aish. Talaga naman, Lei."

"Hindi mo kasi nilinaw eh."

"Inuna nyo pang ihatid yung babaeng yun kesa pumunta sa meeting?" Sabi ko.

"Syempre, kaibigan muna bago business. Hindi naman tayo maba-bankrupt agad dahil lang dun."

"Kahit na."

"Bakit ba hindi na lang ikaw yung pumunta kung mahalaga pala yung ime-meet namin?" Lei.

"Kayo ang naka-schedule dun."

"Bakit papayag ka bang ikaw ang maghatid kay Dara sa airport?" Sky.

"Of course not! And why would I do that?"

"See? kung ikaw wala ka ng pake sa kanya, kami meron."

"Hindi pa ba kayo nadala? Niloko nya tayong lahat."

"Away nyong dalawa yan. Labas na kami dyan. Kaibigan pa rin namin si Dara kahit anong mangyari." Lei.

"Bahala kayong dalawa."

"Alisin mo na kasi yang galit na nararamdaman mo kay Dara. Kung totoo ngang wala ka ng nararamdaman sa kanya, pakitunguhan mo sya ng maayos. Kung nasaktan ka man sa ginawa nya, mas nasaktan sya sa ginawa nya."

"Paano mo naman nalaman?"

"Nakikita ko sa mga mata nya. Lalo na kapag tinitingnan ka nya nun sa wedding nila Basty."

"Sinasabi mo lang yan para mapatawad ko sya."

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Basta huwag kang aarte dyan kapag sinagot nya na ako."

"NILILIGAWAN MO SI DARA?!" Lei

"Hindi pa. Magpapa-alam muna ako sa parents nya."

"Psh. Baka mapapayag mo? Sa akin nga ang laki ng galit eh."

"Yun na nga eh. Wala ka kasing ginawa. Hindi mo ipinaglaban." Para naman akong inupakan ni Sky sa sinabi nya. Tama nga naman kasi sya, wala akong ginawa.

"Bro, anong gagawin mo? Liligawan mo yung parents?" Lei

"Oo. Susundan ko si Dara sa Spain."

"Eh paano kung hindi pa rin pumayag yung parents nya?"

"Problema ba yan? Eh di itatanan ko na lang sya."

"Are you out of your mind?!" Ako yan.

"Mayaman naman ako at tsaka may business tayo. Hindi kami maghihirap ni Dara kapag ginawa ko yun."

"Grabe naman Bro. Ang lakas ng tama mo kay Dara. Hindi mo man lang ba naisip kung anong mararamdaman ni JD kapag niligawan mo yung ex nya?"

"Wala naman na DAW pake si JD kay Dara eh. Kaya ayos lang yun, diba JD?" Sabi nya sabay tapik sa braso ko. Tumayo na ako para pumunta sa kwarto ko.

"Brad, saan ka pupunta? Matutulog ka na?" Lei.

"Matutulog na ako. Ligpitin nyo na lang pag natapos kayo."

+++

A/N: Jelly de Belen yung isa dyan! Hahahaha.

Square One (DaraGon Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon