Bandang hapon, dumating na si Beatrice dala ang napakagandang gown na kaniyang isusuot. Sinukat nya ito at bumagay ito sa kaniya.
"Ang ganda ng gown mo Beatrice, bagay na bagay sa'yo," sambit ni Luna.
"Salamat,"
Nakatingin lamang is Kasandra at lihim na niinggit dahil sa sobrang ganda ng gown ni Beatrice.
...
Makalipas ang ilang araw ay nagpaalam si Kasandra kay Beatrice.
"Ate Beatrice aalis ako ngayon, magkikita kami ng aking ama papayagan mo ba ako?"
"Yun lang pala e, oo naman."
Umalis agad si Kasandra ng mansion at nakipagkita sa kanyang ama na si Nando. Nagkita sila sa isang kainan.At doon na rin sila nagmeryenda.
"Anak kamusta ka na sa mansyon? (Napansin ni Nando na napakaganda ng mukha ni Kasandra) napakaganda mo anak, kamukha ka noon ng iyong ina, pero bigla na lang nagbago itsura nya sa isang iglap, hanggang ngayon nagtataka pa din ako." Sabi ni Nando.
Hindi na nagtanong si Kasandra kung bakit dahil alam nya ang dahilan kesa sa kanyang ama.
"Masaya naman po tay, naging kaibigan ko si Beatrice."
"Beatrice?"
"Siya yung anak nila Dr. Alfonzo at Donya Martina,"
"Ah oo yung magandang bata, dalaga na din na gaya mo ngayon, ang nanay mo, kamusta na siya?"
"Yun, mabuti naman po, e kaso lagi sinusuyo ni kuya Fred."
"Yung driver?"
"Opo."
"Gusto naman ng iyong ina?"
"Eh minsan po."
"Ano? Yang nanay mo talaga oo,"
"Eh itay, musta na? Nalaman ko po kase na kayo na pala ni Sylvia Montes totoo ba yun?"
"Hmm oo anak, nakilala ko sya nung namasukan ako bilang driver at nagkagustuhan kami, alam mo namang matagal na kaming hiwalay ng iyong ina, hindi ka pa pinapanganak,"
"Bakit ba kayo nagkahiwalay?"
"Yan ang di ko maipaliwanag, pati ako nagtataka, biglang nawala lahat yung pag mamahal at pagkagusto ko sa ina mo ng isang iglap,"
"Wala na talaga kayong nararamdaman para kay nanay?"
"Walang-wala na talaga anak, nang dahil sayo kaya napipilitan akong makipagkita sa nanay mo para lang makita ka mula nung maliit ka pa,"
Napaisip si Kasandra sa sinabi ng kaniyang ama.
"Alam mo tay, alam ko ang dahilan kaya biglang nawala ang pagmamahal niyo kay nanay sa isang iglap." Nadulas na dila na sabi ni Kasandra.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ah w-wala po , ....(iniba nito ang usapan ) ....... ano ang balak niyo ni Sylvia Montes?"
"Huwag mong sasabihin ito anak kahit kanino ha, humahanap lang kami ng tiyempo at aalis na kami, lilisanin na namin ang Sta. Barbara,"
"Mayaman ka daw noon?"
"Oo, pero tinalikuran ako ng pamilya ko at inalisan ng mana nang nalamang magkakaanak ako sa isang tulad lamang ng iyong ina."
"Bakit di kayo lumaban?"
"Wala na akong nagawa, di na rin ako interesado sa kayamanan na yun, namuhay ako mag-isa ng simple, hangga't muli akong umibig nang nakilala ko si Sylvia," sagot ni Nando. Napaisip si Kasandra sa sinabi nito. "Dapat pala mayaman ako, nagdusa kami ni nanay na maging alila ng pamilya ni Beatrice," nagtatampong sabi nito. Hindi agad nakakibo si Nando. "Patawad anak," tanging sagot nito. Napatingin ng orasan si Kasandra.
"Nasaan po si Leandro ngayong oras na ito, ano ginagawa nya?"
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'
HorrorSa isang bayan ng Santa Barbara ay may nakatayong Estatwa sa tabi ng Puno ng dalampasigan. Dalawang kabataan ang nagka interes na makita ito, ngunit lingid sa kanilang kaalaman na ang sinomang lumapit sa puno na iyon ay makakaranas ng lagim. Than...