Chapter 20

5.2K 125 4
                                    




MILA: Hazel kunin mo yung mga baso at kakain na tayo..
HAZEL: Opo nanay..
Naupo silang lahat sa hapag kainan at nagdasal.

MIA: Thank you po Jesus sa masarap na pagkain namin sa araw araw in
Jesus name amen.
MILA: Amen!
HAZEL: Nanay sasama ba kami bukas sa play nyo?
MILA: Aba oo naman anak lahat kayo kasama.
MIA: Diba fairy po kayo nanay?
MILA: Oo yun ang gagampanan ko bukas.
KARIO: Anong oras nga ba yun Mila?
MILA: Ala sinko ng hapon, dapat nandun na dapat tayo ng alas kuwatro.
KARIO: Naku aabutan pa pala tayo ng dilim.
MILA: Mas mabuti nga na nasa mataong lugar tayo, mababawasan ang takot
nitong anak mo, kapag nagpakita sa kanya.

Matapos kumain ay naghahanda na sila sa pag tulog

MIA: Nanay dito po kayo ulit matulog sa kuwarto namin.

MILA: Oo anak, hanggang pag alis natin sa lugar na ito dito ako sa tabi
ninyong magkapatid.

HAZEL: Salamat po nanay makakatulog na po ako.

MILA: Takpan mo lang mga mata mo at huwag mong ididilat,

Maya maya ay.....

HAZEL: Nanay naririnig ko na ang himig ng mga piano mag uumpisa na sya
magpakita.

Takot na sabi ni Hazel

Kinilabutan si Mila.

MILA: Basta pikit mo na ang mga mata mo matulog ka na, dito lang ako sa tabi mo.

Pumasok si Kario ng silid

MILA: Dito ka na rin kaya matulog?
KARIO: Hindi na ako kasya sa kama,mga anak magsitulog na kayo ha.
..............

Kinabukasan sa pagtatanghalan ni Mila ay nakahanda na ang lahat, nasa dressing room si Mila at kinuha nya sa puting kahon ang gown, at sinuot ito,

ELVIE: Ang ganda naman ng gown mo , mukha ka talagang diwata sa costume
na yan?saan mo nabili yan ang ganda.

MILA: Salamat ha, pinahiram lang ng kaibigan.

ELVIE: Sige mauna na ako lumabas, ako na ang susunod.

MILA: Ok sige, mamaya pa ako.

Naiwan mag isa si Mila sa dressing room.
Habang nagsusuklay ng buhok si Mila ay narinig nya  ang nakakakilabot na himig ng piano.
Tumaas ang mga balahibo ni Mila.

MILA: Ano yung himig na yun?

Tiningnan ni Mila ang buong paligid ng silid ngunit wala namang radyo o anumang bagay na pangaggalingan ng himig na iyon, nakaramdam ng takot si Mila, naisip nyang baka yun yung nakakakilabot na himig na naririnig ni Hazel gabi gabi.
Humarap siya sa salamin, sa kanyang pananalamin ay may nakita siyang isang babaeng estatwa sa kanyang likod ngunit paglikon niya ay biglang nawala ito...kinabahan sya sa takot ...... at ng pinagmasdan nya mabuti ang kanyang mukha ay nakita niya ang mukha nya sa salamin na nagbabago at biglang naging mukha ng estatwa ni Kasandra , ngumisi ito at tumingin ng masama sa kanya ..... napatayo sa takot si Mila at nakita nya na naiwan sa salamin ang kanyang replekto na mukha ng estatwa ni Kasandra, at nakita nyang nakaupo ang estatwa sa pinag upuan nya, at nakita nya sa salamin na nakatingin ito ng masama sa kanya, at unti unting humahaba ang mga buhok nito na umabot hanggang lapag, pahaba ng pahaba ito at papalapit sa kanya....nangangatog sa takot si Mila ngunit hindi sya makasigaw , takot na takot si Mila ,pumunta sya sa pintuan upang buksan ito ngunit hindi nya ito mabuksan, .... Hindi malaman ni Mila ang gagawin sa sobrang takot. At biglang lumingon ang Estatwa ni Kasandra!
" ARGGGH!" Nanlaki ang mga bunganga na sabi nito at nakatingin ng masama kay Mila.
  Sigaw sya ng sigaw si Mila ngunit walang lumalabas na boses sa kanya,
"Ahhhh!" Sigaw ni Mila ngunit wala itong boses na lumalabas.
at biglang bumukas ang pinto, may pumasok sa silid.

The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon