Unang gabi ni Beatrice sa mansion, hindi ito makatulog, kinuha niya ang kanyang bag at may kinuha sa loob nito, isa itong larawan ni Leandro na ginupit nya sa isang magazine na nakalagay sa maliit na frame. Bata pa lang si Beatrice ay mahal na nya ito ng lihim, madalas niya noon makita si Leandro na naglalaro sa tabi ng dagat kasama ang mga
kalaro at pamilya, ngunit tinitingnan lamang niya ito, hanggang hindi na mawaglit sa kanyang isipan si Leandro hanggang ngayon."Leandro sana magkita na tayo, noon natatakot pa ako na makilala ka dahil batang bata pa ako noon at wala pa akong lakas ng loob na makilala ka, pero ngayon kaya ko na, mahal na mahal kita, sana pag nagkita tayo mahalin mo din ako at magustuhan, ikaw lamang ang mahal ko wala ng iba." Sambit nya habang minamasdan ang larawan. Nag aalala na baka hindi sya mapusuan ni Leandro sa araw ng "The Night to Remember".
Makalipas ang ilang sandali.
Dumating si Elsa.
"Senyorita, pinabibigay ni Donya Martina," wika nito at iniabot ang isang prayer book.
"Salamat," sagot ni Beatrice.
"Sabi ng mama mo, basahin no raw yan bago ka matulog,"
Napansin ni Elsa na tila malungkot si Beatrice.
"Okay ka lang ba?"Hindi agad makakibo si Beatrice, nakita ni Elsa na hawak nito ang frame.
"Makikita mo sya sa darating na A Night to Remember, tatlong taon na syang dumadalo sa kasiyahan na yan,
pero wala pa rin sya napipili," sabi ni Elsa. Napatingin si Beatrice sa kanya."Oo nabalitaan ko ang tungkol dyan, pero bakit kaya wala syang napipili?"
"Ang lahat ng mga kababaihan na dumadalo doon ay naghahangad na maisayaw ni Leandro, pero bigo ang.lahat,"
"Baka may kasintahan na sya?"
"Ang balita ay meron pero hindi seryoso, sa kasiyahan talaga na yon nagaganap ang seryosong relasyon, pero wala pa rin sya napipili, sana ikaw ang isayaw ni Leandro," nakangiting wika ni Elsa.
"Papano kung hindi ako ang piliin nya? Baka masaktan lamang ako? Matagal ko na syang pinapangarap, sya lamang ang dahilan kung bakit ako nagbalik dito, upang dumalo sa kasiyahan na yon,"
"Baka ikaw ang kanyang hinihintay, nasa tamang edad ka na ngayon,"
"Ayoko masaktan, natatakot akong dumalo," malungkot na wika ni Beatrice.
Umupo sa tabi nya si Elsa.
"Huwag ka matakot Senyorita Beatrice, kakaiba ka sa lahat ng dadalo doon, ikaw ang isasayaw ni Leandro, at tiyak magugulat ang lahat,"
Bahagyang napangiti na lamang si Beatrice. At nang nakaalis si Elsa ay
Nilagay niya ang larawan ni Leandro sa ilalim ng kanyang unan.Nanalangin si Beatrice at sya ay nakatulog ng mahimbing.
Samantala sa mansyon nila Leandro.
Dala dala ni Leandro ang isang punong kahoy patungo sa kanyang workshop room.
Pumasok sa loob si Sylvia Montes, matanda lamang ito kay Leandro ng limang taon. Isa itong sikat na aktres na pangalawang asawa ng byudo nyang ama.
"Leandro bakit aalis ka na naman? kadarating mo lang mula America, aalis ka naman?" Nag-aalalang sabi ni Sylvia.
"Marami akong gagawin doon Mama kaya kailangan kong bumalik don agad,"
At maya-maya lang ay dumating si Don Miguel.
"Sylvia bakit?!"
"Ang anak mo kase, kadadating lang nya nung isang araw at babalik daw agad siya doon!" Iritang sabi ni Sylvia.
"Leandro! Diba may usapan na tayo na kailangan mong makadalo sa "The Night to Remember?" nakikiusap ako sayo Leandro kailangan mong makadalo doon!"
"Papa, wala na akong oras sa ganoong kasiyahan, marami akong ginagawa."
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'
HorrorSa isang bayan ng Santa Barbara ay may nakatayong Estatwa sa tabi ng Puno ng dalampasigan. Dalawang kabataan ang nagka interes na makita ito, ngunit lingid sa kanilang kaalaman na ang sinomang lumapit sa puno na iyon ay makakaranas ng lagim. Than...