"Saan nanggagaling ang nagpi-piano na 'yon?" nagtatakang sabi sa kaniyang loob. Nasa kusina si Hazel nang kanya itong narinig.
At maya maya'y may nakita syang nakatayo na medyo malayu layo sa kanyang harapan....hindi niya ito masyadong maaninag dahil madilim. Kinuha niya ang flash light sa ibabaw ng refrigerator at inilawan niya ito at laking gimbal niya ng tumambad sa kanya ang statwa na kanyang nakita sa tabi ng puno, at lumalapit ito sa kaniya.
Naririnig ni Hazel ang mga yabag nitong papalapit sa kaniya.
Sumigaw si Hazel sa takot.
"Tatay ! Tulungan niyo ko ahhhh!"
Malakas niyang sinasabi ngunit walang boses ang lumalabas sa kanyang bibig.
Nabitawan niya ang hawak niyang baso at nabasag ito sa sahig.Maya-maya ay dumating ang kanyang ina, binuksan nito ang ilaw at biglang nawala ang statwa.
"Hazel ano nangyayari?!" Sambit ni Mila nang nakita niya si Hazel na nakatulala.
Hindi makapagsalita si Hazel sa sobrang takot.
"Bakit nagkakaganyan ka?"
Napaupo si Hazel sa upuan.
Winalisan ni Mila ang nabasag na baso."Nanay yung statwa sa puno..... nakita ko!" Biglang kinilabutan si Mila sa sinabi ni Hazel.
Tumingin ito sa paligid. Ngunit wala syang nakita.
"Matulog ka na anak, guni-guni mo lang yan," tumingin si Mila sa paligid at nakita nyang nakabukas ang mga bintana, "Nakalimutan na naman ng iyong ama isara ang mga bintana sa sala, sandali at isasara ko," Habang sinasara ni Mila ang mga bintana ay biglang humangin, hindi na lamang ito pinansin ni Mila ngunit nangangatog pa rin sa takot si Hazel.
"Pumasok ka na sa iyong silid,"
"Nanay samahan ninyo ako."
Nagpunta sila sa kuwarto ni Hazel,
"Matulog ka na, bubuksan ko mga ilaw para di ka matakot."
"Nanay dito ka na lang matulog sige na nanay!"
Ano ka ba naman Hazel, teen ager ka na, para kang bata.
Maya-maya ay nagising si Mia.
"Nanay dito ka na lang muna matulog please." Nakikiusap na sabi ni Mia.
Naawa si Mila sa mga anak kaya tinabihan ito matulog at doon ay nakatulog ng mahimbing si Hazel.
...
Kinabukasan naghahanda ng almusal si Mila.
"Mila bakit ba hindi ka sa silid natin natulog kagabi?"
"Itong anak mo nagiging matatakutin, ayaw matulog pag hindi ako kasama kagabi kaya, dun ako natulog,"
"Hazel dalaga ka na,"
Hindi kumikibo si Hazel at nakatahimik lamang ito.
"Hazel samahan mo ako mamayang hapon, magpapatahi lang ako, mamalengke na muna ako,"
"Anong ipapatahi mo?" tanong ni Kario.
"May play kasi kaming mga guro, kasama ng mga studyante, at kailangan ko ng costume na pang diwata,"
"Mahal magpatahi diba?"
"Oo nga kaso wala ako magagawa, wala akong mahiraman, tsaka kay Eva naman ako magpapatahi kaya bibigyan ako ng discount.
...
Nung hapon na iyon, magdidilim na nang nakauwi si Mila dahil namili pa ito ng tela.At pagdating ni Mila nagpasama siya kay Hazel para pumunta sa kaibigan niyang mananahi na si Eva..
"Nay saan po ba tayo magpapatahi?"
"Sa ate Eva mo, magpapatahi ako ng damit na isusuot ko sa stage
play namin sa School, kailangan kong paghandaan ito,"
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'
HorrorSa isang bayan ng Santa Barbara ay may nakatayong Estatwa sa tabi ng Puno ng dalampasigan. Dalawang kabataan ang nagka interes na makita ito, ngunit lingid sa kanilang kaalaman na ang sinomang lumapit sa puno na iyon ay makakaranas ng lagim. Than...