Naupo sila sa sala at di pa rin makalimutan nila Leandro ang mga pangyayari.
HAZEL: Patrick ok ka lang ba?ano ang nangyari?
PATRICK: Ok lang ako pero hanggang ngayon kinikilabutan pa din ako.
JASPER: Nakakatakot !!
LEANDRO: Ang importante ay nakuha na natin ang mga ito.
BEATRICE: Bukas na ang huling araw natin.
ADEL: Papano kung di natin makuha ang mga Benditas, kukunin na tayo.
HAZEL: Natatakot din ako Adel.
LEANDRO: Huwag kayo matakot, makukuha natin ang mga yon.
BEATRICE: Leandro, kapag nagtagumpay tayo at nawala na ang sumpa, gusto ko ng manirahan ulit sa Maynila.
LEANDRO: Oo, sa Maynila na tayo maninirahan , makakabalik na din si papa at sina Gobernor Raul.
BEATRICE: At makakauwi na din ang papa at mama.
LEANDRO: Magtatagumpay tayo..Kinagabihan nag sindi sila ng mga kandila..Habang sama sama silang nag hahapunan.
Maya maya ay narinig nila ang himig ng nag pi piano, kinilabutan sina Beatrice.
BEATRICE: Ang piano, naririnig ko na naman.
Nahinto sa pagkain sina Hazel at Adel,
CARMEN: Huwag nyo na lamang pansinin ang inyong naririnig,
huwag kayo matakot, matatapos na ito.Samantala nasa kusina si Adora.May kumatok sa pintuan sa may likuran nito.
Tok..Tok...Tok...
ADORA: Sino yan?!
BERTO: Si Berto to, buksan mo ang pinto.
ADORA: Berto? Bakit dyan ka kumakatok, sandali at bubuksan ko ang pinto.Binuksan ni Adora ang pinto
ADORA:Hay salamat at dumating ka na !
Pagbukas nya ng pinto ay estatwa ni Kasandra ang kanyang nakita.Natulala sa takot si Adora naghihiyaw ito, at tumakbo sya papunta sa hapag kainan.
ADORA: Nakapasok si Kasandra, nakapasok si Kasandra andyan na sya‼
Maya maya ay nakita nila ang estatwa ni Kasandra na naglalakad papalapit sa kanila.
Nagtayuan silang lahat at sa sobrang takot ay nag takbuhan silang lahat palabas ng bahay.
Nagka watak watak sila pagka labas nila.BEATRICE: Leandro nasan na sila?
LEANDRO: Hindi ko alam,.Maya maya ay nakita nila si Kasandra papalapit sa kanila
LEANDRO: Beatrice takbo !
Samantala, tumatakbo mag isa si Patrick.
PATRICK: Hazel nasaan ka na Hazel‼
HAZEL: Patrick! Nandito ako!"Lumapit si Patrick kay Hazel at nakita nila sina Adel at Jasper.
PATRICK: Nasaan na sila?!
Takot na takot sila habang tumitingin sa paligid, lumalakas ang mga hangin.
Maya maya ay nakita nila si Kasandra papalapit sa kanila , tumakbo silang magkakahawak ng mga kamay..
Sa kanilang pagtakbo ay nakasalubong nila sina Leandro at Beatrice .
Nakita nilang lumalapit si Kasandra..
Tumakbo ulit sila at maya maya ay nakita nila ang van ni mang Lucas at huminto sa tapat nila.LUCAS: Bilisan ninyo sumakay na kayo!
Mabilis silang nakasakay habang nakita nila si Kasandra na nakasunod sa kanila..
MILA: Anong gagawin natin?
LEANDRO: Doon tayo sa aming mansyon pumunta!Nagmadali minaneho ni Lucas ang van...Pagkadating nila sa mansion nila Leandro
Nag busina si Lucas sa tapat ng gate, lumabas ang katiwala.KATIWALA: Sino kayo anong kailangan ninyo?
Dumungaw ng bintana ng Van si Leandro.
LEANDRO: Buksan ninyo ang gate at ang pinto madali ako si Leandro!
Nang nakita ng mga katiwala si Leandro.
KATIWALA: Buksan ang gate nandito na si Senyorito Leandro.
Binuksan agad nila ang gate at pumasok sila sa loob at nagmadali silang pumasok sa loob ng bahay.Ni lock agad nila ang mga pinto at mga bintana.
LEANDRO: Ligtas na tayo dito, huwag na kayo mag alala.
Sinara lahat ng bintana at mga pinto, at nagsindi ng mga kandila.
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'
HorrorSa isang bayan ng Santa Barbara ay may nakatayong Estatwa sa tabi ng Puno ng dalampasigan. Dalawang kabataan ang nagka interes na makita ito, ngunit lingid sa kanilang kaalaman na ang sinomang lumapit sa puno na iyon ay makakaranas ng lagim. Than...