Chapter 6

5.7K 169 1
                                    

Samantala sa mansion nila Leandro, gumuguhit ito,  nang biglang pumasok si Sylvia Montes.

"Leandro! Sino ang babaeng ginuguhit mo?"

"Ang babaeng pinapangarap ko Mama, lagi ko syang napapanaginipan,"

"Pero di mo naman pala siya nakikita?"

"Pakiramdam ko mama, makikita ko rin sya sa takdang panahon, at wala akong balak mag asawa kung hindi lang ang babaing  ito ang aking pakakasalan."

"Ano nahihibang ka ba Leandro?"

"Siguro nga Mama,"

"Papano kung hindi mo na makikita ang babaing yan, hindi ka na mag aasawa?"

"Hindi na Mama,"

"Papano kung umibig ka sa iba?"

"Hindi mangyayari yan mama, marami na akong nakilala, kung saan saang lugar, pero kahit minsan wala akong naramdaman na totoong pag ibig, maliban lamang sa babaing ito na matagal ko ng pinapangarap makita,"

"Pero nakita mo na ba noon ang babaing tinutukoy mo?"

"Noong maliit pa ako, madalas ko sya makita sa tabi ng dagat kayalang sa tuwing lumalapit ako lumalayo na sya,  hindi ko na sya nakikita mula noon, kaya hindi ko alam Mama kung nasaan na sya, di ko rin alam kung sino ang kanyang mga magulang, malaki na rin sya ngayon gaya ko, at madalas ko sya naaalala,"

"Baka makita mo sya sa gaganapin na
"Night to Remember" malay mo makita mo na sya doon?"

            "Pero tatlong taon na akong dumadalo sa kasiyahang 'yon,  nagbabakasakali na makita ko sya, pero talagang wala, ayoko na ulit mabigo at maghintay, naisip ko kung talagang para sa akin ay magkikita at magkikita kami kahit hindi sa kasiyahang iyon, ayoko ng umasa sa kasiyahang 'yon."

"Nauunawaan na kita Leandro, mas mabuti pa nga na wala kang seryosong kasintahan ngayon, hindi kita pipigilan kung hindi ka dadalo sa kasiyahan."

At lumabas na ito ng work shop room ni Leandro, napatingin si Leandro habang tumalikod si Sylvia Montes.

...........

Isang araw, nagpa alam si Kasandra kay Beatrice, kaarawan ng kapatid ng kanyang ina sa kabilang baryo, sinama siya ni Aurora upang mapasyalan na din ang kanyang kapatid.

.........

Sa bahay ng kapatid n Aurora na si Elena.

"Wala ka ata bisita Elena?"

Habang naghahanda ng pagkain.

"Hindi na ako nag imbita ate Aurora , makita ko lang kayong mag ina masaya na ako."

Nagsalu-salo sila kumain kasama ng asawa nito na si Oscar.

"Namamasukan na rin pala si Kasandra sa mansion?" Ani Oscar.

"Oo, wala na kasi sya makakasama sa bahay, mula ng nagkahiwalay kami ni Nando, kaya sa mansion na kami nanunuluyan ngayon."

"Bakit ba kasi nagkahiwalay pa kayo ni Nando?"

"Mula ng naging driver sya ni Sylvia Montes, ay madalang na syang umuwi."

"Huwag mo sabihin sa akin na pinagselosan mo si Sylvia Montes?"

"Natural nagseselos ako."

"Ano, pwede ba naman magustuhan ni Sylvia Montes si Nando eh isa lamang sya hamak na driver." Napailing na wika ni Oscar.

"Alam mo ba, yang si Sylvia, hindi naman sya ang tunay na ina ni Leandro, pinakasalan lang nya ang ama ni Leandro dahil mayaman ito."

            "Aam namin yan, magandang lalaki naman si Don Miguel byudo at mayaman pa, kaya di kataka takang mapaibig nya si Sylvia Montes." Sabi naman ni Elena.

The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon