CHAPTER 34 Sincerity

476 19 5
                                    



Nandito ako sa office nila JD, dinalhan ko sya ng lunch. Ang sweet ko diba? Well, hindi ko niluto yun. binili ko lang. Hindi pa kasi ako marunong magluto. Nagpapaturo pa ako kay Avah.

Sa totoo lang, hindi pa kami sabi ko kasi ligawan nya muna ako. Pero mukhang baliktad yata.

"Mr. Jake Gabriel Del Fierro." Sabi ko sa receptionist.

"Do you have any appointment with him, Maam?"

"Ah. Yes. I'm Sandara Jimenez." Sabi kasi nya sabihin ko lang daw ang pangalan ko alam na daw ng receptionist. Ang taray diba?

"He's in the office, Maam."

"Thank you."

Pagsakay ko ng elevator, biglang may umakbay sa akin at nanlaki ang mata ko kung sino yung nakita ko.

"Oh my! Junie, como estas?" [How are you?]

"Bien. Miss me?" [I'm fine] Sabi nya sabay kindat sa akin.

Jun is one of my closest friend in Spain. Nagulat talaga ako ng makita ko sya dito. Small world.

"No mucho! So, what are you doing here? Are you following me? Hahaha" [Not much] Pagbibiro ko sa kanya

"I am here for a business. And why would I followed you? You're not my type. You're not Kendal Jenner so there's no reason to do that. Ouch!" Hinampas ko nga.

"You're still a jerk."

"What's new? Haha." Natawa kami pareho. I really miss this guy.

Biglang bumukas ang pinto ng elevator at nakita kong nakatitig si JD sa akin, I mean sa kamay ni Jun na naka-akbay pa rin.

"Hey, Mr. Del Fierro." Bati ni Jun sa kanya pero hindi man lang sumagot si JD. Maya-maya umalis na sya, hindi man lang ako hinintay.

"Hasta pronto, Junie. Adios." [See you soon, Junie. Bye.] Tsaka ko sinundan si JD sa office nya.

"Anong ginagawa mo dun?" Tanong ko sa kanya nung nakapasok na kami sa office nya.

"Sinabi kasi ng secretary ko na papunta ka na daw kaya sinalubong kita."

"Oh bakit nakakunot na naman yang noo mo?"

"I hate you for having other guy beside me!"

"Huh? Naka-drugs ka ba? I don't have any other guy."

"So, ako lang? Eh bakit nung kausap mo yung Jun na yun, iba yung smile mo?" Kilala pala nya si Jun? Malamang. Iisa lang yung work place nila. -_-

"Asus! Nagseselos." Natatawang sabi ko sabay tusok ko sa tagiliran nya.

"Stop that, Dee! Nakakahiya."

"Tss. Arte mo, nilalambing ka lang eh. Si Jun, classmate ko nun sa Spain. Partner in crime kami nun, kaya nga naging crush ko yun dati."

"What?!"

"Chill! Di mo ba narinig yung sinabi ko? Crush ko sya DATI. At huwag mong pagselosan yung tao kasi may asawa na yun."

"Tss. Can you blame me? I hate it when I see you smiling and talking with the other guy. At bakit may paakbay-akbay pa kasi?"

"Ang possessive mo naman, hindi pa nga tayo eh."

"Bakit nga ba ang tagal mo akong sagutin?"

"Bakit ba hindi ka makapag hintay ha?"

"Because I want you to be officially my girl. Mahirap ba intindihin yun?"

"Hindi pa nga kita nakikitang nag eeffort eh. Gusto kong maramdaman na sincere ka. Yun lang. Kainin mo na tong dinala ko, aalis na ako pupunta pa ako kila Avah." Tumango naman sya at nilapag ko yung dala kong pagkain nya sa table tsaka ako umalis.

"Topak talaga!" I muttered habang naglalakad ako papalabas ng office nya.

JD's POV

Pag alis ni Dara, dumating naman si Basty.

"Kumain ka na ba?" Tanong nya. Tinuro ko naman yung pagkain na dala ni Dara.

"Ah. I see. Ginawan din ako ng baon ni Avah kaya lang nakain ko na kanina. Nagutom ako eh." Hindi ko naman tinatanong. Tinuon ko na lang ulit yung mata ko sa laptop.

"Bakit nakasimangot ka na naman dyan? Nag away ba kayo?" Tanong nya ulit. Napahilamos naman ako sa mukha ko.

"Ang labo nya! Lahat ng panunuyo at klase ng panliligaw na alam ko, ginawa ko na pero kulang pa rin?"

"Ano bang sinabi nya sayo?"

"Gusto nyang maramdaman na sincere ako. Is it not enough?"

"Sinubukan mo na bang kausapin yung parents nya?"

"Hindi pa. Ayaw nga sa akin ng mga magulang nya eh."

"Baka yun yung gusto nyang mangyari? No offense meant, pinsan ha. Alam mo, kaya siguro hindi nag work yung relationship nyo ni Sandy kasi sumuko ka agad o kaya isa lang sa inyo ni Sandy ang nakipaglaban sa mga magulang nya. Hindi ka pa natuto sa past mo? Dapat itinatama mo na lahat ng pagkakamali mo ngayon, lalo na't binigyan ka ng second chance." Napaisip naman ako sa sinabi ni Basty.

"Paano ko naman gagawin yun?"

"Tutulungan kita ng mga moves ko kung paano ko niligawan yung parents ni Avah."

+++

Happy sunday, Applers! 😘

Square One (DaraGon Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon