It's been 1 week... 1 week na walang presensya ni JD at ng mga kaibigan nya. It feels cloud9! But part of me saying that I miss him.
Napa-deep sigh ako sa naisip ko. This can't be.
"Thinking of me, eh?" Sabi ng taong umupo sa harap ko
"What---"
"What am I doing here? Well, I'm also a student here. Bawal na ba akong pumasok sa library?"
"Oo. Kasi maingay ka. Bakit ka ba nandito sa table ko?"
"Because I want to. And I want to sit beside you." Wow! Yun lang yung reason nya?
"Akala ko ba malinaw na sayo ang lahat? Akala ko ba nagkaka-intindihan na tayo?"
"After what I've done, ngayon pa ba ako susuko? Binigyan lang kita ng oras makapag-isip-isip. At tsaka para ma-miss mo rin ako." Tama! Si JD nga ang kausap ko. Sya lang naman ang nambu-bwisit sa akin
"Asa ka naman." At tumulala ulit ako
"What are you thinking?"
"Iniisip ko kung paano kita mapapatay ng hindi ako makukulong."
"Really?" I can see his amused grin.
"Oo. Kaya kung gusto mo pang mabuhay, umalis ka na dito."
"Ok. See you around, Baby." Sabi nya sabay tayo.
"Buti naman at aal---" Naputol yung sasabihin ko dahil sa ginawa nya.
"I love you." Sabi nya sabay halik sa pisngi ko tsaka umalis. Ako? Tulala. Oh no! Tinamaan na yata ako sa kanya.
**Fast forward
At dahil sa fiction itong, story na to... kami na ni JD. Oo! That fast! Paano nangyari? Hindi ko din alam. Basta ang alam ko lang, what JD wants, JD gets. 😒
Actually matagal na DAW kami diba. parang in-accept ko lang kasi wala naman akong maggagawa pa. Kaya lang medyo nagsisisi ako na pumayag ako agad. Sana pinahirapan ko sya ng matagal.
Napaka-bipolar ng lalaking yun! Minsan sweet, madalas masungit. Ipinaglihi yata sa sama ng loob ng nanay nya.
*Knock! Knock!
"Maam, may naghahanap po sa inyo sa baba."
"Sino po?"
"Ahh. JD daw po? Gwapo sana kaso mukhang masungit."
Shocks! Nakalimutan kong may pupuntahan pala kami ngayon. Patay ako.
Dali-dali akong bumaba. At nandun nga sya sa couch naka-upo.
"Anong ginagawa mo dito? Diba bawal ka dito? Sinong nagpapasok sayo? Baka malaman nila Papa na nandito ka."
Instead na sagutin nya yung mga tanung ko, tiningnan nya ko mula ulo hanggang paa habang naka-kunot yung noo.
"Don't tell me you don't remember that we have a date today?" Tanong nya. Patay. Sungit alert!
"Ahh... ehh..."
"Tsk!" Sabay hila nya sa kamay ko.
"Oy! Saan tayo pupunta?"
"We have a date."
"Teka! Magbibihis muna ako."
"No need. Ok na yang suot mo. Dalawang oras mo akong pinaghintay sa labas. Huwag mo na akong paghintayin ulit." Matigas nyang sabi.
"Sandali lang ulit!" Pigil ko.
"What again?!" Medyo tumaas ang boses nya dun. Naiirita na sya.
"Kukuha lang ako ng pera baka may gusto lang akong bilhin."
"Anong tingin mo sa akin, walang pera? I can buy it for you. Let's go, bago pa ako maubusan ng pasensya sayo."
Kahit iritable sya, naggawa pa rin nya akong pagbuksan ng pinto ng kotse. Wow! Gentleman ng boyfriend ko.
Nanuod kami ng sine at ang pinanuod namin, horror movie. Take note, sya ang namili. How romantic -_-
"Bakit di ka nagugulat?" Tanong nya.
"Napanuod ko na kasi yan eh."
"Bakit di mo sinabi kanina?"
"Bakit nagtanong ka ba?" Nagulat ako kasi bigla syang tumayo. "Hoy! Saan ka pupunta?" Hindi nya ako sinagot, dumiretso lang sya. Edi sinundan ko.
"Saglit nga, JD! Ano bang problema mo at bigla-bigla kang nang iiwan? Hinila mo kong makipag date sayo tapos ganyan naman yang attitude mo." Kahit gusto kong mag walk out, hindi pwede. Paano ako uuwi? Wala akong pera remember?
"I'm trying to be sweet here but f*ck I'm still failed." Aah. Yun pala yun. Hindi sya makatingin sa akin kasi alam kong nahihiya sya.
Lumapit ako sa kanya tapos tinitigan ko sya sa mata. Nung tumingin na rin sya sa mata ko tsaka ako nag smile at niyakap sya.
"Hindi mo kailangan mag effort para lang pakiligin ako. Sometimes, the way you look at me, your simple gestures, yung pagiging gentleman mo, kinikilig na ako dun ng hindi mo namamalayan. And I love you for that." Tapos niyakap nya ako pabalik. Naramdaman ko namang hinalikan nya yung ulo ko.
+++
AN: Oyyy! Keso.... <3
BINABASA MO ANG
Square One (DaraGon Fanfic)
FanfictionSQUARE ONE .... When everything went back to ground zero. Paano kung isang araw maggising ka na lang na 'In a Relationship' ka na with someone na kakakilala mo lang. Hindi man lang kayo dumaan sa getting to know each other stage at ligawan portion...
