Makalipas ang 2 taon,PRESENT DAY
May limang kabataan ang dumayo sa Sta. Barbara, ang tatlo sa kanila ay mga banyaga, nagpunta sila sa dalampasigan upang makita ang nabalitaang estatwa ni Kasandra.
..........
Sa Bahay nila Hazel.
MILA: Hazel wag ka mag papagabi sa daan, umuwi ka kaagad.
HAZEL: Opo inay, uwi po kami ni Adel ng maaga,syanga po pala kapag
tumawag yung dating klasmeyt ko pakisabi pumunta na lang sya dito
bigay na lang nya sa inyo yung dictionary na hiniram nya..
MILA: O sige anak ako na bahala magsabi, maaga ka umuwi ha?
HAZEL: Opo pasok na po ako.Nasa kolehiyo na si Hazel at magka schoolmate sila ni Adel, nakatira sila sa isang compound , Si aling Mila ay guro sa isang semi private school at si mang Kario naman nagtayo ng maliit na pagawaan ng mga sapatos..At sina Lucas at Belen ay nagtayo ng negosyo na kainan malapit sa eskwelahan na pinapasukan nila Hazel at Adel.
Paglabas ni Hazel ng bahay ay nagkita sila Adel, lagi sila sabay pumasok sa eskwelahan.ADEL: Hi Hazel, nadala mo ba yung hinihiram ko sayo na dictionarty?
HAZEL: Naku Adel, hiniram sa akin sabi nya isosoli
daw nya ngayong araw na ito e.
ADEL: Ganon ba? meron kaming exam next week, hindi kasi kumpleto yung dictionary
na nabili namin ng mama.Sumakay ng Jeep ang magkaibigan .At pag baba nila sa school, nag aantay sa kanila ang kanilang mga kasintahan na si Patrick at Jasper.
ADEL: Ang aga nyo naman?
HAZEL: Oo nga mamaya pa ang pasok nyo diba?
PATRICK: Maaga lang kami pumasok para makita namin agad kayo.
HAZEL: Talaga,
JASPER: Adel mamaya pagtapos ng klase kita ulit tayo ha?
ADEL: Oo ba, tara na nga pumasok na tayo.Pagsapit ng hapon ay nagkita kita silang muli sa labas ng eskwelahan.
JASPER: Adel, labas na muna tayo , ok lang ba sa inyo?
ADEL: Eh saan naman tayo pupunta?
PATRICK: Mag snack na muna tayo.
HAZEL: Ok sa kainan na lang nila Adel, dun na lang tayo mag meryenda.
PATRICK: Ok Let's go.
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'
HorrorSa isang bayan ng Santa Barbara ay may nakatayong Estatwa sa tabi ng Puno ng dalampasigan. Dalawang kabataan ang nagka interes na makita ito, ngunit lingid sa kanilang kaalaman na ang sinomang lumapit sa puno na iyon ay makakaranas ng lagim. Than...