Nakabalik na ng bahay nila Adel sina Hazel.
ADEL: Tiya Carmen alam na po namin ang ibig sabihin ng huling salitang
nakasulat sa libro?
CARMEN: Ano ang ibig sabihin?
Lahat sila ay naghihintay ng kasagutan.ADEL: Ang tanging magbibigay ng mga Benditas kay Kasandra ay si Beatrice
lamang.
BELEN: Ano, papano mangyayari yon?
MILA: Saan natin sya matatagpuan?Nanlumo ang lahat sa kanilang narinig.
BELEN: Nawawalan na ako ng pag asa!
CARMEN: Puntahan natin ang kanilang mansyon baka may impormasyon
tayong malaman?
LUCAS: Ngunit sa tingin nyo ba ituturo sila ng mga katiwala nila doon, gaya natin
dati, nagtago tayo, nasa ibang bansa din sila, wala na tayong oras..
BELEN: Ano ang gagawin natin papano natin siya makikita,.Nanlupaypay ang lahat sa sitwasyon.
PATRICK: Aalis po muli kami, titingnan namin kung ano ang aming magagawa,
malay natin baka umuwi na sila ng Sta. Barbara, baka may nakakakilala sa kanila.
KARIO: Mag sama sama na tayo, kung ano ang magagawa natin, mahirap
maghintay dito ng walang ginagawa, tumatakbo ang oras,.
CARMEN: Tama, lumabas na tayo ngayon, kailangan nating pumunta sa mansyon
nila Beatrice.Lumabas silang lahat at sumakay sa van.
JASPER: Bababa po kami ng bayan, kailangan po nating maghiwalay para hindi masayang ang ating oras.
LUCAS: Mabuti pa nga, sige sa bayan na muna tayo.
ADEL: Kami na po ang bahalang umuwi mamaya.
BELEN: Huwag kayong mag papa abot ng gabi!Pagdating sa bayan ay bumaba ang magkakasintahan.
KARIO: Sa bahay na tayo magkita kita, mag iingat kayo!
HAZEL:Opo itay.At umalis na sila Kario, pupunta sila sa mansion nila Beatrice.
pagka alis ng van ay nag lakad lakad ang mag kakaibigan at nag tatanong tanong.HAZEL: Patrick ito yung buong pangalan nila, sinulat ko dito.
Binasa ni Patrick.PATRICK: Mawalang galang po, kilala nyo po ba si Leandro Montreal at ang kanyang asawang si Beatrice?
BABAE 1: Beatrice? Diba sya yung pamangkin ng dating Gobernador dito.
BABAE 2: Ah oo, at si Leandro sya yung sikat na skultor dito noon at si Beatrice ang
Binibining Sta. Barbara na anak ni Dr. Alfonzo Galvez.HAZEL: Opo sila nga po, alam nyo po ba kung nasaan sila?
BABAE: Nasa ibang bansa sila mula noon di pa nagbabalik , hindi namin alam kung bakit di na sila bumabalik dito.
PATRICK: Ah ganon po ba salamat na lang po.
ADEL: Nawawalan na ako ng pag asa , walang makakapag sabi kung nasaan sila,
at wala na talaga sila dito.
HAZEL: Adel papano na tayo ?Nagtanung tanong ulit sila ngunit wala silang nakuhang impormasyon.
ADEL: Jasper mag gagabi na, magpapakita na sya sa amin.
HAZEL: Adel nadala mo ba ang kandila, para hindi sya makalapit sa atin?
ADEL: Oo meron akong dala.
PATRICK: Doon na muna tayo sa kainan na yun, maraming tao doon, doon natin
sindihan ang mga ito.
JASPER: Halika na dalian ninyo.
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'
HororSa isang bayan ng Santa Barbara ay may nakatayong Estatwa sa tabi ng Puno ng dalampasigan. Dalawang kabataan ang nagka interes na makita ito, ngunit lingid sa kanilang kaalaman na ang sinomang lumapit sa puno na iyon ay makakaranas ng lagim. Than...