Chapter 16

4.7K 133 3
                                    

Samantala...

Tumakbo si Kasandra sa dalampasigan upang ibuhos ang sama ng loob, lihim na naka sunod sa likuran niya si Luna, nag-tago ito sa likod ng malalaking bato.

"Ano ang gagawin mo Kasandra?" interesadong sabi ni Luna sa kaniyang loob habang minamasdan niya si Kasandra na lumalapit sa puno.

At maya -maya ay biglang umulan ng malakas, papalapit si Kasandra sa puno at nakita niya ang kanyang imahe na inukit ni Leandro, niyakap nya ito na parang nababaliw.

"Niloko mo ko Leandro!! sabi mo pakakasalan mo ako, sabi mo hindi mo
ako iiwan, sinaktan mo ako,mas maganda ako kesa kay Beatrice diba Leandro?!

At ikaw Beatrice, ibalik mo sa akin ang benditas ko, ibalik mo! akin ang mga Benditas! Dapat ko ulit gumanda para balikan ako ni Leandro, ibalik mo sa akin ang Benditas Beatrice!" masamang masama na loob na sambit ni Kasandra.

Tumayo si Kasandra habang kumikidlat ng malakas at buhos ng ulan,

"Hindi ko kayo titigilan Leandro! Beatrice!, at mga tao dito sa Santa
Barbara! Hindi ko lilisanin ang punong ito, ako ang mag poprotekta sa punong ito,
upang wala ng hihigit pa sa kagandahan ko, lahat ng taong
magtatangkang lumapit sa punong ito ay aking isusumpa, magbabalik ako, mag
hahasik ako ng lagim pag-sapit ng kabilugan ng buwan, aking kukunin at
isasama sa kadiliman!!" Malakas na malakas na sinabi ni Kasandra habang lumalakas ang mga hangin at ulan sabay kulog ng kidlat.At bigla na lamang siyang nagbigti gamit ang malalubid na sanga ng puno.

Habang nakabigti si Kasandra ay lalong lumakas ang kulog at kidlat, at biglang humiwalay ang kaniyang katauahn sa kaniyang wala ng buhay na katawan at pumasok sa kanyang imahe na inukit ni Leandro,unti-unting gumalaw ito, at nanati ito sa statwa.

Habang naka silip sa likod ng mga batuhan si Luna, napaatras siya sa sobrang takot at kumaripas na umalis sa lugar na 'yon.

At nung gabing 'yon ay hinahanap ni Aurora si Kasandra, alam ni Aurora na doon lamang nagpupunta si Kasandra at labis syang nagimbal nang nakita niyang nakabigti ito sa puno,

...

Samantala sa mansion.

Pagkadating na pagkadating nila ay nagpahanda agad ng mga pagkain si Donya Martina, at salu-salo silang kumain sa mahabang hapag kainan.

"Masaya ako sapagkat ito na ang pagkakataon upang tayo magkakilala ng lubusan,"

"Tama ka Dr. Alfonzo, matagal ko na rin hinihintay ang mga

pagkakataon na ito, lalong lalo na para sa ating mga anak,"

Matapos nilang maghapunan ay nagpunta sila sa malaking sala ng mansyon at doon ay nag usap usap..

"Beatrice, maari ba kitang makausap?"

"Oo Leandro, halika doon tayo sa terrace,"

Nagpunta ang dalawa sa terrace at sila ay nag-usap..

"Ikaw pala ang babaing matagal ko ng pinapangarap, akala ko ay di na kita makikita," masayang sabi ni Leandro.

"Maliit pa lang ako madalas na kita nakikita sa tabi ng dagat,"

Hinawakan ni Leandro ang mga kamay ni Beatrice at kaniyang hinalikan.

"Masaya akong nagkatagpo na rin tayo,"

Sinuklian naman siya na Beatrice ng matatamis na ngiti.
...
Matapos nilang mag hapunan ay nagtipon sila sa malaking sala.

"Kailangan nating malaman kung ano ang ginawa ni Kasandra! upang hindi na ito maulit!" interesadong sabi ni Dr.Alfonzo.

The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon