Chapter 45

1.5K 45 2
                                    

Kinabukasan..

Naghahanda na ang lahat sa kanilang pagpunta sa kagubatan..

MILA: Mia dito ka na muna.
MIA: Nay natatakot ako sasama ako.
CARMEN: Huwag ka mag alala, nandito kami ni Adora huwag ka matakot iha, hayaan
mo na lamang sila ang pumunta.

Nanalangin silang lahat bago sila umalis.Pumunta sila sa hacienda ni Don Miguel
at sumakay ng mga kabayo.Naka angkas si Mila kay Kario, si Hazel kay Patrick, Lucas at Belen, Adel at Jasper, Leandro at Beatrice.
Pag dating nila ng kagubatan

LEANDRO: Dito yun, yang makakapal na usok na yan, dyan tayo
papasok sa loob nyan.

Maya maya ay may narinig silang mga nakakakilabot na alingaw ngaw..
BELEN: Ano yon?

Kinilabutan silang lahat

PATRICK: Kailangan na nating makapasok ngayon.
BELEN: Tandaan nyo mga bata, gaya ng sabi ni Elena, gabi sa loob ng
kagubatan at mabilis ang oras sa loob nito, kailangan nyo ito agad makuha,
huwag kayo papa abot ng isang oras!
ADEL: Tatandaan po namin.
MILA: Mag iingat kayo !

Niyakap ni Mila at Kario si Hazel gayon din si Lucas at Belen kay Adel.
Nag hawak kamay ang mag kakasintahan at pumasok sila sa makapal na usok , pag pasok nila..

BEATRICE: Maaari na nating kainin ang mga ito.

Kinain nila ang mga bunga na kanilang hawak..

ADEL:Jasper nasusuka ako sa lasa, arghh ,hindi ko kaya lunukin.
HAZEL: Ako rin hindi ko malunok..

Tiniis nila ang mapaklang lasa ng mga bunga.Nang nalunok na nila ang mga ito ay pumasok na sila sa loob ng kagubatan.Madilim ang paligid at may mga naglilipana na malalaking paniki..naglakad sila upang hanapin ang halamanan ng mga Benditas,

Maya maya ay may lumapit na mabangis na hayop.
GRRR!! Grrr!!

ADEL: Ahhh hayop,napakalaking hayop‼

Ngunit hindi ito nakakalapit sa kanila , nang nalagpasan nila ang mabangis na hayop ay may humarang naman na isang babaeng puno, lumihis silang daan , maraming naglilipanang mga lumilipad .. Naglakad sila ng naglakad , kung anu anong mga nakakakilabot na nilalang ang nakikita nila sa paligid, nakahawak ng mahigpit sila Hazel sa kanilang mga kasintahan.
Maya maya ay natanawan ni Leandro ang kumikinang na halamanan, may bulaklak na nagingislap..

BEATRICE: Marahil ay iyon ang mga Benditas.
LEANDRO: Sa tingin ko yan nga..

Lumapit sila dito, at paglapit nila ay pinaligiran ito ng mga taong puno,

LEANDRO: Dito na lamang tayo at ako na ang kukuha nito.

Nakakita ng sanga si Leandro at binugaw nya ang mga taong puno na nakaharang dito.
Nag layuan ang mga ito,

Naalala ni Leandro na ang kanyang kukunin lamang ay ang mga walang tinik upang hindi sila masundan ng diwata ng Benditas.

LEANDRO: Yung walang tinik ang mga Benditas.

Sabi ni Leandro sa kanyang sarili, pinagmasdan mabuti ni Leandro ang mga Benditas at pinitas nya ito.

LEANDRO: Nakuha ko na ang mga Benditas!
BEATRICE: Salamat..
ADEL: Papano tayo makakalabas andyan na naman ang mga taong puno
papalapit sila sa atin.

Tiningnan nila ang kanilang mga relo, napakabilis ng ikot nito..

PATRICK: Ang bilis ng mga oras.

Napakaraming mga taong puno sa harapan nila, tuwing lumalapit sila ay umaatras ang mga ito, naglakad sila ng naglakad.

JASPER: Ang bilis ng mga oras, mag iisang oras na agad tayo!
PATRICK: Bilisan natin,

Naglakad sila ngunit marami ang nakaharang kaya nahihirapan silang makadaan, pinagtutulak ni Leandro, Patrick at Jasper ang mga taong puno, at ng lumuwag ang daan ay tumakbo sila, at sa kanilang pagtakbo ay nadapa si Beatrice at sumabit ang kanyang paa ,

BEATRICE: Leandro tulungan mo ako. Hindi ako makatayo!
LEANDRO: Beatrice ! Halika tumayo ka, wala na tayong oras! Mawawalan na ng bisa ng Hermosa.

Tinatanggal ni Leandro ang pagkakaipit ng mga paa ni Beatrice ngunit hindi nya ito maalis.

MILA: Ang tagal nila,
BELEN: Mila! Wala ng oras!.
KARIO: Huminahon kayo at maghintay!

Nakalabas ng gubat sila Hazel.Paglabas nila ng kagubatan, hingal na hingal sila.

KARIO: Ayun sila nakalabas sila!
MILA: Ahh maraming salamat, Hazel nandito kami..anak!

Sinalubong kaagad sila ng kanilang mga magulang

LUCAS: Nasaan na sila Beatrice at Leandro?

Lumingon sila Hazel.

HAZEL: Nasaan na sila bakit wala sila?
ADEL: Baka naiwan sila sa loob, anong gagawin natin, ilang minuto na lamang ang
nalalabi, hindi na sila makakalabas !
JASPER: Balikan natin sila Patrick!
PATRICK: Oo tara na!
HAZEL: Mag iingat kayo!

At pumasok muli ng kagubatan ang dalawa.

ADEL: Nanay, baka abutan sila ng oras!
MILA: Maghintay tayo, maghintay tayo .

The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon