CHAPTER 11 Tattoo

579 28 1
                                        

"Wow! May tattoo ka pala sa batok, Sandy? Cool!"
Bati ni Sky. Pumunta naman sa likod ko si JD para makita yung tattoo ko.

"Aahh. Oo. 1 year na yan."

(dprincessnel's note: 'XXI' yung tattoo nya. Char! Char lang yan. Wala kasi ako maisip. Hahahah.)

Tapos tiningnan ko naman si JD na nakabusangot.

"Huwag kang aalis sa tabi ko kung gusto mo pang mabuhay" Pagbabanta ni JD sa akin. Tiningnan ko yung mukha nya at mukhang seryoso naman.

"Sandy, buti nakapunta ka."

"Hindi nga sana eh. Kaso kinidnap ako nito." Sabi ko sabay turo kay JD.

Sinamaan nya lang ako ng tingin. Ano bang problema nito? Kanina pa to nakasimangot ah. Sya tong nanghila sa akin papunta dito tapos sya pa tong nakasimangot. Nakaka-inis ah.

"Kung buong gabi sisimangutan mo lang ako... mabuti pa uuuwi na lang ako."

"No. You stay here."

"Ano bang problema mo?"

"Bakit ka nagpa-tattoo?"

"At yan ang dahilan kung bakit ka naka-busangot? Wow! Eh sa gusto ko eh. At tsaka katawan ko naman to. Pake mo ba?!"

"Alam mo bang hindi maganda sa babae ang may tattoo?"

"So sa lalaki maganda tingnan? Teka nga! Bakit ba ang big deal ng tattoo ko sayo?"

Pero hindi na ako nasagot ni JD kasi may lumapit sa kanyang mga babae. Chance ko na yun para tumakas. Kukuha na lang ako ng pagkain, nagugutom na ako.
Habang kumukuha ako ng pagkain, biglang may lalaking lumapit sa akin...

"Dara? Hola, Como estas?" [Hello, how are you?] Sino ba to? Tapos bumeso sya sa akin. Ako, tulala.

"Bien. Nos hemos conocido antes?" [I'm fine. Have we met before?]

"Si. Soy de Madrid. Puede darme su numero?" [Yes. I'm from Madrid. Can I have your number?]

Tanong pa nya. At bakit nya hinihingi yung number ko? hindi ko nga sya kilala. Huwag lang sana talaga akong makita ni JD ngayon..

JD's POV

Inikot-ikot ko yung paningin ko, hinahanap ko si Sandy.
Tsk! Saan na naman ba pumunta yun? Nakaka-inis kasi yung mga btch na yun. Alam na nga nilang may kasama ako, lalapit pa sila. Nawala tuloy sa paningin ko si Sandy.

There! Nakita ko na sya... pero sino yung kausap nya? Sabi kong huwag syang aalis sa tabi ko eh. Malapitan nga.

"Sandy!" Sabi ko paglapit ko at agad kong hinawakan yung waist nya at tiningnan ko yung kumakausap sa kanya.

"Kanina pa kita hinahanap." Bulong ko kay Sandy.
At sinadya ko yun para makahalata yung lalaki na hindi nya dapat lapitan ang girlfriend ko. Mukhang napansin nya naman yung ginawa ko. Dapat lang. Tiningnan ko naman si Sandy, parang nakakita ng multo.

"Are you okay?" Tanong ko sa kanya pero hindi pa rin sya sumasagot.

"Encantado de conocerte, Dara. Adios." [Nice to meet you, Dara. Bye.] Sabi nung lalaki tsaka umalis.

What the hell they are talking about? Napakunot naman ang noo ko sa tinawag nya kay Sandy.

"Kilala mo ba yun? Tsaka bakit tinawag ka nyang Dara?" Tanong ko tapos kinalas ko na yung pagkakahawak ko sa kanya.

"H-huh? Hindi nga eh. Cassandra ang sinabi nya. W-wala akong narinig na Dara." She's weird.

"Are you sure you're okay? You look pale. May masakit ba sayo?" Tanong ko sa kanya.

"Jet lag siguro. Gusto ko ng magpahinga."

"Ok. Ihahatid na kita."

"No! Kaya ko na. At tsaka baka hanapin ka ni Sky at ni Lei."

"Pwede naman akong bumalik dito after kitang ihatid."

"I said I can manage! Magpapasama na lang ako kay Avah." Syempre mas lalo akong hindi papayag pareho silang babae. Baka mapaano sila.

"Ihahatid kita. And that's final. Huwag mo ng abalahin si Avah kasi mukha namang nag-eenjoy pa sya sa party. Sasabihin ko na lang sa kanya na nauna ka na. " Matigas kong sabi.

Hindi naman sya tumanggi pa. Tapos nauna na syang maglakad.

Pagkahatid ko sa kanya, nag thank you lang sya tapos pumasok na agad sa room nila.
I know there's something wrong. After he talked to that bastard, nag iba sya bigla. Gusto ko syang tanungin pero mas okay kung bukas na lang kasi pag nagpumilit ako ngayon alam kong hindi nya ako sasagutin ng matino.

***
a/n: I know! My spanish suck! Humihingi lang ako ng tulong sa app dictionary hahaha. ✌🏼️

Square One (DaraGon Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon