Chapter 33

1.8K 68 2
                                    

Pinaupo sila ni Elena sa mga banko sa kanyang hardin.

ELENA: Nasa puno ng Hermosa ang lihim ng kaligtasan sa pagpasok sa gubat.
HAZEL: Puno ng Hermosa?
ELENA: Oo ang mga bunga nito.
HAZEL: Pero doon po kami nagpunta kaya po kami nagkasumpa,
babalik po kami doon?
ELENA: Sa mga bunga ng puno na iyon ang makakatulong sa inyo.
KARIO: Mga bunga?
ELENA: Kakainin ito kapag nasa loob na ng kagubatan, sa pamamagitan nito ay hindi
makakalapit ang mga maligno lalayo sila at hindi kayo maliligaw,
makakalabas kayo ng kagubatan, hindi gaya ng iba ay nagpapabalik balik sa puno at hindi na nakalabas ng gubat.
HAZEL: Nakakatakot isipin!
CARMEN: Kaya pala pinoprotektahan ni Kasandra ang puno upang walang
makakuha. Nasaan na si Aurora?

ELENA: Nasa kabilang bayan na sila , ngunit dito nakatira ang anak nyang si Asunta.

CARMEN:Nagka anak ulit si Aurora?
ELENA: Oo sa asawa nyang si Fredo.
HAZEL: Sya yung nakita natin kanina.

ADEL: Pero papano natin makukuha ang mga bunga? Binabantayan ito ni
Kasandra?
PATRICK: Maaari po ba kami ni Jasper ang kukuha ng mga bunga sa puno
ng Hermosa?
HAZEL: Ngunit papano?, nandoon si Kasandra at pati kayo ay magkakasumpa kagaya namin ni Adel.
PATRICK: Pero yun lang ang paraan para mailigtas kayo, mas lalong hindi nyo
kaya ni Adel gawin.
CARMEN: Maari nyo itong gawin sa umaga, hindi sya nakakalabas ng puno
hangga't hindi sumasapit ang gabi, pero nasa puno sya mismo kaya
mapanganib pa rin,

PATRICK: Kailangan namin gawin ito , kahit anong panganib ay haharapin namin ,
mailigtas lamang sila Hazel.
ADEL: Ngunit mag iingat kayo,.

ELENA: At tandaan ninyo, kapag nakarating kayo ng kagubatan, ang mga Benditas lamang ang inyong kukunin, huwag ninyong kukunin ang enigma para hindi kayo sundan ng diwata ng Benditas, kung sino man sa inyo ang papasok ng kagubatan ay huwag na huwag kayo magpapa abot ng isang oras. Isang oras lamang ang bisa nito, Sa loob ng kagubatan ay gabi, kahit umaga kayo pumasok ay mistulang gabi sa gubat na iyon, mabilis ang oras sa gubat na iyon kaya dapat ay alisto at mabilis kayo, dahil kapag kayo ay naabutan ng oras ay hindi na kayo makakalabas.

KARIO: Tatandaan po namin, maraming salamat po aling Elena, aalis na po
kami, sapat na po ang mga impormasyon na inyong inihayag sa amin,
maraming maraming salamat po.
.......

The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon