Prologue - Chapter 1

21.9K 430 22
                                    


Authors Note: This is the book 1
Status: Editing Mode
Keep comment and wait for the update, thank you 😘
...

May dalawang magkaibigan nag-uusap sa isang Coffee shop.Nakaupo sila sa tabi ng bintana.

"Ang tagal naman nila Kyla at Jerico," Naiinip na sabi ni Adel habang nakatingin sa kanyang relo.
"Sana nga hindi na lang sila makarating dito para di na tayo tumuloy sa river bank, natatakot ako," Kinakabahan na sabi ni Hazel habang iniinom ng naka straw ang ice coffee.

"Ano ka ba Hazel, matagal na nating plano ito,"

"Sigurado ka ba na may estatwa doon?"

"Kaya nga tayo pupunta, para malaman natin,"

"Parang natatakot akong makita ang estatwa na yun," Kinakabahan na sabi ni Hazel.

"Estatwa lang yun, huwag ka matakot,"

Makalipas ang ilang sandali ay may magarang navy blue na kotseng pumarada sa tapat ng coffee shop. Nakita nila ito mula bintana.

"Sila Jerico na kaya yan?" Sabi ni Adel habang nakatingin sa pumaparadang sasakyan. Di makasagot si Hazel, dahil ang pagkakaalam nito ay kulay maroon ang kotse nito.
Bumababa ang bintana ng sasakyan at nakita nila si Jerico.

"Sila na nga, bago na naman pala ang sasakyan nya," wika ni Adel. Anak ng governor si Jerico, at pansamantalang nag-aaral ito ng grade 11 sa Santa Barbara,  kaklase nila ito sa star section, kaibigan nila ang girlfriend nito na si Kyla. Lumabas
Ang magkaibigan at nilapitan ang sasakyan.

Nginitian sila ni Jerico.

"Hi girls!" Bati nito.

"Ang tagal nyo naman kanina pa kami naghihintay," sabi ni Adel sabay namewang.

"Sorry, hinintay ko pa si Kyla matapos mag shopping," Patungkol sa girlfriend nito na nakaupo sa tabi nya.

Kumaway si Kyla sa kanila mula sa tabi ni Jerico.

"Hi!"

"Hello Kyla!" Bati naman ng dalawa.

"Ano pa hinihintay nyo, get in!" Sabi ni Jerico.

Napangiti ang dalawa at sumakay ng kotse.
"

Wow, bago na naman ang kotse mo, sobrang gara!" masayang sabi ni Adel.

"Pinangako ng mom ko to sa akin, para lang mag-aral ako dito this year," sagot ni Jerico.

"Sana all!" Sambit ni Hazel.

"So, next year sa Manila ka na ulit mag-aaral?" Tanong ni Adel

"Yes,"

"Ang yaman nyo talaga,"

Nginitian na lamang sya ni Jerico. Katunayan, bukod sa pagiging anak ng governor, may mga negosyo rin sila tulad ng ilang sangay ng mga sikat na restaurant.

Habang sila ay bumabiyahe.

"Adel sigurado ka ba na may estatwa dun sa river na yun?" Excited na tanong ni Jerico habang nagmamaneho.

"Yun ang sabi ng Tiya Carmen ko,  interesado talaga ako makita yun eh," Naninigurong sabi ni Adel.

"Bakit kaya may estatwa doon?" tanong naman ni Kyla. Hindi agad makakibo si Adel, tila biglang may bumagabag sa kanyang isipan.
Napansin ni Hazel na parang tumatahimik si Adel na kanina lang ay madaldal ito.

The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon