Habang tinataas ni Kasandra ang kanyang mga kamay ay inihagis ni Leandro ang mga Benditas kay Beatrice..at humarap sya kay Kasandra..
BEATRICE: Kasandra, ito na ang hinahanap mo! Napatingin si Kasandra sa kanya.. Hinagis ni Beatrice ang mga benditas kay Kasandra at ng nahawakan nya ito ay unti unting naging totoong babae si Kasandra at gumanda ito..
"Maganda na ako, Leandro pakasalan mo na ako‼" malamig na boses na sabi ni Kasandra.
Ngunit ilang sandali lang ay biglang lumakas ang hangin at unti unting nagbago ang mga balat ni Kasandra at ang kaanyuan nito, nagmukha syang isang babaeng puno at naging estatwa uli, unti unti itong naglalaho na parang mga bula..Tiningtingnan ni Kasandra ang kanyang sarili habang unti unti syang nawawala...
KASANDRA: Leandro! pakasalan mo ako!Nang biglang nawala na ang kabuuan nito,at tumahimik ang kapaligiran..Samantala sa mga nasumpa ay bigla silang bumagsak sa sahig at nawala ang estatwang humahatak sa kanila at tumahimik ang kapaligiran, bumagsak si Mat sa sahig, at nanlupaypay ang buong katawan nito.
KABATAANG LALAKI: Ano ba nangyayari sayo?Hindi makakibo si Mat hinang hina ang katawan nito.........
Sa mansion..
CARMEN: Tapos na ang sumpa‼At binuksan ni Carmen ang libro at kanyang isinulat ang mga pangyayari..
Sa wakas at natapos na ang libro na ito, ibig sabihin ay tapos na anglagim ni Kasandra..hindi natin maaring ipaalam kahit kanino ang lihim ng Hermosa atng Benditas, mapanganib kapag nalaman ito ng ibang tao, baka maulit ito.MILA: Salamat sa Panginoon at ligtas na ang mga bata..Nagyakapan silang lahat.
Paglipas ng ilang Linggo Kabilugan ng buwan..Nasa kuwarto si Beatrice at Leandro, nakaharap sa tukador si Beatrice.
BEATRICE: Kabilugan na ng buwan mamaya, natatakot na naman ako.
LEANDRO: Mahal ko, tapos na ang sumpa huwag ka ng matakot, wala na yun.
BEATRICE: Tama ka mahal ko, natatakot lamang ako dahil sa mga nangyari sa atin.
LEANDRO: Kailangan na natin makalimutan ang lahat, kapag natapos ang pinapatayo natoing bahay sa Maynila doon na tayo magbabagong buhay.Maya maya ay may kumatok sa pinto,
LUNA: Senyorita Beatrice nandyan na po ang sundo ninyo.
BEATRICE: Oo bababa na ako Luna, Leandro aalis na kami ,uuwi agad ako.LEANDRO: Pakisabi na lang sa kanilang lahat na hindi ako makakasama ngayon sa diner, kailangan kong tapusin ngayon ang inuukit ko, mag ingat ka mahal ko.
Hinalikan nya si Beatrice at umalis na ito.
Pagkaalis ni Beatrice ay nagpunta si Leandro sa kanyang workshop room at pinagpatuloy nyang mag ukit.Samantala sa mansion nila Beatrice, doon sya mag hahapunan kasama ng kanyang mga mama at papa pati na rin si Don Miguel at ang dating Gobernor na si Raul at asawa nito, masaya silang nag uusap usap sa isang mahabang hapag kainan sa mansion nila Beatrice. Pagkatapos kumain ni Beatrice ay tumayo ito at lumapit sa grand piano, hinawakan nya to at sya ay naupo, hinahawak hawakan nya ang grand piano hanggang kanyang binuksan ito, at sa kanyang pagbukas ay may napansin syang isang talutot na nakalagay sa "key" ng piano, pinagmasdan nya ito na may halong kaba, kinuha nya at kanyang tiningnan mabuti .. habang tinitingnan nya ay kinilabutan si Beatrice, dahil ang isang talutot na iyon ay ang Benditas, naalala nya ang sinabi ni Carmen."At tandaan mo Beatrice nakasulat sa librong ito base sa kaalaman ni Antonio Jose kailangan kumpleto ang mga talutot na ibibigay kay Kasandra dahil kung hindi ay may mangyayaring masama kay Leandro."Bakit si Leandro?""Dahil hindi lamang ikaw ang kanyang sinumpa, pati si Leandro, kapag hindi nakumpleto ang mga talutot kahit isang piraso lamang ay ito ang magiging daan para kanyang balikan si Leandro."
Kinabahan si Beatrice.Biglang tumayo sya sa kinauuapuan nya sa silya ng grand piano,
..Naalala nya ang huling salita ni Kasandra.
"Leandro pakasalan mo ako Leandro"
Hindi pa tapos ang sumpa, si Leandro! kailangan maibigay ito kay Kasandra."Umalis agad si Beatrice sa mansion, hindi na sya nakapag paalam sa kanila dahil nagamamadali sya.Tinawagan nya si Leandro habang nakasakay sya sa kotse.Samantala habang nag uukit si Leandro.
LEANDRO: Salamat at malapit na kitang matapos.
Naupo si Leandro sa lamesa at binuksan nya ang kanyang laptop at nag internet, nakita nya ang maliit na larawan ng Estatwa ni Kasandra na naka post sa internet, natakot si Leandro, pinatay nya agad to ngunit hindi ito ma off, habang tinitipak nya ang keyboard ng laptop ay lumalaki ang larawan, palaki ng palaki hanggang maging buo to na sakop ng buong screen at gumalaw ang mga mata at umiling iling ang ulo nito na parang robot, napa igtad si Leandro at maya maya ay narinig nya ang himig ng piano, napahawak si Leandro sa kinauupuan nya at maya maya ay narinig nya ang mga hakbang na parang lakad ng isang kahoy, at papalapit sa kanya, tiningnan ni Leandro ang paligid at papalapit ang mga hakbang hangang dahan dahang bumubukas ang pinto at biglang nakita nya si Kasandra na lumalapit sa kanya, papalapit ng papalapit, hindi sya makagalaw sa kanyang kinatatayuan..malapit na syang maabot ni Kasandra..Samantala nasa kotse si Beatrice.
BEATRICE: Paki bilisan ninyo.
DRIVER: Opo senyorita malapit na tayo.Pagdating nila sa mansion nila Leandro ay pinuntahan nya agad ito sa workshop room at nakita nyang nakadikit ang mga mukha ni Kasandra kay Leandro at unti unting bumubuka ang mga bibig nito.
BEATRICE: Kasandra, humarap ka sa akin.!! Humarap ito sa kanya, at pagharap nya ay hinagis ni Beatrice ang huling talutot ng Benditas.Nang tumama ito sa katawan ni Kasandra ay biglang nagliyab ito at naglaho na parang bula..Nilapitan agad ni Beatrice si Leandro at nagyakapan sila.
BEATRICE: Leandro!Nagyakapan sila ng mahigpit.. ...................Makalipas ang pitong taon ay may nagpuntang mga kabataan sa dalampasigan ngunit wala na doon ang KABATAAN 1: Wala naman palang Estatwa dito eh.
KABATAAN 2: Hindi talaga totoo yung mga kwento dito tara na nga uwi na tayo..
KABATAAN 3: Oo nga , sayang lang pagod natin..Samantala sa bahay ni Elena..
ELENA: Asunta? Nasaan na kaya ang bata na yun?Hindi alam ni Elena na nagpunta pala ito sa dalampasigan, nakasalubong nya ang mga kabataan na kagagaling lang doon.
KABATAAN: Miss huwag ka na pumunta doon wala naman palang Estatwa dooneh, sayang lang oras mo.Hindi sila pinansin ni Asunta at nagpatuloy ito maglakad papunta doon.Pagdating nya ng puno ng Hermosa.
ASUNTA: Sabi ng Tiya Elena kapag kumain daw ng bunga nito makakapasok ako sa tagong gubat ng ligtas at makukuha ko ang Benditas at Enigma, gusto ko gumanda, gusto kong mapaibig ko si Jerico.Nakatayo si Asunta, sa tapat ng puno ng Hermosa at nakatingin sya sa mga hitik na hitik na bunga nito!
THE END
Author's note:
Please follow me po 💋 God bless
Leave a comment tnx in advance 😃
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'
HorrorSa isang bayan ng Santa Barbara ay may nakatayong Estatwa sa tabi ng Puno ng dalampasigan. Dalawang kabataan ang nagka interes na makita ito, ngunit lingid sa kanilang kaalaman na ang sinomang lumapit sa puno na iyon ay makakaranas ng lagim. Than...