CHAPTER 03 I'm Dead

714 27 2
                                    


(a/n: part pa rin po ito ng flashback.)

JD's POV

After 2 years..

Sandy's calling...

[Good morning baby boy.]

"Good morning baby girl." Antok na sagot ko

[Psh. Hindi ka pa rin bumabangon? Nakaka-inis ka naman.]

"Anong oras na ba?"

[10am na! Nandito na nga ako sa living room nyo eh. Aalis na nga lang ako.]

"What?? Wait." Dali-dali akong tumayo at bumaba papuntang living room. Wala na akong pake sa suot ko.
Pagdating ko papalabas na sya ng bahay.

"Baby girl." Hingal kong sabi habang nakahawak ako sa tuhod ko.

Paglingon nya naman, nakita kong nakasimangot sya tapos tinitigan nya ako mula ulo hanggang paa...

"Pft. Wahahahahahahahaha. Ano yang hitsura mo? Spongebob? Seriously? Hahahahahahah."

"Stop laughing. Nothing's funny."

"Wahahahahahahaha. Eh kasi naman, hindi ko maisip na yung cool at hearthrob na si JD, eh nagsusuot pala ng PJ print na spongebob. Hahahhahahahhaha." Hawak nya yung tyan nya at maluha-luha na sya sa kakatawa

"Sabi mo kasi aalis ka na kaya hinabol kita. Hindi na ako nakapagpalit. Stop laughing or else I kiss you."

Tinakpan nya yung bibig nya para pigilan yung pagtawa nya. Lumapit na ako sa kanya.

"You look adorable."

"Hmp! Binola mo pa ako. Huwag kang mag alala, hindi na ako naiinis sayo. Kaya magpasalamat ka kay spongebob. Sige na, maligo ka na."

"Happy 2nd anniversary, baby girl. I love you."

"Happy 2nd anniversary, baby boy. I love you more." Tsaka ko sya kiniss sa forehead.

"Sa akin muna phone mo ha. Maglalaro lang ako." Tumango lang ako sabay alis na para maligo.

Sya na ang nanligaw, sya pa ang sumundo sa akin para sa date namin. She's one of a kind.

DPRINCESSNEL's POV

Habang naglalaro si Sandy, biglang may nag pop out na text message sa phone ni JD. Kaya kahit ayaw nyang basahin, nabasa nya pa rin.

From: Kiko
Good morning Babe. I miss you. Date naman tayo sa amusement park today. Diba wala kang pasok?

Na-curious sya kung sino si Kiko kaya hininto nya na ang paglalaro nya at pumunta sya sa inbox at binasa ang convo nila ni Kiko. Kalmado lang si Sandy habang binabasa nya yung convo.

Kiko: Hi, Babe. Are you busy?

JD: Nope. Why?

Kiko: Call me. I miss you already.

JD: I miss you too, Babe. Wait. I call you.

Marami pa yan pero yan agad yung pinaka-recent na usapan nila. Chineck nya yung time at yun din yung time na ka-text nya kagabi si JD.

Biglang nag ring yung phone at saktong dumating na si JD.

"Let's go, Baby." Iniabot ni Sandy yung phone kay JD.

Kinabahan naman si JD nung nakita nya kung sino yung tumatawag.

"Sagutin mo at sabihin mong makikipag kita ka sa kanya." Kalmadong utos ni Sandy kay JD.

"Baby, it's not what you think. She's my ex but believe me, I don't love her anymore."

Lalong nanggigigil si Sandy sa narinig nya. Alam nya kasing nagsisinungaling lang si JD sa kanya.

"You'll going to meet her or I'll break up with you?" Pilit na hinawakan ni JD ang kamay ni Sandy pero hinawi nya lang ito.

Huminto yung pagri-ring ng phone nya.

"Baby, look, I'm sorry okay? I'm really sorry."

Maya-maya, nag ring ulit.

"Answer her call at i-loud speaker mo."

Matagal pa bago i-click ni JD yung answer button.

[Bakit ang tagal mo sagutin yung tawag ko? Nagtatampo na tuloy ako. Date tayo?]

"W-where?"

[Sa amusement park na malapit sa amin. Susunduin mo ba ako?]

Tiningnan ni JD si Sandy para tanungin kung ano ang isasagot nya. Umiling naman si Sandy.

"N-no. Mauna ka na muna kasi may dadaanan pa ako."

[Ok. See you later, Babe. I love you. Bye.]

Tapos binaba na ni JD yung phone.

"Baby, I'm sorry. Please don't be like this. Ikaw lang naman ang mahal ko eh."

"Umalis na tayo may date ka pa." Malamig na sabi ni Sandy tsaka nauna ng lumabas.

+++

dprincessnel: Lagot ka boy! Hahahah. Kamusta naman? ok ba? should I give up or should I just keep chasing pavements~ Lol! Gusto ko lang talagang itanong kung itutuloy ko pa ba yung story?

I used my username instead of Author's POV kasi WALA LANG. Trip ko lang. Makiki-eps lang. Hahah.

Square One (DaraGon Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon