CHAPTER 35 About my exes

505 14 5
                                        

"Excited na ako sa interview mo!" Sabi ni Avah sabay hampas sa akin.

Yun yung hininging condition sa akin ni Sky. May client daw kasi sila na may ari ng isang magazine company at naghahanap sila ng pwedeng i-feature for next month issue. They want to do a cover story about me and they'll also features my drawings.

"Obvious nga sayo eh. Mas nauna ka pang nakabili ng susuotin kesa sa akin."

"Hehe. Bakit hindi ka ba nae-excite?"

"Hindi ko alam. Hindi naman ganito yung naramdaman ko nun nung nasa Davao ako. Ang weird lang."

"Mas marami na kasi ang makakakita ng masterpiece mo, Bebs. Basta I'm so happy and proud for you."

*Beep!

"Nandyan na yata ang sundo mo."

"Sige. Bye na."

"Salamat sa pagsama sa akin kanina."

"Tss. Wala yun. Ano ka ba?"

Sumakay agad ako sa kotse nya, nagsuot ng seatbelt pero hindi nya pinaandar yung sasakyan nya. Nilingon ko sya at nakatingin lang sya sa akin. Nakaramdam ako ng pagka-awkward sa mga tingin nya.

"What?" I asked.

"Galit ka pa rin ba?" Yung kanina ba yung tinutukoy nya?

"Hindi naman ako nagalit sayo. Medyo nainis lang pero okay na yun."

"But still, I'm sorry. Hindi dapat kita minamadali. I should wait and respect your decision."

"I'm sorry din kung matagal kitang sagutin. Sana makapag hintay ka pa."

"I will. I promise. Kumain ka na ba?"

"Oo. Kumain na kami ni Avah kanina."

"Ako kasi hindi pa eh. Samahan mo na lang ako. Saan ba masarap?"

"Sa jollibee!" Tuwang-tuwang sabi ko sa kanya. Gusto ko kasi kolektahin yung lahat ng toys sa kiddie meal nila.

"Seriously? Pang bata lang yun."

"Hindi kaya! Dun kaya kami kumain ni Avah kanina."

"You're so childish. Bakit nga ba ulit ako na-inlove sayo?"

After suggesting different restaurant na hindi pambata at hindi daw cheap. Nauwi kami sa bahay nila. Ang arte kasi. Lahat na lang ng isa-suggest ko sa kanya lagi na lang syang may side comment. At tsaka may gagawin daw sya bigla about sa company nila.

Pagkatapos nyang kumain dumiretso agad kami sa office nya. Ang taray! Sya na ang may office sa bahay!

Habang busy sya sa pagta-trabaho nagkwento na lang ako ng kung anu-ano para hindi ako ma-bored. Ayoko namang makialam sa ginagawa nya kasi wala akong alam at baka makagulo pa ako.

"Gusto mo kwentuhan kita about sa mga naging ex ko?" Wala na kasi akong maisip na topic.

"May naging boyfriend ka bago ako?" Nagtatakang tanong nya sa akin.

"Nakaka-insulto naman yang tanong mo. Oo naman. Maganda kaya ako. Naka-dalawang BF ako bago ikaw."

"Bakit kayo nagbreak? I mean, you're beautiful, genius, talented, ideal girlfriend."

"Hindi ka rin tsismoso no? At binola mo pa ako."

"Hindi kita binobola. Totoo yun."

"K. Fine! Pero since gusto mong malaman, ikukwento ko sayo. Si ex no. 1, itago na lang natin sya sa pangalang Michael. First boyfriend ko sya but he's not my first love. Grade 7 yata ako nun. At syempre, dahil bata pa ako nun, tanga-tangahan pa ang peg. Inuna ang kilig kaya sinagot ko."

"Why did you two broke up?"

"Pinagpustahan ako eh. At alam mo ba kung magkano ang worth ko? 10dollars! Can you imagine that? Ang baba lang ng halaga ko! Nakipag break ako nung nalaman ko yun. Nainsulto ako eh."

"Stupid. Bakit ka naniwala kasi agad?"

"Well, pinunit ko sa harap nya at ng mga kaibigan nya yung perang napanalunan nya. And by doing that, feeling ko quits na kami."

"Tss. At proud ka pa?"

"Of course. Ok, let's go to ex no. 2 a.k.a Angelo. Yung first love ko. Matalino, mayaman, gwapo, ideal boyfie parang ikaw! Pero... I just found out that we have the same taste. He's gay. Hindi ka naman siguro katulad ni Angelo, na Angela na ngayon, right? Ouch!" Pinitik nyo ako sa noo. Sakit nun ah.

"Of course not! Gusto mong patunayan ko sayo ngayon?"

"Shut up!" I hissed

"Eh si Jun? Naging kayo ba?"

"No. Triny nya akong ligawan pero hindi ko sya pinayagan. Mas gusto ko kasing friends lang kami. Alam nyang crush ko sya at alam ko ring crush nya ako pero hindi kami naiilang sa isa't-isa."

"Stay away from that guy."

"Don't be jealous. He's a married man, invited pa nga ako nung kinasal sya eh."

"But it's just an arrange marriage. That means, he doesn't feel anything towards the girl."

"I know him, hindi papayag yun magpakasal kung hindi nya mahal si Tanya. Wait! Paano mo nalaman? Nandun ka rin?"

"Invited ako pero hindi ako pumunta."

"Wala ka pa yatang pinupuntahang kasal."

"It's boring. At isa pa, aattend lang ako ng kasal pag ikaw na yung bride tapos ako yung groom."

+++

dprincessnel: Sorry sabaw ang chapter na to. Wala lang talaga akong maisip eh. Babawi na lang ako next chapter. Promiiiiiiiiiiise. 🖐🏻

Square One (DaraGon Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon