JD's POV
Ngayong nakita ko na ulit sya, hindi ko na papakawalan ang pagkakataon... I want her back!
"Ano? Seryoso ka ba dyan sa gagawin mo? Are you damn crazy, JD?!" Sabi ng pinaka-annoying friend ko na si Lei.
"I think he is! Kung kailan graduating na tayo tsaka sya magta-transfer ng school para lang sundan si Sandy." Sabi ni Sky.
"Tsk! You don't understand. Palibhasa kayo, araw-araw kung magpalit ng mga babae. Pag nakita nyo na yung babaeng makakaharap nyong dalawa, you'll understand why I'm being like this."
"Woah! That's so deep, bro! Anyway, that's the reason why we don't take serious relationship kasi ayaw naming matulad sayo. Bukod sa pagiging corny, baliw na rin." Sabi ni Lei tapos nagtawanan pa sila.
"Bahala mga kayo! Kung ayaw nyo, fine! Ako na lang mag isa ang lilipat." Sabi ko na lang.
FLASHBACK...
(dprincessnel: sorry madaming flashback. Itong scene naman na to, yung pagkikita muli ni Sandy at JD after nila mag break.)
We're (Me, Sky and Lei) going to Tagaytay for a road trip. Wala kasi kaming pasok. At ako ang driver ng mga kumag na to. Habang nasa kalagitnaan ako ng pagda-drive ko, bigla na lang akong napa-preno ng malakas.
"Grabe! Naalog utak ko dun ah." Lei said. "Kaya nga ikaw ang pinag drive namin eh, kasi sa ating tatlo ikaw ang maingat tapos..."
"Biglang sumulpot yang sasakyang sa harap ko." Sabi ko.
"Tara! Babain natin, upakan natin yung tarantadong driver na yan." Sabi ni Lei tsaka bumaba. Kaya sumunod na rin kami ni Sky.
"Hoy! Lumabas ka dyan, alam mo bang muntik mo na kaming mapatay?" Sabi ni Lei habang pinapalo nya yung bump ng kotse nung sumulpot sa harap.
Bumaba yung driver nung sasakyan... nagpatigil ng mundo ko at nagpabilis ulit ng tibok ng puso ko. I know, it sounds gay but I don't care. That's what I feel right now.
"I'm sorry, nagmamadali kasi ako, male-late na sa school. At tsaka naka-red light na kayo kaya dapat kayo ang naka-stop?"
"Sandy?" Lei and Sky said in chorus.
I miss that voice, I miss her eyes, nose and lips. (Lol) And that, I realized how I really miss her. Kaya hindi na ako nag-hesitate pa, lumapit ako sa kanya tsaka sya niyakap.
"Sandy, I miss you so much. I'm really sorry please come back to me. I love you." Sabi ko habang yakap ko sya, I want to savor the moment, pero tinulak nya ako.
"Teka nga! Bakit ba bigla kang nangyayakap? Sino ka ba?" Tanong nya sa akin.
Why she need to pretend na hindi nya ako kilala? Ganun ko ba sya nasaktan?
Magsasalita sana ulit ako pero hindi ko na naggawa dahil nagsalita si Sky. Psh. Nakalapit na pala ang mga toh?
"Yo! Sandy, naka-balik ka na pala. Long time no see." Sabi ni Sky tapos akmang magbe-beso pero pinigilan sya ni Sandy.
"Hep! Hep! Hep! Isa ka pa! Subukan mong lumapit, mag-eeskandalo ako dito."
"Grabe ka naman. Si JD lang naman may atraso sayo, bakit pati kami bawal lumapit sayo?" Sabi naman ni Lei.
"Dahil hindi ko kayo kilala. Malay ko ba kung myembro kayo ng isang gang, ihi-hypnotize nyo ako tapos kukunin nyo yung cellphone at wallet ko."
"Sa gwapo naming to? Member ng gang? And excuse me lang Sandy ha, hindi kami mahirap." Pagmamayabang naman ni Lei. Ito na naman sya. -_-
"Kung hindi man kayo member ng kung ano mang gang, malamang stalker ko kayo kasi alam nyo ang pangalan ko."
"Sandy, please. Don't be like this. I know you still love me. I'll do everything you want just comeback to me." Sabi ko. may halo ng frustration yung boses ko.
"Ah talaga? Gagawin mo lahat?" She said then smirk.
"Yes. Everything."
"Okay. Just disappear! Maghanap kayo ng ibang pagti-tripan nyo, huwag ako! Kakainis ang aga-aga pinapainit nyo yung ulo ko. Lalo akong male-late sa ginagawa nyo eh. Mga baliw!" Then she went inside her car tsaka pinaandar at umalis na. Balak ko pa sana syang sundan pero pinigilan ako ni Sky.
"Ano ba kayo? bakit pinipigilan nyo ako?" Sabi ko sa dalawang ungas.
"Ano ka ba, JD? Nakaka-wala ng kagwapuhan ang paghahabol mo sa babae. Tsaka huwag mo ng sundan si Sandy. Puntahan na lang natin sya mamaya." Sabi ni Lei.
Hindi ko gets ang sinabi nya kaya binigyan ko sya ng what-do-you-mean?-look. At agad nya namang na-gets..
"Aish. Mabuti na lang gwapo ka katulad ko. Nakita mo ba kung anong school uniform ang suot ni Sandy?"
At sa sinabing yun ni Lei, napangiti ako sa sinabi ni Lei. Alam ko na ngayon kung saan sya nag-aaral. Ang university'ng pagma-may ari nila Lei.
*End of Flashback
That moment, I decided na mag-transfer ng University kung saan nag aaral si Sandy.
At dahil isa sa ex ni Sky ang malayong pinsan ni Sandy, nalaman namin na naaksidente daw noon si Sandy at na-coma kaya pinadala sya sa Spain.
Atleast, nalaman ko na hindi nagpapanggap si Sandy na may amnesia. Masama man pakinggan ang gagawin ko pero ito lang ang alam kong way para mahalin ulit ako ni Sandy.
I will take advantage of the situation, sasamantalahin ko na may amnesia si Sandy para mapalapit ulit sya sa akin.
+++
dprincessnel: Tsk! Tsk! Bad JD Bad! Isa kang mapagsamantala! Chos! Maiksi lang ang chapter nitong story na to kasi hanggang dun lang yung naiisip ko eh. Hahah.
#KeepCalmAndSupportDARAGON
BINABASA MO ANG
Square One (DaraGon Fanfic)
FanfictionSQUARE ONE .... When everything went back to ground zero. Paano kung isang araw maggising ka na lang na 'In a Relationship' ka na with someone na kakakilala mo lang. Hindi man lang kayo dumaan sa getting to know each other stage at ligawan portion...
