CHAPTER 15 I'm dying

531 20 2
                                        

SANDY's POV

Nandito ako isang bar ngayon para sunduin ang lasing na to. Kakasabi ko pa lang na lalayuan ko na sya diba? Tapos ito ako ngayon? Haist. Pasaway ka JD.

Tinawagan kasi ako nila Lei kanina para sunduin tong si JD. Ayoko sana pero sabi nila nag-eeskandalo na daw ang loko. At hindi daw sya aalis hanggat hindi daw ako dumadating. What a scene, JD?

Pagdating ko pasara na ang bar...

"Hoy! JD, gumising ka nga dyan! Hindi ito ang condo mo kaya huwag kang matulog dito. Mahiya ka naman."

"Sandy, is that you?"

"Yeah! Kaya bumangon ka na dyan."

"Sandy, I'm dying." Napataas ang kilay ko at tinitigan syang maigi.

"Mukha ka namang okay."

"No. I'm dying."

"May malalang sakit ba to?" Tanong ko kila Sky at Lei. Umiling lang sila bilang sagot.

"Wala naman pala. Eh ano yung ina-arte arte mong you're dying? Iinom-iinom ka hindi mo naman pala kaya!"

"Sandy, don't let me die. Please do something."

"Lasing ka lang, hindi ka pa mamamatay. Pwede ba umayos ka nga JD! Nakaka-inis ka na."

"You are so cold, Sandy. You seem so uninterested." Sabi nya sabay tumawa pero ramdam ko na nasasaktan sya.

"May kape ba dyan? Bigyan nyo nga to nang mahimasmasan." Utos ko sa dalawa. At agad naman nilang binigyan si JD.

"Nahihirapan na ako Sandy. May naggawa ba ako? Bakit mo ako iniiwasan? Ni hindi mo nga ako matingnan. Don't be like this please."

"So naglasing ka dahil dyan? Napag-usapan na natin to diba? Kung nahihirapan ka na, tumigil ka na. JD, please understand.. It's not going to work out. You should stop all of this para hindi ka na nahihirapan pa."

Alam kong nonsense makipag usap sa isang lasing pero bahala na.

"No. I don't want to. Sandy, please. I know you still love me. May amnesia ka lang pero alam kong hindi mo makakalimutan yung nararamdaman mo para sa akin. Kilala kita." Sabi nya habang umiiyak.

"No, JD! Hindi mo pa ako kilala." Sabi ko sa kanya habang hawak pisngi nya at pinupunasan yung mga luha nya. Tapos maya-maya nakatulog na sya. Humarap ako sa dalawa.

"I'm sorry. Hindi ako nakatulong. Kapag medyo nahimasmasan sya, pwede nyo na syang iuwi. Pwede ba akong humingi ng favor?"

"What is it?" Sky.

"Pagka-hatid nyo sa kanya, pwede bang samahan nyo sya sa condo nya? Wala kasi syang ibang kasama, walang mag-aalaga sa kanya."

"Sure. Kahit naman hindi mo sabihin, yun talaga ang gagawin namin kasi may part 2... Aray!" Sabi ni Lei siniko sya ni Sky.

"Huwag kang maniwala dyan. Nagbibiro lang sya. Sige Sandy, kami ng bahala sa mokong na to. Gusto mo bang ihatid ka na rin namin."

"No need, dala ko auto ko. Sige na. I have to go, nasa bahay kasi si Papa baka magtaka kung bakit wala pa ako. Eh ang paalam ko lang, hihiram lang ako ng notes kay Avah. Sige guys, Bye." Tapos umalis na ako.

"Grabe Sandy, hanggang ngayon takas ka pa rin." Sabi ni Lei.

Tiningnan ko nga ng masama. Pero joke lang yun kasi ngumiti ako sa kanila at nagba-bye na.

+++
To be continued 😘

Square One (DaraGon Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon