JD's POVSht! I'm so stupid! Bakit ba hindi ko naisip na baka mabasa ni Sandy yung conversation namin.
Kinakabahan ako sa ikinikilos nya ngayon kasi instead na umiyak sya at magwala katulad ng iba, she remained calm pero bakas sa hitsura nya na galit talaga sya. Sino bang hindi?
Habang nagda-drive ako, hindi sya umiimik at nakatingin lang sya sa labas. Ilang beses akong nag attempt na kausapin sya pero walang nangyayari kasi hindi sya sumasagot.
I really messed up this time!
Pagdating namin sa amusement park, nakita agad namin si Kiko. Nauna akong maglakad at nasa likod ko lang si Sandy.
"Babe!" Sabi ni Kiko sabay yakap sa akin.
Sht! Ramdam na ramdam ko ang tense between the 3 of us. And I don't like this. Ano bang gagawin ko?
"Uhm. Kiko... si Sandy..." Anong sasabihin ko?
"Pinsan nya." Napalingon naman ako sa sinabi ni Sandy.
Anong sinabi nya? Pinsan? Kailan pa?
"Oh! Hi there! Nice to meet you. I'm Kiko." Sabi ni Kiko sabay extend ng kamay kay Sandy at tinanggap naman ni Sandy yung kamay nya.
"Saan nyo gustong sumakay?" Tanong ko.
Wala na akong ibang maisip na paraan para mabawasan kahit papaano yung kaba ko.
"Grabe ka naman, Pinsan. Kararating lang natin eh. Bumili ka muna ng ticket." Sabi ni Sandy habang tumatawa pero alam kong fake lang yung tawa nya.
Tinawag nya akong pinsan. Tsk! It's all my fault.
"Oo nga, Babe. Dito muna kami tapos bumili ka na ng ticket." Kiko.
Umalis na ako at pumunta sa booth para bumili ng ticket. Medyo mahaba ang pila at maraming tao kaya hindi ko sila tanaw mula sa pinag iwanan ko sa kanila.
And again, I'm really stupid. Bakit ko hinayaang maiwan silang dalawa lang? Baka ano ng ginagawa nila. Aish! Ang hirap naman ng sitwasyon ko.
Nagmadali na akong bumili ng ticket. Ginamit ko na yung SSVIP card (richkid alert!) ko para mauna ako at hindi na pumila pa.
Wala akong pakialam sa galit ng mga nakapila. Mas nakakatakot magalit si Sandy.
Pero pagbalik ko, wala na si Sandy, si Kiko na lang.
"Where's Sandy?"
"Umalis na. Sabi nya hinatid ka lang daw nya dahil coding ka. Grabe, super nice ng pinsan mo. Sabi nya na huwag daw kitang sasaktan at kapag ako daw ang sinaktan mo, isumbong ko daw sa kanya." Kailangan kong sundan si Sandy.
"Excuse me lang, Kiko."
"Saan ka pupunta?"
"Uuwi na. May emergency lang, nagtext si Daddy. I'm sorry. Bye."
"But..." Hindi ko na tinapos yung sasabihin ni Kiko tapos umalis na ako.
Naka-ilang try na ako na tawagan sya pero hindi nya sinasagot.
Days have pass pero hindi pa rin sinasagot ni Sandy ang mga tawag ko. Hindi ko na rin sya nakikita sa school kasi hindi na daw sya pumapasok. Ang sabi pa ng mga classmate nya, hindi na daw sya mag aaral dahil magma-migrate na sila sa Spain.
Pero hindi pa rin ako sumusuko tinatawagan ko pa rin sya kahit na alam kong malabong sagutin nya. At isang araw, natuwa ako ng sagutin nya ang tawag ko.
"Sandy, thanks God you answered my call. I miss you, baby." Pero hindi sya sumagot. Tiningnan ko yung phone ko pero hindi pa naman nya binababa.
"Sandy? Baby?" Sabi ko ulit.
[Jake, let's break up.]
Biglang humigpit yung hawak ko sa cellphone ko.
"No. Ayoko. Sorry na, please."Narinig ko naman syang nag-sigh
[Sino ba naman ako para seryosohin diba? Isa lang naman akong desperadang babae na nanligaw sa gusto kong lalaki. You have no idea, kung paano kita ipinaglaban sa parents ko. Sinusuway ko ang gusto nila para lang sayo.]
"Sandy, please. Don't do this." Narinig kong umiiyak na sya at hindi ko na rin napigilang maiyak. I hurt her.
[JD, I'll be okay. I know I'll get over this, okay?] Sabi nya tapos narinig ko yung mommy nya na nagsalita.
"Sandy, let's go baka ma-late pa tayo sa flight natin."
"Totoong aalis ka?"
[Matagal na nilang plano yun. tumutol lang ako dahil ayokong mapalayo sayo. Pero ngayon, there's no reason for staying.]
"Sandy, please."
[Bye, JD.] Pinatay nya na yung phone.
"Sandy!" hinagis ko yung phone ko sa sobrang inis. Galit ako sa sarili ko. Galit na galit.
*End of Flashback
+++
![](https://img.wattpad.com/cover/79373680-288-k844142.jpg)
BINABASA MO ANG
Square One (DaraGon Fanfic)
FanficSQUARE ONE .... When everything went back to ground zero. Paano kung isang araw maggising ka na lang na 'In a Relationship' ka na with someone na kakakilala mo lang. Hindi man lang kayo dumaan sa getting to know each other stage at ligawan portion...