Chapter 43

1.4K 50 1
                                    

Habang nakatago sila Beatrice, Hazel, Adel , Carmen, Mila, Belen , Lucas at Kario sa likod ng malalaking mga bato na malapit sa batis.

MILA: Kinakabahan ako para sa kanila Kario, huhuhu!
KARIO: Magdasal tayo!

Nagpatuloy maglakad palapit sa puno sina Leandro, Patrick at Jasper .

JASPER: Patrick? Napansin mo ba gumalaw yung estatwa?
PATRICK: Ano gagawin natin kuya Leandro?
LEANDRO: Sumunod lang kayo sa akin, huwag nyong pansinin ang
nakabigti na iyan, kailangan nating lakasan ang ating mga loob.

Lumapit sila sa puno, nahawakan ni Leandro ang puno at pagkahawak nya dito ay nawala ang babaeng nakabigti , ngunit biglang lumabas ang ulo nito nagpupumilit makalabas ng ulo sa puno ngunit hirap ito, nagulat si Leandro sa kanyang nakita at napa atras sya at napaupo sa lupa, nilapitan sya nila Patrick at Jasper at tinulungang makatayo takot na takot sila sa kanilang nakikita.

JASPER: Anong gagawin natin baka makalabas yan, ! Anong gagawin natin!"
PATRICK: Hindi sya makakalabas ng puno hindi pa kabilugan ng buwan..

Nakaisip ng paraan si Leandro.

LEANDRO: Sa likod tayo ng puno umakyat, ngunit kailangang may maiiwan na isa
sa harapan.

Nagkatinginan sila Rick at Jasper
LEANDRO: Ok ako na ang maiiwan sa harapan, umakyat na kayo sa likod at
kumuha kayo ng mga bunga.

Pumunta ang dalawa sa likod ng puno.Lalong nagpupumilit makalabas ng ulo sa mya puno at maya maya ay nakalabas ang mga kamay nito, pilit na inaabot si Leandro, nahihigop ng hangin si Leandro papalapit sa puno, nakahawak si Leandro sa malaking bato, hinahatak sya ng malakas na hangin papunta sa puno.
Samantala malayang nakaakyat sila Jasper at Patrick sa likod ng puno.
Pag akyat nila ay kinuha nila ang mga bunga na kanilang nakita, pag pitas ng unang bunga ay tumingala si Kasandra at sila naman ang pilit na inaabot ng mga kamay nito, at mabilis nilang pinitas ang mga bunga at isinilid sa bulsa nila

PATRICK: Bilisan natin!

Nang nakakuha sila ng mga bunga.

JASPER: Bumaba na tayo dali!!

Unang bumaba si Jasper at tumakbo kaagad ito samantalang naiwan si Patrick sa puno, sumabit ang kanyang t shirt sa isang sanga nito, hinila ni Patrick ang kanyang damit at napunit ito at agad syang bumaba ng puno ngunit sa kanyang pagbaba ay biglang nahawakan ang kanyang paa ni Kasandra habang nakalitaw ang kalahati ng katawan nito sa puno, hinahatak ni Patrick ang kanyang sarili,
PATRICK: Bitiwan mo ko ahhhh!!!
Tinutulungan nilang hatakin si Patrick. Samantala takot na takot sila Hazel habang naghihintay/

MILA: Ang tagal nila.
BELEN:Lucas tulungan ninyo ang mga bata!

Wala ng pasabi ay lumapit si Lucas at sumunod naman si Kario.

PATRICK: Ahhh, bitiwan mo ko!
Habang tumatakbong papalapit si Kario at Lucas ay may nakitang malaking bato si Kario at binato nya si Kasandra, tinamaan ito ngunit mahigpit pa din ang pagkakahawak sa mga paa ni Patrick..
Kumuha ng mga bato si Lucas at Kario at pinagbabato nila ito hanggang mabitawan ni Kasandra ang mga paa ni Patrick..mabilis silang tumakbo mula sa puno...Hinihingal silang tumatakbo.
Habang ang puno ay galit na galit, ang lakas ng hangin, nagpupumilit makalabas ni Kasandra sa puno ngunit hindi sya nakalabas, maya maya lang ay naging tahimik ang kapaligiran...

LUCAS: Umalis na tayo Dalian ninyo‼
CARMEN: Nakuha ba ninyo!!"
JASPER: Opo!
Sagot ni Jasper na hingal na hingal

KARIO: Umalis na tayo dito bilisan ninyo!!

Tumakbo silang lahat papalapit sa van at sumakay silang lahat, mabilis na pinaandar ito ni Lucas at bumalik silang lahat sa bahay nila Adel.

CARMEN:Salamat Panginoon!

LEANDRO: Nasan na ang mga bunga?

Kinuha nila sa bulsa ang mga bunga, sampung mga bunga ang kanilang nakuha.

BEATRICE: Ako ang dapat kumuha ng mga Benditas.
LEANDRO: Hindi Beatrice, ako ang kukuha para sayo.
PATRICK: Sasama kami..
BEATRICE: Sasama ako.
HAZEL: Sasama din ako!
ADEL: Ako din..
LEANDRO: Kaming tatlo na lamang ulit, mapanganib doon!
BEATRICE: Pero hindi maaaring kayo lamang ang makaranas ng panganib,
para sa amin ito,.
LEANDRO: Pero mahal ko?
LUCAS: Anong sa tingin mo Kario?
KARIO: Hayaan nating sumama sila!
MILA: Pero Kario?
HAZEL: Hayaan mo na kami inay, kailangan namin sumama sa kanila! At may nararamdaman ako na kailangan naming sumama..
ADEL: Yun din ang nararamdaman ko kailangan naming sumama.
CARMEN:Hayaan na natin sila.

The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon