CHAPTER 20 Wake up

514 19 2
                                    


SKY's POV

"Damn people! Damn everything! I hate this life! Aaaaaaaaaah!"  Kanina pa ganito tong si JD. Ilang bote na ang hinahagis nya. Mabuti na lang nasa may garden kami ng bahay nila Lei kaya okay lang.

"Tama na, JD. Lasing ka na." Sabi ko.

"Oo nga, brad. Ang dami mo ng nababasag. Kawawa naman yung mga maid madaming lilinising bubog dahil sayo."

"I don't care!" Sagot lang ni JD

"Kanina pa tayo nag iinuman dito pero hindi pa rin namin alam kung bakit ka nagkakaganyan."

"Oo nga. Break na ba ulit kayo ni Sandy?" Lei

"Don't call her Sandy because she's not Sandy."

"ANO?" Sabay na sabi ni Lei.

"Teka nga! Ang gulo mo, lasing ka na nga!"

"I said, she's not Sandy. She's Dara, Sandy's twin sister."

"WHAT/ANO?" Chorus ulit namin ni Lei.

"Wait! Paano nangyari yun?" Lei.

"Nagpanggap syang si Sandy, stupid." JD

"How did you know?" Lei

"Sya mismo ang nagsabi sa akin."

"Eh bakit sya nagpanggap na si Sandy? Nasaan ba si Sandy?" Ako

"Sandy is dead."

Nakakagulat na sigurong malaman na hindi pala si Sandy ang kaharap namin pero mas nakakagulat na patay na pala si Sandy

"Paano?"

"I don't know. And I don't wanna know." And that, napaluhod sya at umiyak. Nakita ulit namin ang mahinang JD.

Hinayaan lang naming ganun si JD. Wala naman kaming maggagawa eh. Maski kami, nagulat sa mga nalaman namin.

Aaminin ko, matagal na kaming nagdududa ni Lei sa kinikilos ni Sandy pero hindi lang namin pinansin kasi nga baka dala yun ng amnesia nya. At ayaw rin naming makialam kasi ngayon lang ulit namin nakikita si JD na ganun kasaya simula nung nakipag break si Sandy sa kanya.

Pero mukhang mas malala pa pala ang nangyayari ngayon kasi buong akala nya na nakalimutan lang sya ng babaeng mahal nya dahil sa amnesia, yun pala ibang tao na yun. At ang totoong mahal nya ay patay na.

"Anong gagawin natin dyan ngayon? Hindi naman natin pwedeng ihatid yan sa condo nya dahil walang mag aasikaso sa kanya." Tanong ni Lei sa akin

"Dalhin natin sya sa bahay nya."

"Baka magalit yun."

"Wala syang magagawa dahil mas magagalit si ate Janel sa kanya dahil hindi nya masusundo sa airport bukas."

"Bukas na pala dating ni ate Janel."

"Oo. At dahil sa ugok na to, tayo ang susundo kay ate Janel bukas."

"Tara! Ihatid na natin to. Ivi-video ko talaga bukas yung pambu-bugbog ni ate Janel sa kanya."

Kinabukasan...

"Hi ate Janel, kamusta? Lalo kang gumaganda." Lei

"Hi boys! You look manly pero hindi pa rin kayo nagbabago, bolero pa rin kayo."

"May pasalubong ba kami dyan ate Janel?" Tanong ni Lei habang kinukuha yung luggage. Binatukan ko nga.

"Of coure! Kayo pa ba? Bakit pala kayo ang sumundo sa akin? Nasaan ang magaling kong kapatid?"

"Natutulog pa po. May hang over."

"Aish! That kid! Pariwara pa rin? Humanda sya sa akin. Tulungan nyo na ako para makatikim sa akin ang lalaking yun." Gusto ko to. Nag-high 5 naman kaming dalawa ni Lei.

Pagdating namin sa mansyon nila ate Janel binati sya ng lahat ng tao dun. In-assist naman agad sya ni Mr. Clark, yung butler nila.

"Maligayang pagbabalik po, Senyorita."

"Kamusta naman dito?"

"Maayos naman po."

"Nasaan ang magaling kong kapatid?"

"Natutulog pa po. Kagabi lang po sya umuwi dahil lagi po syang nasa condo nya. Lasing po sya nung hinatid po sya kagabi nila Sir Sky at Sir Lei."

"Ibigay mo sa akin yung spare key ng kwarto nya."

Tapos dumiretso si ate Janel sa kwarto ni JD at nakasunod lang kami  ni Lei sa kanya. Patay ka ngayon, Boy!

Pagpasok namin, natutulog pa ang loko.

"Lei, pakisabi sa maid kumuha ng isang plangganang tubig na may ice."

"Yes, ate Janel." Gusto ko to. Ice bucket challenge! Hahah.

Pagbalik ni Lei kasama nya na yung maid na may dalang isang plangganang tubig na may ice. Kinuha ni ate Janel yung planggana at ibinuhos yung tubig na may ice kay JD. At hindi namin napigilan ni Lei ang matawa.

"What the f**k! Who did that??" Sabi ni JD na nakaupo na ngayon. Kami naman ni Lei natatawa pa rin.

"Good morning too, my dear little brother." Sabi ni ate Janel habang naka-cross arms.

"Ate Janel? What are you doing here?" Sabi ni JD ng mahimasmasan.

"What are you doing to yourself? My ghad, Jake! You look wasted, you looked pathetic!"

"It's non of your business, Ate."

"Non of my business? Really, Jake? Eh kung simulan ko na kayang kaladkarin ka papunta ng Singapore?"

"You can't do that!"

"And why I can't do that? Don't dare me my little brother. I can do worst than you expect."

"Tss."

"Ayusin mo ang sarili mo kung gusto mo pang mag stay dito sa Pilipinas." Umalis na si ate Janel.

"Nakuhanan mo ba ng maayos?" Tanong ko kay Lei.

"Oo naman. Ako pa ba? huh! May pang-blackmail na kami sayo JD."

"Both of you! GET OUT TO MY ROOM NOW!"

"Okay. Bye, little brother! Wahahahaha." Lei.

Binato nya kami ng unan pero naka-ilag din kami tsaka lumabas na ng kwarto nya.

+++

I want to dedicate this chapter to 'CarlC0' Maraming salamat sa pagsubaybay at pagtangkilik. God bless. (*virtual hug) 😘

Square One (DaraGon Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon