"Hello San... Dara pala. Kamusta?" Bati ni Lei.
"I'm fine. And how are you guys? You're still look..." Hindi ko natapos yung sasabihin ko kasi umepal si Lei.
"Handsome. Sus! Inborn na yan."
"Nope. You're still look cool. I mean, mahangin."
"Dito ka na maupo." Yakag naman ni Sky.
"Ah. Hindi na. Hindi naman ako magtatagal eh."
"Hindi ka na nga umattend sa wedding ceremony ko, hindi ka pa mag-s-stay sa reception? Hindi ako papayag! Umupo ka dyan." Hinila ako ni Avah tsaka pilit na pina-upo sa tabi ni Sky at ni Valdemort. Oo, sya kasi ang makaka-tabi ko kaya ayokong umupo.
Ganito ang pwesto namin, Lei-Sky-Me-Valdemort
"What the hell are you doing?" Bulong kong tanong kay Avah.
"You said you're so over him, right? Then prove it to me." Sabi nya sabay wink. "Mag-e-entertain lang kami ng ibang mga bisita. Kayong tatlo muna ang bahala sa kanya, bantayan nyo tong si Bebs huh. Wag nyong hahayaang makatakas. May pagka-ninja ang babaeng yan. Babalik ako dito." Sabay ng pag-alis nila Avah ang malalim na pagbuntong hininga ako.
"Ang lalim naman nun!" Sabi ni Lei.
"Tss!" Inirapan ko sya.
"So, bakit wala ka kanina?" Tanong ni Sky.
"Inatake kasi ako ng asthma ko."
"Liar!" Pabulong pero sakto lang para iparinig nya sa akin yung sinabi nya. Inirapan ko lang sya kahit alam kong hindi nya makikita kasi busy sya sa cellphone nya.
"I don't owe you an explanation." Sabi ko habang nakatingin kay Sky at Lei pero sinakto ko lang din yung lakas ng boses ko para marinig nya.
"Sa amin wala. Pero dyan sa katabi mo, meron." Sky.
"At bakit? Sya ba ang partner ko?" pero wala akong narinig na sagot sa dalawa. Nginitian lang nila ako.
OMG! So, totoo? Sya talaga? Bruha tong si Avah ah. Makakatikim to sa akin. Kaya pala walang pinadalang invitation sa akin.
"Buti na lang pala hindi ako umattend." Sabi ko.
"As if I also want you to be my partner."
"Bakit hindi mo alam na sya pala ang partner mo? Nakasulat naman sa invitation ah."
"Hindi ako binigyan ng babae na yun." Turo ko kay Avah.
"Pero ayos lang kasi late din naman si JD dumating." Lei.
"Change topic. Yung INTERESTING naman." In-emphasize ko talaga.
"Okay. So, kamusta naman ang buhay sa Spain?" Lei.
"Ayos lang naman. Bumalik na ulit ako sa pagpa-painting."
"Wow! Talaga? Marunong kang mag paint? Pwede mo bang pinturahan yung condo ko? ang panget na kasi sa mata yung kulay eh."
"Art painter ako, stupid."
"Hahaha. Ayan, na-stupid ka tuloy."Sky.
"Alam ko naman yun. Binibiro ko lang si Dara."
"Kailan ka pa nakabalik?" Sky.
"Last week lang tapos dumiretso akong Davao kasi may art exhibit ako dun."
"Tapos hindi mo man lang kami in-invite? Nakaka-sakit ka ng damdamin." Sabi ni Lei sabay arte na naka hawak pa sa dibdib nya.
"Wala naman akong contact sa inyo."
"Alam mo bang nandun din si JD sa Davao nung nakaraan. Hindi ba kayo nagkita?" Lei.
"Masyado kasi akong busy'ng tao kaya wala na akong panahon para alamin isa-isa kung anong kaganapan sa mga dating schoolmates ko."
"Aw! Pre, schoolmate daw?" Lei.
Bwisit talaga! Sobrang panget na nga ng araw ko, sisirain pa ng mga to.
"Saan ka pupunta? Diba sabi ni Avah dito ka lang?" Sky. Tumayo kasi ako kaya pinigilan naman ako ni Sky agad.
"Kukuha ng pagkain. Ang alam ko kasi, wedding ang ipinunta ko dito. Hindi police station para i-interrogate nyo. Daig ko pa criminal sa mga tanungan nyo."
"Grabe, ang sungit mo naman Dara. Alam mo ba si Sandy sobrang bait nun sa amin." Napahinto naman ako ng ilang segundo sa sinabi ni Lei.
Na-compare na naman ako?
Narinig ko na lang na may gumalaw na bangko sa gilid ko. At paglingon ko, wala na si Valdemort.
"Dara, sorry na." Lei.
"Ikaw kasi ang daldal mo kahit kailan. Para kang babae. Tumahimik ka na pwede?" Sabi ni Sky kay Lei tapos tumayo sya at humarap sa akin para magka-level na kami. "Are you okay?" Tumango lang ako.
"Kuha muna akong pagkain."
"Samahan na kita." Sky
"Kaya ko na. Samahan mo na lang si Lei." Mabilis akong naglakad papalayo.
Pumunta ako sa labas para magpahangin. Tumingala ako sa langit, ang ganda ng stars.
"Masaya ka ba dyan? Ang daya mo talaga! Sabay tayong pinanganak kaya dapat sabay din tayong mawawala. Excited ka masyado." Tumawa ako ng pilit. "Nakaka-tawa kasi pag nakikita nila ako, ikaw pa rin ang naaalala nila. Pero huwag kang mag alala dahil hindi naman ako nagagalit sayo, mas galit ako sa sarili ko kasi wala akong magawa para makilala nila ako bilang si Dara at hindi si Sandy. Sobrang sakit, Cassandra! Alam mo bang kahit wala ka na, inggit na inggit pa rin ako sayo. Sana kasi ako lang yung nawala." Naiyak na naman ako.
Nasa kalagitnaan ako ng pagda-drama ko ng may nag abot ng panyo sa akin.
"Stop crying." Sabi ng lalaking nasa harap ko.
+++
I dedicated this chapter to 'HannaMaeMelo' salamat sa pagvote mo. Godbless. 😘
BINABASA MO ANG
Square One (DaraGon Fanfic)
Fiksi PenggemarSQUARE ONE .... When everything went back to ground zero. Paano kung isang araw maggising ka na lang na 'In a Relationship' ka na with someone na kakakilala mo lang. Hindi man lang kayo dumaan sa getting to know each other stage at ligawan portion...
