Chapter 14

4.7K 142 5
                                    

Sa mansyon nila Beatrice, dumating na sila Dr. Alfonzo at Donya Martina.

"Mama! Papa!"

"Kamusta ka na anak, lalong gumaganda ang baby namin," masayang wika ni Donya Martina.

"Nasan na pala sina Luna at Kasandra? Ang mga yaya mo?"

"Nandito pa po ako?" masayang sabi ni Luna.

"Si Kasandra?" tanong naamn ni Dr. Alfonzo.

Hindi makakibo si Beatrice,

            "Hindi na po umuuwi dito, di namin alam kung nasaan na siya, at si Aurora naman po ay nagtanan kasama ni Fredo," 

" Ah ganon ba? hayaan na natin sila!"

Maya-maya lang ay may nag doorbell..at binuksan ni Luna.May naghatid ng sulat.

"Galing daw po kay Leandro!" Masayang sabi ni Luna.

Napatinag si Beatrice sa kanyang kinatatayuan nang marinig niya ang pangalan ni Leandro.

Binasa ni Dr. Alfonzo ang imbitasyon.

"To Dr. Alfonzo at Donya Martina,

Inaanyayahan ko po kayong dumalo sa aking ika 21 na kaarawan na magaganap bukas ng gabi sa aming mansyon, nawa'y paunlakan ninyo ang aking inbitasyon, maraming salamat...Leandro Montreal "

"Aba, nakakapagtaka naman, hindi naman nila tayo kaibigan?" nagtatakang sabi ni Dr. Alfonzo.

"Bakit kaya?" nagtatakang sabi naman ni Martina.

"Dadalo tayo!" sabi ni Dr.Alfonzo.

"Excited na ako, Beatrice sasama ka, kaya kailangan na nating maghanda!"

"Mama hindi ako sasama!"

"Bakit naman?"

"Hindi ako ang napili niya, wala ng dahilan para magkita pa kami!"

"Nauunawaan ko ang pakiramdam mo anak, kung ayaw mo sumama ikaw ang masusunod,"

"Kailangan natin dumalo upang maging kaibigan na rin si Don Miguel,"

Nag-usap ang mag asawa.

"Marahil ay ayaw masaktan ni Beatrice na makita ang babaing napili ni Leandro sa "The Night to Remember?"

"Yun nag sigirading dahilan, sayang kung bakit hindi si Beatrice ang kanyang naibigan, nakakapagtaka?"

"Makikilala din natin kung sino yung babae na 'yon!"

...

Samantala sa Mansion nila Leandro.

"Sabik na din akong makilala ang iyong pakakasalan,"sabi ni Don Miguel kay Leandro.

Bandang hapon ay pinuntahan ni Leandro sa Hotel si Kasandra.

"Sabik ka ng makilala ng aking ama,"

"Kinakabahan ako!"

"Huwag ka mag alala, mabait ang aking ama at siguradong magugustuhan ka niya,"

"Pero ipangako mo sa akin na kahit hindi ako magustuhan ng papa mo pakakasalan mo ako,"

"Oo, pangako yan,"

"Kahit anong mangyari?"

"Bakit mo naman iniisip na may mangyayari?"

"Basta natatakot akong masaktan!"

"Hindi mangyayari yan Kasandra, buo na ang pasya ko, ipagmamalaki

The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon