Lalong lumalakas ang hangin at hinahangin ang mga kandila, nagsama sama sila sa sala at sabay sabay na nananalangin, hindi pa din tumitigil ang mga hangin..
Maya maya ay nakita ni Adel ang Estatwa sa tabi ni Mia.ADEL: Mama nakikita ko ang Estatwa nasa tabi ni Mia.
Tumingin si Mia sa kanyang tabi ngunit wala syang nakita.
MIA: Nanay natatakot ako.
Niyakap ni Mila si Mia.
CARMEN: Huwag kayo matatakot, ang mga nakikita ni Adel at Hazel ay parang mga hangin lamang, ang nasa labas ang totoo kaya hindi dapat makapasok dito,
Kung anu anong naririnig nila na ingay sa labas at mga tinig ni Kasandra, magkakasama lamang
silang nagdadasal hanggang mag umaga at nawala na ang mga ingay..LUCAS: Wala na!
BELEN: Magpahinga na muna tayo kahit ilang oras at sa tanghali ay kailangan na nating umalis dito.
At nagpahinga na silang lahat,
Makalipas ang ilang oras ay gumising na sila upang maghanda sa kanilang pag alis.KARIO: Lucas uwi na muna kami ni Mila kukunin lamang namin ang aming mga
damit, dito muna mga anak ko.
LUCAS: Oo sige mag ingat kayo mang kario.Bumalik ng bahay si Mila at kario, nagmamadali silang nag impake ng kanilang mga gamit.
MILA: Papatnubayan tayo ng Panginoon sa ating pag alis.
Maya maya ay dumating si David.
KARIO: Aalis na kami ngayon, ikaw na bahala sa aming mga gamit..kasama yan sa
iyong binayaran,
DAVID: Ipapa renovate ko ang buong kabahayan na ito, kaya ibebenta ko na
lamang ang mga naiwan ninyong kasangkapan.
KARIO: Ikaw ang bahala David, maraming maraming salamat sayo, sabihan mo
lamang ang iyong pamilya na huwag na huwag sila lalapit sa puno ng Hermosa sa
may dalampasigan.
DAVID: Bakit?
KARIO: Basta tandaan mo lamang ang sinabi ko,
DAVID: Huwag kang mag alala tatandaan ko yan, mag ingat kayo kung saan man
kayo pupunta.
KARIO: Maraming salamat aalis na kami, tayo na Mila ,
MILA: Maraming salamat po sa inyo.
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'
HorrorSa isang bayan ng Santa Barbara ay may nakatayong Estatwa sa tabi ng Puno ng dalampasigan. Dalawang kabataan ang nagka interes na makita ito, ngunit lingid sa kanilang kaalaman na ang sinomang lumapit sa puno na iyon ay makakaranas ng lagim. Than...