Chapter 22

3.8K 125 2
                                    

Bumalik agad sila sa bahay nila Lucas.

BELEN: Nakahanda na kami.
LUCAS: Nasa bayan na ang sasakyan natin, kailangan natin maglakad patalikod
patungo doon , Berto, Adora, kayo na ang bahala dito, tandaan nyo hindi na muna
tayo maaaring magkita, ipagdasal nating matapos ang sumpa ng makaligtas na
ang mga bata, naiintindihan nyo ba?
BERTO: Oo kuyang, mag ingat kayo.
CARMEN: Iiwan ko sa inyo ang librong ito.
ADORA: Pero bakit ? kailangan nyo ito.
CARMEN: Habang wala ako ay ikaw ang papalit sa akin, kapag may bagong
biktima ang puno, ay nakasulat dyan ang mga dapat gawin, naiintindihan mo ba?
ADORA: Opo ate Carmen, ako na po ang magtatago nito.
ADORA: Mag ingat po kayo.
LUCAS: Aalis na tayo..
KARIO: Magsasama sama tayo sa paglalakad.

CARMEN: Tandaan nyo, wag kayong lilingon, kahit pinagtitinginan tayo o kahit sino
Ang magtanong o tumawag sa atin ay huwag natin silang papansinin.
MILA: Saan po tayo mag uumpisa maglakad?
CARMEN: Mula sa pinto ng bahay na to.
BELEN: Nakahanda na kami.
MILA: Hazel, Mia humawak kayo sa akin.
KARIO: Mia dito ka sa akin anak.
ADEL: Mama hawakan po ninyo ako. Oo anak, humawak ka sa akin.

At nag umpisa na sila magbilang habang naglalakad sila ng paatras
Isa... Dalawa.... Tatlo".....................
Habang naglalakad sila paatras..

KAPITBAHAY 1: Ano nangyayari sa mga yan? Bakit sila naglalakad paatras?
KAPITBAHAY 2: Nasisiraan na yata ng ulo ang mga yan?

May isang kapitbahay kasama ang isang kalaro nila na si Jerico.

KAPITBAHAY 3: Aling Mila ano ginagawa ninyo?
JERICO: Hazel! Adel? saan kayo pupunta? tumingin naman kayo sa akin.

Muntik ng mapalingon si Hazel at Adel kay Jerico, pinigilan sila ng kanilang mga ina sa pamamagitan ng paghigpit ng paghawak nila sa mga ito..
Nagpatuloy silang maglakad at hindi nila pinapansin ang mga taong nakatingin sa paligid,

KAPITBAHAY 4: May nakita na akong ganyang eksena noon!

Sabi naman ng isang babae.

KAPITBAHAY 5: Bakit nila ginagawa yan?
KAPITBAHAY 4: Para di sila masundan ng maligno.
KAPITBAHAY 5: Naku di totoo yan.

Patuloy pa din sa paglalakad ang buong pamilya hanggang isang daang hakbang.

LUCAS: Nandito na tayo.

CARMEN: Pwede na tayong humarap at walang lilingon.

KARIO: Mga anak walang lilingon pag humarap na tayo.

LUCAS: Sumakay na kayong lahat.

CARMEN: Huwag kayo mag papa alam sa mga taong kumakaway sa inyo.

Hanggang makarating sila sa nakaparadang sasakyan na van ni Lucas.At nakasakay na silang lahat ng Van.
At nakarating na sila ng Maynila.

Pagsapit ng gabi..habang nasa loob sila ng van.
HAZEL: Nanay mag gagabi na natatakot ako , malapit na, magkakabilugan
na ng buwan.
MILA: Huwag ka matakot anak, ligtas na tayo..
Ngunit kinakabahan pa din silang lahat.Samantala sa puno ng Hermosa.

Lumakas ang hangin sa paligid at umindayog ang puno at doon ay lumabas ang kaluluwa na mukhang estatwa at sinundan ang mga bakas ni Hazel at Adel, ngunit hindi na nya ito makita... Nag liliyab sa galit ang kaluluwa nito hangga't sumapit ang kabilugan ng buwan, hinalughog nya ang bawa't sulok ng Sta. Barbara , mabilis ito na parang bulalakaw habang hinahananap nya sina Hazel at Adel , ngunit hindi nya ito natagpuan, nanlilisik ang mga mata nito sa sobrang galit at bago sumikat ang mga araw ay nagbalik na ito sa puno.

.............

The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon