Chapter 34

1.8K 68 2
                                    

Pagsakay nila sa van ay nasa isip nilang lahat ang mga sinabi ni Elena.

HAZEL:Itay, ?
KARIO: Ano yon anak?
HAZEL: Natatakot ako bumalik sa puno ng Hermosa, nandoon si Kasandra.
PATRICK: Huwag ka matakot pagtutulungan natin ito, mag iisip tayo kung pano
ang gagawin natin.
MILA: Ang importante may mga kaalaman na tayo tungkol dito at may
pag asa tayo na mawala ang sumpa, magdasal tayo.

Bumalik sila sa Santa Barbara sa dating bahay nila Adel, pag balik nila doon ay pagod silang lahat sa biyahe.

LUCAS: Hindi kaya tayo nililinlang ng Elenang iyon?
BELEN: Yun din ang iniisip ko pero wala na tayong magagawa kundi sundin ang mga
sinabi nya.
LUCAS: Magdidilim na kailangan ng sindihan ang mga kandila.

Naghanda ng hapunan si Adora at sabay sabay silang kumain, pinag uusapan pa din nila ang mga sinabi ni aling Elena.

KARIO: Ang unang gagawin ay ang makuha ang mga bunga ng Hermosa at sa
kagubatan upang makuha ang mga Benditas at pagsapit ng kabilugan ng buwan ay
ibibigay ito kay Kasandra ng matapos na ang sumpa.

MILA: Pero Kario madaling sabihin mahirap gawin, dahil gugulantangin natin ang
lungga ni Kasandra, natatakot ako para sa mga bata, papano kung hindi tayo
makakuha ng mga bunga.?Papano kung may masamang mangyari?

KARIO: Huwag ka ng mag isip ng ganyan, maging positibo tayo,
wala tayong magagawa kundi gawin ito.

The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon