JD's POV
*poke
"JD, wake up! Umaga na." Palihim akong napangiti. Hindi pa pala sya umuwi, talagang sinamahan nya ako.
"Tulog pa ako." Gusto ko syang pagtripan.
"Tulog daw pero sumasagot sya."
"Nanaginip ako"
"Pag di ka bumangon dyan sisipain kita." Nagulat naman ako sa sinabi nya kaya bumangon na ako. Alam ko kasing totohanin nya yun. Sabi nga, magbiro ka na sa lasing huwag lang sa bagong gising.
"Just kidding. Ito na."
"Maghilamos ka na tapos lumabas ka agad baka lumamig yung pagkain." Tapos lumabas na sya ng kwarto ko.
"Wow! You cook for me ?" Tanong ko habang ang lapad ng ngiti ko. Na-miss ko mga luto nya.
"Syempre..... hindi! Binili ko yan sa 7/11 sa baba."
"Oh? I thought .."
"Huwag kang ano dyan! Wala kang stock ng pagkain sa ref tsaka hindi ako marunong magluto kaya wag kang umasa. Kumain ka na para maka-uwi na rin ako. May pasok pa ako mamaya." Huh? Pero Sabado ngayon.
"But today is Saturday."
"Eh ano naman kung Sabado? Eh sa may pasok kami. Dapat pati weekend may discount sa pamasahe ang students eh. Hmp!"
(dprincessnel's note: Talagang kay JD ko binabaling yung galit ko dahil walang discount pag Sat-Sun. Hahaha.
At dahil fiction lang ito... fast forward tayo guys... wahahah.)
SANDY's POV
"Balita ko dun ka daw natulog nung isang gabi sa condo ni JD ah. Totoo ba?" Avah asked while grinning.
"What's with that smile? Ano naman kung dun ako sa condo ni JD natulog? Alangan namang umuwi ako ng late night diba?"
"Babae ka, lalaki si JD tapos gusto ka pa nya. Alangan naman ng COC lang kayo buong gabi?"
"Utak mo, Avah grabe ah. Nabugbog at Nagka-sakit yung tao dahil sa akin, inalagaan ko lang sya out of guilt."
"Omg! Bakit sya nabugbog At nagkasakit ng dahil sayo, aber?" Grabe! Hot seat ako sa babaeng toh. Girl version ni Detective Conan.
"Naalala mo yung date thingy namin kagabi? Diba sabi ko sayo hindi ako sisipot. Nag stay kasi ako sa library para gumawa ng thesis kaya pinatay ko yung phone ko. 8pm na ako umuwi. Habang nasa taxi ako binukasan ko yung phone ko at nabasa ko yung mga text nya. Kaya pumunta na ako."
"Grabe ka! Ang sama-sama mo! Kung ako, hindi na kita bati!"
"Kaya nga ako nag alaga sa kanya diba? Na-guilty na nga eh."
"Hot ba? Ilang pack yung abs, Bebs?" Tanong nya habang kinikilig.
"Ikaw! Kakapanuod mo ng mga kung ano-ano, kaya ang daming pumapasok dyan sa utak mo eh! Hindi ko nakita dahil pinagbihis ko sya ng sarili nya. Hindi sya nabalda sa pagkakabugbog sa kanya, okey? Haist."
"Ay sayang naman! Chance na yun eh. Kung ako yun, grab the opportunity agad-agad!"
"Kaso hindi ako ikaw."
Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ni Avah, may lumapit na lalaki sa amin na may dalang isang white rose. At sa white rose dun, may note...
"Miss Sandy, ipinapabigay po ni Sir JD sa inyo."
"Thank you po."
"Oh anong nakasulat sa note? Basahin mo na dali!" Mas excited pa sya sa akin -_-
'Thank you for the last night. Sa uulitin.'
- Love, JD
Isang simpleng thank you note lang naman toh pero kung ibang tao ang magbabasa kagaya ni Avah na medyo alam nyo na... iba ang iisipin.
"Yieee! Akala ko ba walang nangyari?" Kita nyo na?! -_-
"Bahala ka nga sa buhay mo Avah!" Tapos nag walk out na ako. Wala akong mapapala sa babaeng ito.
***
BINABASA MO ANG
Square One (DaraGon Fanfic)
FanfictionSQUARE ONE .... When everything went back to ground zero. Paano kung isang araw maggising ka na lang na 'In a Relationship' ka na with someone na kakakilala mo lang. Hindi man lang kayo dumaan sa getting to know each other stage at ligawan portion...
