CHAPTER 32 Give me a second chance

490 21 4
                                        


JD's POV

Maaga akong dumating sa bakanteng lote kung saan nagpa-paint ng mural si Dara. I cancelled all my appointments just to be with her today. I'm too desperate to win her heart again.

I'm still here in my car while checking her artwork. At hindi ko mapigilan ang sarili kong ma-amaze at maging proud sa kanya. Konti na lang at matatapos nya na.

May isang part ng painting na nandun yung mukha ni Sandy kasama yung butterfly na hawig nung painting na nasa akin.

"She really did this?" I muttered.

Maya-maya pa, nakita ko na syang dumating. Hindi muna ako lumabas ng sasakyan ko at pinanuod ko muna syang mag-paint.

DARA's POV

Habang busy ako sa pagpa-paint ko biglang may humarang na coffee at sandwich sa harap ko. Napahinto ako sa ginagawa ko at tiningnan ko kung sino ang may hawak nun.

"Nagbreakfast na ako. Ikaw na lang ang kumain nyan."

"Okay." Hindi ko na sya pinansin at tinuloy ko na ulit yung ginagawa ko.

Ramdam ko namang nandyan pa rin ang presensya nya kaya nilingon ko ulit sya.

"Ano bang ginagawa mo dito?"

"Binabantayan ka. Baka balikan ka nung mga nambastos sayo."

"Hindi ko kailangan ng bodyguard kaya makaka-alis ka na."

"Baka kailangan mo ng tulong."

"Kaya ko ang sarili ko. At kung kailangan ko man ng tulong, hinding-hindi ako hihingi sayo."

"Really?" Tapos bigla syang lumapit sa akin. Hindi naman ako makaatras kasi basa yung pintura.

"L-lumayo ka nga." Pero hindi nya ako pinakinggan.

Ngumiti sya sa akin. At ang traydor kong puso, abnormal na naman ang pagtibok. Gusto kong lumingon sa ibang way pero hindi ko maggawa. Parang may magnet yung smile nya.

Bigla nyang hinawi yung buhok ko na naka-harang sa mukha ko at nilagay sa likod ng tenga ko.

"I just want to do this, it's blocking the view. Expecting something eh?" Yung smile nya napalitan ng smirk.

Hinawi ko naman yung kamay nya tsaka tinalikuran ko na at inayos yung mga gamit ko.

"Umuwi ka na, JD. Wala kang mapapala dito."

"I told you last night, Dee. Hindi ako susuko."

"Bahala ka sa buhay mo!" sabi ko ng hindi ko sya nililingon.

Naramdaman ko namang wala na sya. Mabuti naman at umalis na sya. But there was a part of me, na nanghihinayang. Aish. Ano ba to?!

Magtatanghali na kaya kailangan ko ng iligpit ang mga gamit ko. Mainit na kasi. Babalik na lang ako mamayang hapon.

At habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng taxi, bigla na lang may sumabay sa akin maglakad.

"What are you doing here? Akala ko umalis ka na?" Tanong ko sa kanya.

"Nagka-emergency lang sa office kaya umalis muna ako. Naayos naman agad kaya nakabalik ako. Mabuti naabutan kita. Bakit na-miss mo ba ako?" Tanong nya nang nakangiti habang tinataas pareho yung kilay nya.

"Dream on! At wag mo akong daanin sa pagpapa-cute mo dahil inis na inis ako sayo ngayon! Itigil mo na tong kalokohan mo." Sabi ko habang binibilisan ko ang lakad ko. As if namang, hindi nya ako mahahabol diba? Pinapagod ko lang yung sarili ko. -_-

"Hindi naman ako nagpapa-cute sayo at tsaka hindi naman kalokohan ang ginagawa ko."

"Bakit mo ba ako sinusundan? Pwede ba tantanan mo na ako." this time napahinto na ako sa paglalakad at hinarap ko na sya.

At kung titingnan kami, mukha kaming lovebird na may LQ.

"Please give me a second chance."

"Gusto mong patawarin kita? Then give me back my painting."

"I'll give back your painting in one condition."

"Triple ang bayad? Fine! Ibigay mo sa akin ang account mo at dun ko na lang ipapadala."

"You think mukha akong pera? Mayaman ako, Dara."

"Eh ikaw na ang mayaman. So, ano ng condition mo?"

"Let's go out on a date."

"No."

"Then I will not give back your painting."

"You're crazy."

"Crazy in love with you."

"I hate you, JD. I really do!"

"I love you too, My love. See you tomorrow." What did he just call me?

+++

Square One (DaraGon Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon