CARMEN:Kaya kailangang mag ingat at pag isipan mabuti ang gagawin.
KARIO: Wala tayong magagawa kundi gawin ang nararapat gawin ,
bahala na ang panginoon sa atin, magdasal tayo hindi Niya tayo pababayaan.
BELEN: Tama magdasal na lamang tayo.Matapos nilang maghapunan ay naghahanda na sila sa kanilang gagawin, habang sinusulat ni Carmen sa libro ang mga bago nilang natuklasan,ang tungkol sa puno ng Hermosa.
MILA: Sino ang pupunta sa dalampasigan?
BELEN: Oo nga sino ang kukuha ng bunga ng Hermosa.
PATRICK: Kami po ni Jasper kami ang kukuha ng mga bunga na yon!
HAZEL: Pero problema namin to.
KARIO: Oo nga naman mga bata, kami na lamang n Lucas.
JASPER: Kami na po mang Lucas, gagawin namin ang aming makakaya, huwag
kayo mag alala mapagtatagumpayan namin ito.
ADEL: Jasper!Nang matapos magsulat si Carmen.
CARMEN: Tayo ang makakapagtapos ng librong ito, kung mapagtatagumpayan
natin malabanan ang sumpa.
BELEN: Sana nga ate Carmen sana nga!Pagtapos magsulat ni Carmen ay may nabasa sya sa pinaka huling pahina ngunit nakasulat ito sa salitang Espanyol.
CARMEN: May nakasulat sa isang pahina nitong libro ngayon ko lang ito nakita.
MILA: Ano ang nakasulat?
CARMEN: Nakasulat sa salitang Espanyol,hindi ko maintindihan.
BELEN: Sa tingin mo ba ate mahalaga ang nakasulat na yan?
CARMEN: Oo, bawat salita sa librong ito ay mahalaga, kailangan nating
alamin ang ibig sabihin nito.
KARIO: Papano, hindi tayo nakaka intindi ng salitang Espanyol, panibagong
problema na naman ito.
ADEL: Huwag po kayong mag alala, malalaman ang ibig sabihin nyan sa
pamamagitan ng internet!
BELEN: Ngunit walang internet dito., Adora saan merong internet dito?
ADORA: Sa bayan pa po meron.
KARIO: Mag gagabi na bukas na bukas ay kailangan natin ito malaman.
MILA: Tatlong araw na lamang ang nalalabi kailangan natin malaman ang
kahulugan non.Tiningnan ni Jasper ang kaniyang cellphone ngunit hindi gumagana ang kaniyang internet.
Naghahanda ng matulog ang lahat, iba't ibang ingay ang naririnig sa labas ng kanilang tahanan, ngunit hindi sila napapakita ng takot magkakasama silang lahat.
HAZEL: Patrick natatakot ako, tatlong araw na lamang at kukunin na kami.
PATRICK: Gagawin ko ang lahat para sayo.Niyakap ni Hazel si Patrick.
ADEL: Jasper malapit na, kinakabahan na ako!
JASPER: Adel, nandito ako, hindi kita iiwan kahit ano man ang mangyari.
HAZEL: Ang daming gumugulo sa isip ko, natatakot talaga ako,
sana matapos na to.
ADEL: Bukas mag internet tayo, kailangan natin malaman ang espanyol na
nakasulat sa libro.Natulog sila ng sama sama sa sala. Nakakarinig sila Hazel ng mga panaghoy ni Kasandra at ang himig ng piano.
kinabukasan, naghahanap ng internet shop ang magkakasintahan.PATRICK: Saan kaya meron dito?
HAZEL:Kailangan nating pumunta sa bayan ng Sta. Barbara.Sumakay sila ng tricycle.
ADEL: Mamang driver sa bayan po.
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'
TerrorSa isang bayan ng Santa Barbara ay may nakatayong Estatwa sa tabi ng Puno ng dalampasigan. Dalawang kabataan ang nagka interes na makita ito, ngunit lingid sa kanilang kaalaman na ang sinomang lumapit sa puno na iyon ay makakaranas ng lagim. Than...