Chapter 31

2.1K 64 0
                                    

Bumaba si Lucas at hawak ang kandila, biglang nagpakita si Kasandra sa harapan niya, tinaas ni Lucas ang mga kandila upang bugawin si Kasandra at biglang nawala ito..at tumakbo si Lucas sa bahay at kumatok ito.

LUCAS: Adora !! Berto!! Buksan ninyo ang pinto!

Patuloy pa din sa pag katok si Lucas.Binuksan ni Adora ang pinto.

ADORA: Kuya Lucas! Pasok po kayo, ano nangyayari at napasugod kayo?

LUCAS: Belen!! halika na kayong lahat!!
Binuksan nila ang pinto ng van at nagmadali silang pumasok sa loob ng bahay, habang pumapasok sila ay nadapa si Adel. At biglang nagpakita ulit si Kasandra..binugaw ni Kario sa pamamagitan ng kandila si Kasandra at biglang nawala ulit ito..
Pagpasok nila ng bahay.

LUCAS: Nasan na si Berto?
ADORA: Ah e na ... nasa ... Nasa Maynila po.
LUCAS: Sinasabi ko na nga ba siya ang dahilan kaya kami nasundan ni Kasandra,
hindi ninyo sinunod ang kabilinbilinan ko sa inyo!
ADORA: Pasensya na po kuya, matigas ang ulo ni Berto, pinigilan ko
na sya pero..?
BELEN: Hayaan mo na wala na tayong magagawa para mag sisihan nandito na to.
CARMEN: Adora ibigay mo sa akin ang libro na iniwan ko sayo, madali!
ADORA: Opo ate Carmen.

At daling kinuha ito ni Adora.

ADORA: Heto na po ang libro.

Binasa ni Carmen ang libro.

CARMEN: Nakasulat dito, mawawala lamang ang sumpa kung maibibigay kay
Kasandra ang Benditas.
HAZEL: Yun po yung nasa kuwento nyo na kaya sya gumanda at napaibig nya si
Leandro?
ADEL: Saan tayo makakakuha ng mga benditas?
CARMEN: Nakasulat dito na sa pusod ng gubat ng Sta. Barbara ito matatagpuan,
HAZEL: Pupunta tayo doon?
CARMEN: Ngunit hindi tayo maaaring pumunta doon basta basta, gaya ng
nakasaad sa librong ito, mapanganib!
BELEN: Papano tayo makakakuha ng mga Benditas?sino ang papasok sa gubat?
KARIO: Ako na mismo ang papasok sa loob ng kagubatan.
MILA: Pero Kario?
CARMEN: Hindi ka din magtatagumpay Kario, walang nakakalabas ng buhay sa
kagubatan na iyon, kaya huwag ka mag padalos dalos.
KARIO: Wala pang nakakalabas ng buhay?
CARMEN: Oo maliban lamang si Kasandra, at ang kanyang inang si Aurora.
KARIO: Papano nila nakuha, mga babae sila kung sila nakuha nila ay makukuha
ko din.
LUCAS: Oo nga tama ka Kario,mga lalaki tayo mas makakaya natin .
CARMEN: Ngunit hindi ninyo alam ang kanilang lihim kung papano nila ito nakuha,
hindi nyo ito magagawa kahit gaano man kayo kalakas, may engkanto ang
kagubatan na yon, yan din ang inakala noon ni Antonio Jose, ngunit nilinlang sya
ni Aurora, hindi nya sinabi na meron silang lihim.
KARIO: Kahit pala alam na natin kung saan makukuha ang mga Benditas na yan
ay wala ring silbi dahil hindi rin ito makukuha?
BELEN: Ano ang gagawin natin malapit na magkabilugan ng buwan,
limang araw na lamang.
CARMEN: Kailangan natin makita si Aurora o ang kanyang kapatid na
nangangalang Elena, sila ang nakakaalam ng lihim kung paano makakalabas
ng buhay sa kagubatang iyon.
MILA: Elena? yung pinagpatahian ko ng damit si Eva, alam nya kung saan
nakatira si Elena.
BELEN: Sigurado ka ba?
MILA: Oo Belen.
KARIO: Kailangan natin puntahan at alamin.
BELEN: Pero papano kung hindi nila sasabihin ang lihim na yon? Gaya ng ginawa nila
kay Antonio Jose.
MILA: Kailangan nating mag makaawa!
LUCAS: Bukas na bukas din ay pupuntahan natin.
ADORA: Maghahanda ako ng inyong makakain, tiyak nagugutom na kayo.

Nung gabing iyon ay nakasindi ang mga kandila at sama sama silang naghihintay mag umaga, maingay sa labas, pilit gustong pumasok ni Kasandra, at malalakas ang hangin at may kasamang mga kulog at kidlat, takot na takot silang lahat..

ADORA: Ano po yung mga ingay na yon, parang may nagpupumilit pumasok sa
loob ng bahay? Kinikilabutan ako ate Belen!
BELEN: Huwag kang mag alala hindi makakapasok dito ang impakta habang
nakasindi ang mga kandila na ito.
ADORA: Sigurado po ba kayo,? kinikilabutan ako.
BELEN: Oo nasubukan na namin ito.
Maya maya lamang ay nakatulog na sila maliban sa mga magkakasintahan, sila ang nagbabantay ng mga kandila..
HAZEL: Patrick natatakot ako, baka hindi tayo magtagumpay.
Sumandal si Hazel sa mga bisig ni Patrick.
PATRICK: Huwag kang matakot may awa ang Diyos tandaan mo hindi
magwawagi ang kasamaan, manalig tayo ok?"
HAZEL: Pero hindi mo maiiwasan ang nararamdaman namin ngayon ni Adel.
ADEL: kung sakaling hindi kami magtagumpay, sana huwag mo kaming kalimutan ha?
JASPER: Ikaw naman Adel kung anu ano naiisip mo e, matulog na kayo at kami
na ang magbabantay ng mga kandila.

Kinabukasan ay sama sama silang lumabas ng bahay , nakasakay sila ng van ni Lucas.
Pag dating nila sa Bayan ay nakita nila na maraming nakadikit sa mga poste na mga larawan ng mga nawawalang tao. Ibat ibang lahi ang mga nawawala, may nakita silang mga media hindi lang mga Pilipino kundi pati na rin ang mga ibang lahi na galing pa sa kanilang bansa na nakakalat sa paligid at naghahanap ng mga makakalap na impormasyon sa mga nagaganap na misteryo sa lugar na iyon.

MIA: Ate tingnan mo ang dami ng nawawala.
Nakita nila ang mga larawan na nakapaskel sa mga poste, isa sa mga larawan sila Alvin, Sara, Marcus Kylie at Ethan.
HAZEL: Ang dami na pala ang nawawala dito? Diba sila yung nakita natin na nagpost sa internet, natatandaan ko yung mga pangalan at picture nila.
ADEL: Oo nga sila nga yan.
PATRICK: Ano ang ginagawa ng mga media na yan?

Nakita nila ang isang reporter na nagsasalita sa harap ng camera.

REPORTER 1: Ano ang misteryong bumabalot sa lugar na ito..?

Sabi ng isang reporter habang kinukuhahan sya ng camera.

REPORTER 2: Marami na ang nawawalang kabataan sa lugar na ito,

Anong kababalaghan sa Estatwa na nakalagay sa tabi ng puno ng Hermosa?
Palaisipan ang mga katanungan na yan na walang makasagot sa lugar na ito.
Sabi ng naman ng isang reporter habang kinukuhahan sya ng camera.

ADEL: Tayo lang ang nakaka alam ng pangyayari, sabihin natin sa kanila.
BELEN: Hindi na natin kailangan magsalita anak, ang dapat natin gawin ay tapusin
natin ito ng matapos na ang sumpa!
LUCAS: Tama ang iyong ina, kailangan natin gawin to ng matapos na.

Samantala sa America..

The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon