Chapter 4

6.3K 169 21
                                    

ANG KUWENTO NILA KASANDRA, BEATRICE AT LEANDRO

Nakahelera ang mga kasambahay at iba pang mga tauhan sa loob ng mansyon ni Dr. Alfonzo Galvez, inaabangan nila ang pag dating ni Beatrice na galing ng Maynila.

"Magsihanda na kayo at padating na si Senyorita Beatrice, sabay sabay tayong magbigay galang at ngumiti, naiintindihan ba ninyo?" Masiglang sabi ng mayordomang si Elsa sa mga katiwala.

"Opo!" Sabay-sabay na sabi ng mga katiwala ng mansion.

Maya-maya lang ay dumating na ang puting Mercedes benz. At nang huminto ito ay binuksan ng isang tsuper ang pinto ng sasakyan.

At bumaba dito ang napakagandang si Beatrice.

Pagbaba ni Beatrice ay ngumiti ito sa lahat ng mga tauhan na sumalubong sa kanya at sabay sabay nagbigay galang...

"Maligayang pagdating senyorita Beatrice!"

"Kamusta na po kayong lahat?" Masayang bati ni Beatrice.

"Mabuti naman po kami senyorita Beatrice!"

Maya-maya lang ay lamabas si Donya Martina mula sa loob ng mansyon, ang kanyang ina.

"Mama!"

Masaya ang mag ina at nagyakapan sila."Beatrice, sa wakas ay nakabalik ka ulit dito, padating na ang iyong ama." Masayang sabi ni Donya Martina.

Pumasok sila sa loob ng mansyon, nakita ni Beatrice ang grand piano sa bukana ng mansyon.

"Ang ganda nito Mama!"

"Para sayo yan anak, matagal na kita hindi naririnig tumugtog, kaya nang sinabi sa akin ng Papa mo na dito ka na mamalagi ay binilhan ka namin ng bagong grand piano.

"Salamat po, nag desisyon ako na dito na muna mamalagi,"

Nilapitan ni Beatrice ang grand piano at siya'y nasiyahan.

"Masaya ako at nandito ka na anak,."

"Opo Mama, natapos ko na pag aaral ko, gusto ko makapag relax sa tabi ng dagat at makalanghap ng sariwang hangin."

"Tama yan anak, dito na muna tayo, at siguradong mawiwili ka dito."

Masaya ang lahat sa pagdating ni Beatrice, nakatingin ang lahat ng katiwala sa kaniya.

"O ano pa hinihintay nyo, kunin na ang mga bagahe ni senyorita sa kotse at ilagay sa kanyang silid." Sabi ng mayordomang Elsa sa mga katiwala.

Nagtulung-tulong sila bitbitin ang mga maleta ni Beatrice..

Maya maya lang ay may dumating na isa pang magarang kotse at bumaba naman si Dr. Alfonzo,

"Beatrice!" Masayang bungad ni Dr. Alfonzo.

"Papa!"

"Salamat at nandito ka na!" Masayang sabi ni Dr. Alfonzo.

"Papa ang ganda ng Grand piano na ito, salamat Papa."

At niyakap niya si Dr. Alfonzo

"Teka bakit nag alisan agad ang mga katiwala natin? kailangan ko sila makausap."

The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon